Una

0 0 0
                                    

   Undas na bukas at sem break din namin, kaya gaya ng nakasanayan ay babyahe ulit kami pauwi ng probinsya.
  

   Pahirapan makasakay ng bus Ngayon dahil sa siksikan at punong Puno ng tao na nais din umuwi sa kani-kanilang probinsya.

   Hindi na alintana ang mainit at  maalinsangan na panahon Lalo na at may bagyo ding nagbabadya na papalapit.

  Pagkatapos ng halos buong Araw na pakikipagsiksikan sa terminal ay nakasakay narin kami ng bus at nakuha ng maayos na upuan.

   Paalis na ang bus ng may Makita akong isang matanda na Hindi ko maunawaan kung nakatingin ba sa akin o akoy namamalikmata lang.

    Mga mata niyay parang naninilisik na nakakakaba nakadagdag pang nakaitim siya na bistida at isang tela na nasa kaniyang ulo. Ganun palagi mukha nung mga nakikita ko sa mga pelikula na parang nagbabanta na may mangyayaring  masama.

   Inalis ko agad ang tingin ko sa kanya dahil sa kilabot at pasimpleng sinampal ang sarili ng ipilit na wala lamang iyon nasobrahan lang ito sa mga horror mobies na pinapanood ko noon.

   " Ri, ayos kalang ba? Para Kang Tanga diyan na sinasampal mo sarili mo may problema ba? May masakit ba sa ulo mo kaya ka ganyan?" Tanong  ni ate Jo habang concern na nakatingin sa akin.

   Tinigil ko Ang pagsampal sampal sa sarili "Wala ito ate may naisip lang akong walang kwenta at hindi maalis sa utak ko kaya ganun hehe" dahilan ko at mukhang naniwala naman siya dahil Hindi na siya nagtanong ng kung anu-ano.

  Mahaba-habang biyahe ang kakaharapib namin Ngayon mukhang aabot ata kami ng lima hanggang anim na oras ang aabutin baka mga hating gabi na kami makakarating sa probinsya.

    Ng Hindi mabagot ay tamang tingin lang ako sa bibta ng mga tanawin mula sa mga naglalakihang mga building Hanggang sa mga Puno at kabukiran ang makikita.

   Mukhang ayaw makisama ng panahon ngayon. Paglabas namin sa bus ay siyang biglang pagpatak bg malakas na ulan.

   Lahat kaming asa bus ay dali-daling nagsitakbuhan para makahanp ng masisilungan.

   Nagpahuli kami dahil siksikan sila sa harap para makalabas. Ng kami nlng natitira ay dali Dali kaming tumakbo dun sa malapit na tindahan at duon muna kami makikisilong.

   "Magandang Gabi po ale, maari po bang kami ay makikisilong sandali?" Tanong ko sa bantay ng tindahan.

   "Ay ayos ng iha diyan muna kayo mahirap ng mabasa kayo ng ulan delikado ng magkasakit undas oa naman bukas" nagpasalamat kami sa kanila bago umupo at tulalang nakatingin sa malakas na ulan habang naghihintay ng sasakyan

  Halos kalahating oras kaming naghihintay ng may humintong traysikel at kami'y sumakay na ng makauwi na at makapagpahinga magaalauna na ng Umaga ata Ngayon.

     Hindi na namin inalintana ang lakas na ulan habang bumabyahe dahil pagod na pagod na talaga kami. Kami nila ate at mama ang sa loob at si papa naman ang sa labas.

   Habang papasok na sa aming baranggay ay hindi ko mawari ang pakiramdam ko na parang may Mali na Hindi ko maunawan. Ngunit isinawalang bahala ko nalang iyon.

    Sa wakas nakarating natin kami sa dati naming Bahay. Mukhang malinis naman siya. Tinawagan ata ni mama si tita Mari na linisan ata ang Bahay ah.

     Pagkabukas ng pinto ay tanaw mo agad ang nga picture nila Lola at Lolo na siyang main attraction ng Sala.

   Nagbigay galang lang ako saglit sa kanila saka dumiretso na ako sa kwarto ko ng makapagpalit ng damit at makapagpahinga na dahil sa napakahaba at nakakakilabot na biyahe.

Sana wala lang talaga tong iniisip Kong Mali.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hulaan moWhere stories live. Discover now