Chapter 15 - Mall
Hannah POV
Hi I'm Hannah one of Helliana's friends. We are here in hell's Mansion and i can say that this palce is huge.Hays, ano pa ngaba ang aasahan mo sa isang *********.
Naririto kami ngayon sa Garden ng Mansion ni Hell. This place is beautiful.
Nabobored ako maaya nga sila na mag mall, nga pala naririto ang Kapatid ni Hell, grabe ang gwapo pero loyal ako kay Ethan noh.
Masaya nga ako dahil nakikita na namin ulit ang mga ngiti niya, sabi niya she will try na ngumiti pero sa amin lang, ganoon din si Damon, at nakikita namin na ginagawa nila iyon.
"Nakakabored rito sa bahay" saad ko sa kanila
"Oo nga, wala kasi tayong ginagawa" sabi ni Willow
"Mag mall kay tayo" Aya ko sa kanila
"Game"
"Sama narin natin yung iba, para bumili ng gamit diba next week na ang pasukan"
"Oo nga pala, nawala nayan sa isip ko eh"
"Tara tawagan natin sila"
tumango naman sila. Pinuntahan namin sila sa kaniya kaniyang kuwarto para tawagin, pinuntahan ko naman si Hell sa Kwarto niya.
tok tok tok
"Hell tara mag mall tayo, bibili na rin daw ng gamit"
Bumukas naman ang pinto at lumabas si Hell na naka bihis na
"Aayain ko sana kayo para mamili ng gamit pero mukhang plano nyo ng bumili"
Nang makumpleto na kami ay sumakay na kami sa Van, yung kuya ni Hell sa kotse nya ganoon din si Damon at Helliana.
Third Person POV
Nang makarating sila sa Mall, bago sila bumaba ng sasakyan ay nag suot muna sila ng sunglasses, at sila ay bumaba na, sa likod nila ay my mga bodyguard silang kasama dahil alam nilang dudumugin sila ng mg tao pag nakilala sila ng mga ito.
" Saan tayo unang pupunta?" Jeremy asked
" Sa National Bookstore muna tayo" sabi Damon
Nagsimula na silang maglakad papunta sa National Bookstore pinagtitinginan na sila mga tao, dahil ng sikat sila at dahil sa mga bodyguards nitong mga guwapo. Kahit nakaglasses sila ay nakilala parin sila ng mga fans nila.
"Si Helliana"
"Anjan rin sina Ethan"
"Ang gaganda at ang gugwapo nila sa personal"
"True"Ilan sa mga bulungan ng mga tao, ng makarating sila sa National bookstore ay naghiwa-hiwalay na sila. umili sila ng Notebook, Ballpen, Paper, Coloring Materials, Folder, Ruler, Bondpaper at iba pa. Sina Princess, Luke, Damon at Helliana ay bumili ng libro, ng nabayaran na nila ang kanilang mga pinamili ay ibinigay nila ito sa bodyguard ni Hell at ipinalagay sa sasakyan.
Sila ngayon ay nasa Mcdo upang kumain, habang nag-oorder ng pagkain sina Ethan, Princess, Luke, Jeremy at Keiran sina Crystal naman ang naghahanap ng upuan, ng makahanap na sila ay naupo sila. Ang kanilang upuan ay malapit sa Glass kitang kita sila doon habang kumakain, habang nag iintay sa pagkain ay napatingin si Crystal sa bintana at nakita niya ang Pamilya nina Helliana at James.
"Kuya James hindi ba sina Tita yon" sabi ni Crystal
tumingin si James sa paligid at doon ay nakita niya ang kanyang pamilya.
"Paano kapag nagkita sina Hell at sina Mom, Anong gagawin ni Hell"
"Hindi ko alam pero sigurado Trouble ang kahihinatnan nito"
"Kailangan nating ilayo si Hell sa kanila"
"TAMA, Ayaw ko ---"
"Guys, Narito ang pagkain"
Natigil si Crystal sa pagsasalita dahil kay Keiran, kasama din nila si Helliana
"Guys, CR lang ako sa taas ha! Under Maintenance kasi yung CR dito eh"
"I come with you"
"Hindi na kaya ko naman eh, tsaka may bodyguard naman akong kasama"
"If you like it or not, I'll come with you"
"Ok, Let's go"
Nauna nang maglakad si Helliana.
"I'll be watching her, just to make sure that she will not see them" sabi ni Damon at sumunod kay Hell.
Habang naglalakad sila napansin ni Helliana ang paglingon ni Damon sa paligid.
"Sino, hinahanap mo"
"Wala, may tinitingnan lang" sabi ni Damon at ngumiti.
Nang makarating sila sa Comfort Room ay naiwan si Damon sa pintuan ng Girls Comfort Room.
Habang nasa Cr si Helliana, ay napaisip siya. "Bakit kaya iba ang kinikilos ni Damon ngayon" tanong niya sa sarili, pero hindi nalang niya ito pinagtuunan ng pansin, ng matapos siya ay pinuntahan niya agad si Damon.
"Let's Go?"
"yeah, let's go I'm hungry"
"look's like it"
they laughed, there are a lot of people watching them. Thinking they are a couple, some of them a there shippers. They know about it, they continue to walk like they didn't notice all of the people staring at them.
"Kain na tayo" aya ni Emman na sinang ayunan naman ng lahat, pagkatapos nilang kumain ay sila ay naglibot libot muna.
Sa kabilang banda naman ang mga Montenegro ay nagpunta sa Mall para mamasyal. Habang nagtitingin si Alexa ng damit napukaw ang kanyang atensyon sa isang magandang damit pero bago pa naman niya makuha ito ay may babaeng kumuha nito, na ikinainit ng ulo ni Alexa, narinig din niya na nag iisa na ang damit na iyon at wala na rin stock sabi ng nagtitinda ng Damit.
Dahil gusto niya ito, pinuntahan niya ang naka kuha nito para kunin ang damit, na gustong - gusto niya, pero nawala sa paningin niya ang babae hindi pa rin tumitigil si Alexa sa paghahanap ng makita si James sa Mall, pupuntahan sana niya ito para kumpermahin kung siya nga ba ito, ng biglang siyang umalis dahil may tumawag rito.
"Si Kuya James ba yon ,Sino kaya yung tumawag kay kuya James, Sino kayang kasama niya rito?" mga tanong na naglalaro sa isipan niya ngayon, ng hindi na niya makita si James ay bumaik na si Alexa kung saan naroroon ang kanyang mga magulang, kaibigan, at nobyo.
"Darling saan ka galing?"
"Hinanap ko po kasi yung kumuha noong dress na gusto ko eh, pero mom di kayo maniniwala sa nakita ko kanina"
"Ano yon Darling"
"I saw kuya James here, hindi ko lang alam kung sino kasama nya"
nabigla sila sa sinabi ni Alexa. Masaya sila na makikita nila si James pero hindi nila alam kung bakit ito umalis sa bahay nila.
"Let's go na" sabi ni Michell
Habang naglalakad sila hindi nila inaasahan na may mabubunggo sila
"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo" Galit na sabi ni Alexa
"Hindi lalo na kung kayo makikita ko" sabi ng isang malamig na boses galing sa nabunggo niya
"You bitch, hindi mo ba kilala binunggo mo" mataray na sabi ni Ashley
Tumayo si Helliana, at pinagpagan ang damit. nanatili siyang nakayuko, at nakayukom ang kamay, tanda na galit na galit na siya.
"Hey face us" sabi ng Dad nina Hell
Nang tumunghay si Helliana bakas sa mukha nila ang gulat, saya at sari saring emotion, napangisi siya ng makita ang gulat na mukha ni Alexa.
-------------------------------------------
Hi guys, how are you?
It's been Awhile since my last update, so hindi ako nakakapag update dito, dahil sa may kalse ako at tambak ang mga PTs, Activities, at Homework.
Sana ayos lang kayo, keep safe and god bless.

YOU ARE READING
Revenge
ActionShe was betrayed by her family, friends, and boyfriend. She was suffered from bullying, hurt by her own parents, accused by something she doesn't do. But they didn't who she really are. Demonise Helliana Montenegro know as Dem. a cold, beautifu...