Chapter 3

569 12 34
                                    

Chapter 3 - Move On

Helliana POV

Maaga akong nagising dahil may pasok ngayon. Aayosin ko narin ang aking papeles para makalipat na ako sa US.

Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko ang aking Cellphone at tinawagan ang isang taong alam kong makakatulong sa akin. 

"Get ready I will be back" I said 

"Why? Something happened" he asked 

"When I get there I will tell you the whole story" I said 

"Ok, take care, ako na bahala sa kanila" 

"Thank you, Bye" After I said that I ended the call 

I smiled, somehow he makes me smile. kinuha ko na ang aking gamit at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko galing sa kuwarto, nakita ko silang masayang nag-uusap nagtatawanan panga sila. Yung magandang mood ko biglang nawala.  Napansin ako dahil pinagmamasdan ko sila, habang nag - usap usap sila napatingin si Jackson sa direksyon ko.

Oo, Jackson hindi kasi bagay sa kanya ang tawaging kuya eh, hindi rin naman niya ako tinuturing na kapatid, kaya aaalis na sana ako roon ng tinawag niya ako.

"Hey Dem" tawag niya kaya lahat ay napatingin sa akin.
"What" bored kong tanong sa kanya
"Sabayan mo kaming kumain, hali ka"
"No thanks"
"But--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya, ng tinalikuran ko na sila, at umalis.

Jackson POV
Hi guys, I'm Jackson Montenegro I'm the second child.

After, what happened last night, at hanggang ngayon gulat na gulat parin kaming lahat.

Aaminin ko tinamaan ako sa sinabi niya, may point din naman siya. Nasasaktan ako noong nakita ko siyang umiyak.

Narito kami ngayon sa Dining Table, nagkukuwentuhan, nagtatawanan para makalimutan ang nangyari kahapon, ng makita ko si Dem na nakatingin sa amin, nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Aalis na sana siya ng tinawag ko ito.

"Hey Dem" napatingin naman ito sa amin. tumingin naman sila sa akin ng magsalita ako, tapos bumaling naman ang tingin nila kay Dem,
"What" sobrang cold na niya
"Sabayan mo kaming kumain, hali ka" yaya ko sa kanya
"No Thanks"
"But--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko mg umalis na siya. 

Hayst, I wish I could go back in time, and her the care she needed. 

Third Person POV
Makikita mo ang lungkot sa mata nilang lahat ng umalis ang dalaga, maliban kay Alexa na nagdidiwang ngunit hindi niya batid na nalalapit ng kanyang pagdurusa.

Sa kabilang banda, Nakarating na sa Paaralan si Dem gamit ang kanyang kotse. Lahat ng nadadaanan niya kung hindi napapatigil ay nakanganga, dahil ang kilala nilang Dem ay babati, at ngumi - ngiti, ngunit ang nakita nila ngayon ay kakaiba, walang ngiti, walng babati sa kanila.

Mamaya maya ay dumating na ang magkakapatid na Montenegro, Si Ace, at ang kanyang mga kaibigan. Nagulat silang lahat ng lumabas sa sasakyan ni Ace si Alexa.

Naghiyawan ang lahat ng akbayan ni Ace, si Alexa.
May mga bulong bulongan pa na maririnig.
"Bagay talaga sila noh"
"Taken na si Ace"
"Ang Sweet"
"Sana all"

Kung may magaganda mayroon ding masama.

"Grabe yan kaya ang dahilan kaya ganoon si Dem"
"Kaya nga noh"
"kawawa naman si Dem"
"Mas bagay pa si Dem at Ace"
"Agree"

Kringgg kringgg
Hudyat na magsisimula na ang klase, pagpasok nila sa room ay nakita nila si Dem na nagbabasa sa dulo. Gusto nina Mica at Ashley na lapitan siya pero di nila magawa, habang nagkaklase sila lutang sina Ace, Mica, Ashley, Charley, Connor at Dylan. Maya maya pa ay tumunog na ang bell hudyat na Recess na habang naglalakad si Dem ay bulongan ang kanyang naririnig.

Helliana POV

Naiirita na ako puro bulongan ang naririnig ko.

"Dem kung ayaw sayo ni Ace akin ka nalang"

"Nakaka awa si Dem ano, kahapon lang sila nagbreak ni Ace meron na agad na iba."

"Hindi iyon deserve ni Dem, napaka buti pa naman niya" 

"Ace, waisted something precious" 

Hindi ko na pinasin ang iba pa nagtungo nalang ako sa canteen para kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang naghiyawan ang mga babae, tsk sina Ace lang naman yan kaya hindi ko nalang pinansin, kamalas malsan ko ng sa tapat ko na table si umupo, kasama pala nila sina Mica, at Ashley my Ex besfriends.

Napansin ko na tumitingin sina Mica at Ashley sa akin kaya tiningnan ko ito ng bored na tingin, bigla nalang silang umiwas ng tingin. Mga duwag hindi manlang nila kayang makipagtitigan.

Maya maya pa ay may bumuhos ng juice sa akin, nang tingnan ko kung sino ang walang hiyang bumuhos ng juice sa akin.

Si Michelle lang naman ang nakita kona naka ngiti.

"Oopss, sorry akala ko kasi Basurahan."

Lahat ng nakarinig nito ay nagtawanan. May ilan rin na hindi natawa, but the majority laughed. Tiis Helliana malapit kanang mawala rito sa school, ito na ang huling araw na mabu-bully kapa. 

"Hey, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasasaktan na nakikita mo na may iba na siyang mahal?"

"Bakit naman ako masasaktan kung naka Move-On na ako."

"Ah ganon, pwess hindi kana magiging hadlang sa kanila"

"Oo naman Michelle"

"Alam mo kung bakit ka iniwan ni Ace, kasi Loser ka na, Nerd pa"

Nawawala na ang pasensya ko rito sa babaeng ito. Ang sarap Upakan, kaya mo yan Helliana tiis lang. 

"Hey Dem, Ayos ka lang ba, para kang sasabog na bulkan jan eh" nayayamot na ako sa babaeng ito. Masampulan nga. Na-uubos na ang aking pasensya sa babaeng ito, hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari.

Blaggg*

Third Person POV

Natahimik ang lahat ng marinig nila ang malakas na hampas na iyon.

Tumawa ng malakas si Michelle, habang si Dem ay nakatungo lamang. Tawa lang ni Michelle ang maririnig mo sa apat na sulok ng Cafeteria. Kahit sina Ace hindi nagkapag react agad sa nagyari. 

"Hahaha, ang hina mo naman Dem, sasabog naba ang bulkan" tawa ni Michelle

Kahit na parang natakot siya hindi niya iyon ipinahalata. Habang tumatawa siya at itinutur turo pa si Dem, napayukom nalang ang kamay ni Dem, at ng tumunghay si Dem, nagulat ang lahat ng makita nila si Dem na nakangise at galit na galit.

Pero mas lalo silang nagulat ng nabiak ang lamesa sa pagitan nina Dem at Michelle. Napa nganga silang lahat. Hindi makapaniwala si Alexa sa nangyari.

Si Michelle ay hindi makapaniwala sa nakita niya, ganoon rin sina Ace, kahit si Alexa ay natatakot na pero hindi niya pinahalata. Paanong ang isang normal na nerd ay ganoon kalakas. 

------------------


RevengeWhere stories live. Discover now