Wasted

371 15 13
                                    

We waste time looking for the perfect lover, instead of creating the perfect love. —Tom Robbins

Ang mahinang musika na siyang hudyat ng pagsimula ng seremonya ang nagpagising sa diwa kong naglalakbay na naman kung saan.

Hindi ko napigilan ang pagngiti ng tipid sa mga senaryong nagsulputan sa balintatanaw.

Ibayong pagpipilit na ang ginawa ko ngunit ang malamyos na tinig ng awitin at ang mensaheng pinapaabot ng bawat salitang nakapaloob doon ay nagnanais pang buksan ang busal ng nakaraan.

Lihim na napailing na lamang ako sa sarili.

Kasabay ng marahang paglalakad ay inangat ko ang aking paningin at nakasalubong ng mga mata ko ang pares ng matang agad na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Unti-unti akong napangiti.

It still felt the same.

Akala ko noong una, ganito lang talaga ang epekto ng mga titig mo. Sadyang nanunuot. Natural na nakakalunod. Lubhang nakakakaba. Masyadong nakakabatubalani. At wala lang iyon.

Nakita ko ang pagganti mo ng magaan na ngiti habang unti-unting tinatahak ko ang espasyo sa pagitan natin. Walang pagmamadali akong naglakad. Marahan. Habang hindi humihiwalay ng tingin sa maaliwalas at nakangiting mo ding mukha. Ngiting puno ng pagmamahal. Puno ng respeto. Puno ng pag-unawa.

Unang beses mong binigay sakin ang kawangis ng ngiting iyan walong taon na ang nakararaan.

O noong mga panahong iyon ko lang talaga napansin?

Noong mga panahong halos sambahin ko ang unang lalaking minahal ko at wala akong ibang napapansin kundi ang paglipas ng mga sandaling kapiling ko siya. Noong mga panahong tanging sa kanya na umiikot ang mundo ko.

Hanggang sa unti-unting rumupok ang pundasyon ng aming pinagsamahan. Nalusaw ang dating pinagyayabang kong magandang ehemplo ng perpektong katipan: mapagmahal, may respeto sa babae, mapagkakatiwalaan at laging maaasahan. Isa iyong malaking kasinungalingan na huli na nang mapagtanto ko.

At napansin kita.

Noong dumating sa puntong binasura niya na ang lahat ng ginawa ko upang ipakita kung paano ko siya pahalagahan. Noong malaman mong tuluyan nang naghiwalay kami. Noong makita mong sobra akong nasaktan. Noong masaksihan mong halos mawalan ako ng bait sa sarili at lugmok sa pagiging sawi sa aking unang pag-ibig.

You were always there.

You never left.

Masyado talagang mapaglaro ang tadhana. Pagkatapos niya akong pinaniwala ng ilang taon ay saka niya bubuwagin ang pundasyong pinaghirapan mong buuin. Hanggang sa mawalan ka na ng pagpapahalaga sa sarili. Hanggang sa maiwan kang mag-isa.

Bahagya kong nalasahan ang maalat na likidong hindi ko namalayang naglandas na pala sa magkabilang pisngi kaya saglit pa'y napakurap kurap na lang ako, kagat-labing ngumiti.

Nakita ko ang pagkunot ng iyong noo. At pansamantala ay hindi ko pinansin.

Hindi ko namalayan ang panahon noon.

Hindi ko namalayan ang mga pangyayari.

Kung paanong sa napakatagal na panahon ay nalaman kong tanging ako lang pala ang minahal mo ng lubos. Kung paanong tiniis mo ang lahat ng sakit habang nakikita akong maligaya sa piling ng iba. Kung paano mo nagagawang maging laging nandyan upang pawiin ang sakit na nararamdaman ko sa mga munting alitan namin.

Paano nga ba?

It was bittersweet.

Kung isang pagkakamali man ang pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko na masyadong naramdaman iyon lalo't sa napakahabang panahon ay dumating din ang puntong nauntog ang puso ko mula sa mahabang pagkakahimbing.

Nakita ka nito. Naramdaman. Sa wakas.

Isang bagong klase ng pakiramdam na noon ko lang nadama sa tanang buhay ko.

I feel so blessed. So blessed that it was you.

Sumugal ako. Isinugal ko lahat ng meron tayo.

Pero grabe. Sobrang mapaglaro ang tadhana. At hindi ko napaghandaan ang lahat.

Na kahit sinong may pinakamatibay na pundasyon ay nasisira din pala ng karuwagan. Nabubuwag ang pagtitiwala. Natatabunan ang pagmamahal. At muli ay maiiwan kang mag-isa.

Pero kailangan kong maging masaya di ba?

Dahil heto ka ngayon. Sobrang lapit ko na sayo.

Ilang hakbang na lang talaga.

Kitang kita ko na ng klaro ang aliwalas ng mukha mo, ang mapupula mong labi, ang malamlam mong mga mata...

Masaya ako.

Bakit hindi?

You're the groom...

Nagpakawala ako ng isang ngiti sa huling sandali at unti-unting napalingon sa likod.

I'm not just the bride.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon