ReRave

1.2K 38 16
                                    

"Aray— pota!"

Hindi ko na napigilan ang mapamura sa muntik na sanang pagkapatid habang nakikipagsiksikian sa pagpila dito sa MRT, Ayala station.

Nilingon ko ang salarin at kulang na lang ay tumagos sa kaluluwa nito ang nagbabagang tingin ko. Tila walang pakialam namang umiwas lang ito ng tingin na may nakakalokong ngiti pa yata na mas lalo lamang ikinapuyos ng kalooban ko.

Hampasin kita ng takong ko eh, punyeta ka.

Napaungol ako nang maramdaman ang pagvibrate ng cellphone sa handbag. Wala na sana akong balak buksan iyon lalo’t ganitong nasa pampublikong lugar.

Pero alam kong kailangan.

Saglit akong huminga ng malalim at muntik ko din iyong pagsisihan— kasabay ng impit na namang pagmumura sa utak— nang manuot sa ilong ko ang nakakasukang amoy ng pinagsamang anghit, putok at pawis ng mga nagdaraan.

Pota, wala bang mga tubig ang mga taong ‘to at hindi na nagawang maligo?! Reklamo ko bago tuluyan nang sinagot ang tawag. "Hel—"

"Maddy, nasaan ka na? Ano'ng oras na, late ka na naman?"

Naiimagine ko nang umiikot ang mga mata ni Leila habang sinasabi iyon.

Kahit kailan talaga, masyado itong particular sa oras. Masyadong punctual. At masyadong mainipin.

"On the way na 'ko pre. Kanina pa ako nakapila dito sa MRT—"

"Ano?! Ano ba namang... Sige na, itago mo na yang cellphone mo, baka madukutan ka na naman. Hintayin na lang kita dito sa Megamall. Malapit na din ang tatlo."

"Ipaalala mo pa, sige. Para namang ‘pag hindi ko sinagot ang tawag mo, hindi mo ko ipa-flood ng text, tss," sagot ko’t narinig ko na lang ang pagtawa niya sa kabilang linya.

 

Minsan talaga, ang labong kausap ng babaeng 'to. "Tawa pa. Saan kita pupuntahan diyan?"

"Alam mo na yan. Byers!"

Sabagay, iisang lugar lang naman ang tinatambayan nito lagi sa Megamall kapag nauuna itong makarating doon.

Sa Timezone.

 

Dahil sa pagmamadali ay hindi ko na piniling maupo sa tanging pambabaeng mga upuan sa tren. Mas madami kasing nakapila doon. Tiniis ko ang nagkakahaluan nang amoy ng sari-saring pabango, iba’t ibang klase ng anghit at putok (Believe me mga dre, may mga klase ang mga yan!) ng kapwa lalaki at babaeng kasabay na nakikipagsiksikang nakatayo habang sinasabayan na din ng dasal na huwag sanang dumikit sa suot ko ang alinmang amoy niyon.

Kahit ordinaryong araw ay siksikan sa MRT pero wala akong choice. Mas matagal ang biyahe sa bus pag ganitong Biyernes. Hindi ko naman masasabing pinagsisisihan kong sa Ayala ang trabaho ko. Bilang bagong hired na Accounting staff sa isang established bank sa Makati, mas masasabing isa iyong prebilihiya para sa isang fresh graduate na katulad ko.

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon