Prologue

1.8K 44 5
                                        















“Anak, be good to your class ha?” Paalala ni Ivy sa anak nila ni Deanna na si Adie.

Tumango naman ang bata at ngumiti sa ina. “Yes, Mama! I will be a good boy in our class.”

“Give Mama and Dada a kiss na.” Humalik ang bata sa kaniyang magulang bago ito tumakbo papasok ng school.

Magkaakbay na naglakad paalis ang dalawa. Habang naglalakad sila ay hindi nila maiwasan na mapansin ang mga matang sinusundan sila habang naglalakad. Rinig na rinig din nila ang bulungan ng ilang mga magulang sa paligid.

“May anak sila kahit dalawa silang babae?”

“Baka naman magkaibigan lang tapos anak nu’ng isa ‘yung bata.”

“Eh mukhang tomboy ‘yung maliit eh.”

“Kawawa naman ang bata, pinagkaitan ng magulang na totoong lalaki.”

“Nakakadiri naman sila, sana hindi na sila nandamay ng batang walang kaalam alam sa karumihan nila.”

“Nako, patawarin sana sila ng Diyos sa pagkakasala nila.”

“Don't mind them, Adi.” Bulong ni Deanna sa kaniyang asawa nang mapansin niya ang biglang pagyuko nito. “Let's get out of here.”

Nagmadali silang pumunta sa sasakyan nila at agad na nilisan ang eskwelahan. Tahimik lang si Ivy buong byahe, ihahatid kasi siya ni Deanna sa bago niyang coffee shop at matapos no’n ay dederetso naman si Deanna sa restaurant niya.

Napalingon naman si Deanna kay Ivy. “Adi, you okay?”

“Yes, sorry. May iniisip lang.” Sagot ni Ivy at pilit ngumiti.

Hindi na muling nagsalita si Deanna hanggang sa makarating sila sa tapat ng shop ni Ivy. Bababa na sana ito nang hawakan niya ang kamay ng dalaga at hinigit upang yakapin.

“Please don't let their trash words get into you, Adi.” Sinserong saad ni Deanna at hinalikan ang noo ni Ivy. “Wala naman silang ambag sa pamilya natin kaya wala silang karapatan para mamahala sa utak natin, hmm?”

Dahan dahan namang tumango si Ivy. “I'm sorry, Adi. Iniisip ko lang kasi na baka makaapekto ‘to sa pag-aaral ng anak natin doon. Ilipat na kaya natin siya?”

“Adi, hindi mangyayari ‘yon okay? Adie is an intelligent boy. Hindi niya hahayaang may aaway sa kaniya dahil sa atin.” Sagot ni Deanna habang pinipisil ang kamay nito. “Sige na, pumasok ka na and I'll fetch you later, okay? Wag mo na silang isipin, ang importante ay ang pamilya natin.”

“I love you, Deanna. Thank you.” Saad ni Ivy at humalik na sa asawa niya bago bumaba ng sasakyan. Napahinga ng malalim si Deanna bago nagmaneho paalis.

Buong araw lang na nagtrabaho ang mag-asawa at nang matapos nila ito ay sinundo na ni Deanna si Ivy at magkasama nilang sinundo ang kanilang anak. Naghihintay sila sa lobby na lumabas ang anak nila.

“Anak, here!” Kumaway pa si Deanna para makita sila ng kanilang anak pero agad na nangunot ang noo nilang dalawa nang makitang umiiyak ito.

Lumapit sila dito at lumuhod, “Anak, what happened?” ngunit hindi ito sumagot.

Sabay sabay silang nagpunta sa sasakyan kahit na pinagtitinginan nanaman sila ng mga tao sa school. Nang makasakay sila ay agad nilang kinausap ang kanilang anak.

“Please tell us why you're crying, Adiel. We're worried about you.” Nag-aalalang saad ni Ivy. “May umaway ba sa'yo sa room?”

Umiling naman ang kanilang anak. “My classmates, Mama.”

“What about them?” Tanong ni Deanna pabalik, kinakabahan sa kung ano man ang isasagot ng kanilang anak.



















“They don't want to be friends with me kasi sabi nila abnormal daw ako for having two moms.” at sabay na nagkatinginan ang mag-asawa sa isa't isa
























[Disclaimer - e.g., "This is a work of fiction. Character names and descriptions are the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is entirely coincidental."]

Lovers In Storm [Bridge To Eternity Book 2]
Copyright © 2022 azideann

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form or by any means-electronic, mechanical, photo copying, recording or otherwise without the prior written permission of the publishers.









Lovers In StormTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon