CHAPTER ONE

3 0 0
                                    


"Miss Ramos and miss Patterson, come to my office." Istriktang sabi ng dean.

Buntong hininga akong tumayo at lumabas ng classroom, sumunod naman kaagad sa akin si Gwen, nang makitang nakatingin ako sa kanya ay inirapan niya lang ako. Ano ba 'yan? Lagi nalang ba 'tong galit sa akin?

"Hayss ready na ba kamay mo?" biglang sabi niya.

I sighed as we walk in this large glass bridge that connects to our building and the teachers building of this school.

"Sadly, yes." Sabi ko as I look at my both hands.

Inakbayan ako ni Gwen kaya tinignan ko siya, "Goodluck, Ade. Masyado pa namang mahaba yung pangalan mo." napapailing na sambit niya at nauna nang maglakad sa akin.

Tang.ina naman kasi ba't naman kasi masyadong hinabaan pangalan ko, halos magkanda bagsak bagsak na ako sa exams at quizzes dahil isusulat ko palang yung fourth name ko nasa number 8 na sila.


"Seat down." Sabi ng dean pagkapasok namin sa office niya, umupo naman kami kaagad ni Gwen sa upuan na nasa harapan ng lamesa ng dean.

"Ilalabas na po ba namin ang mahiwagang papel at ballpen ma'am?" tanong ni Gwen at aambang tatayo sana para kumuha ng yellow pad paper at ballpen sa shelf ng pigilan siya ng dean.

"No, just stay still in your seat Miss Ramos. I won't make you do what I made you do before, although I'm still dissapointed that you did not fulfill your promise to me last year, last last year rather." sabi ni dean.

"P-pasenysa na po talaga dean hehe alam niyo namang promises are meant to be broken 'di ba--aray!" kamot ulong sabi ni Gwen, kaagad ko naman siyang siniko dahil sa pinagsasabi niya.


Napabuntong hininga nalang si dean at mukhang palalagpasin niya ang pinagsasabi nitong pinsan ko.

"Pinatawag ko lang kayo rito para i-tour sa school yung transferee natin." nagkatinginan naman kami Gwen dahil dun. "Sabayan niyo na rin siyang kumain sa Cafeteria for one week."

One week?! Gagi ba't ang tagal?

"Bakit one week dean?" tanong ko.

"As the trasnferee said and I quote "I'm not good at directions and I can't memorize my way in just one day."

Napangiwi ako dahil dun. Grabe namang transferee na 'yan, baka pati pag CR kailangan pa namin samahan baka hindi alam kung saang cubicle papasok amp! Napairap nalang ako dahil sa naisip.

"So, saan na po yung transferee dean?" halatang curious si Gwen sa kung sino mang transferee ito.

"Ah, papunta na rin 'yon dito, hintayin lang natin saglit." sabi ni dean.


Nilibot ko nalang yung paningin ko sa office ni dean, wala paring pinagbago except sa bagong halaman na nakalagay sa glass table niya. Masyado ring maliwanag dahil sa sinag ng araw sa labas, puro glass kasi ang nakapalibot sa office niya at kurtina lang yung pantakip niya dito sa loob. Sa kaliwang bahagi yung pintuan, sa kanan naman yung mga naglalakihang shelves, sa likod naman ng upuan ni dean ay may dalawang pinto, yung isa masisiguro kong CR yun, yung isa hindi ko na knows.

Masyadong matagal dumating yung transferee, baka nawala na 'yon bago pa makapunta dito. Si Gwen halos mahiga na sa kina-uupuan niya, ako naman nilalaro yung paa ko. Maya-maya lang ay bumukas na yung pintuan, hayss finally!

"Tang.ina salamat naman!" bulong ni Gwen.

Unang pumasok yung coach ng basketball team namin, sinundan ng isang lalaking matangkad, maputi, kulay brown yung wavy niyang buhok na nakasuklay pakabilang side, makakapal yung kilay niya brown din yung mata, yung ilong naman niya ay matangos at sa sobrang linaw ng mata ko makikita kong may mole yun sa pinakadulo ng ilong niya, yung labi naman niya ay hindi masyadong manipis at kulay pula ang kulay.


"Oh! Heto na pala si Mr. Harriet." wika ni dean. Tumayo kami ni Gwen para na rin magmano sa coach na nasa harapan namin.

"Late na naman ba kayong dalawa?" nakangiting sabi ni coach Lim.

"Kilala niyo na po kung sino ang may kasalanan coach." usal ng pinsan kong masyadong madrama, parang hindi na nasanay na every year sa amin ito nangyayari. For the nth time umirap na naman ako at aksidenteng napadapo yung tingin ko sa transferee na nakatingin na sa banda namin. Ngumiti ito sa akin kaya hilaw akong napangiti sa kanya.

"Girls, this is Mr. Adamson Harriet from one of the universities of England, he transferred here for a personal matter." sabi ni dean sa amin.

Nilahad naman ni Gwen yung kamay niya sa lalaki at ngumiti ng malapad.

"Hi! I am Gwenizellia Ramos, just call me Gwen, and this girl beside me is my cousin Adelina Patterson." pagpapakilala niya sa amin. Tinanggap naman ng lalaki yung kamay niya or should I start calling him Adam?

"Its nice to meet you, Gwen." Nakangiting sambit ni Adam at tinignan ako ng nakangiti pa rin. "Nice to meet you too, Francheska." kahit pabulong 'yung pagbanggit niya sa pangalan ay narinig ko pa rin. Kunot noo ko siyang tinignan dahil dun.


"Huh? Sira na ba yung tenga ko or sadyang iba lang yung pagkatawag kay Ade?" kunot noong tanong ni Gwen kay Adam.

Napakurap-kurap namang napatingin sa kanya si Adam.

"W-what? Sorry?" tanong niya. Gagi ngayon ko lang napansin yung british accent niya gagi ang expensive naman pakinggan.

"A-ah wala wala" hilaw na napatawa si Gwen sabay siko sa akin ng hindi halata, "tang.ina maaga akong mamatay nito." bulong niya

"So, girls. Dahil nagpapakilala na kayo sa isa't-isa kayo na ang bahala kay Mr. Harriet ah?" singit ni coach.

"Yes, coach Limuel!" nakasaludo pang sabi ni Gwen kay coach. Hinila ko nalang siya palabas at sinenyasan yung transferee na sumunod sa amin. Senyas lang kasi hindi ako englisherist baka i-judge ako bigla sa wrong grahams ko.

Masyado kaming tahimik tatlo, ramdam kong gustong magsalita nitong si Adam kaso masyado kaming nagbusy-busyhan nitong si Gwen, takot kami sa mga english person lalo na't naka british accent pa itong kasama namin. Nang nasa ground floor na kami ay hindi na napigilan nitong si Adam magsalita.

"Ehem, so Adelina what your family business?" tanong niya, paktay english.

Tinignan ko si Gwen na mukhang natatawa sa sitwasyon ko. Dahil wala sa mood yung pagka englisherist ko eechosin ko muna itong si Adam.

"Sorry.me.no.english." may pa iling iling pa akong action dito, tumaas naman yung kilay ni Adam mukhang hindi naniniwala.

Napalunok ako at hinayaan yung bibig kong magsalita para sa buhay ko. "I'm Chinese," mabagal pang bigkas ko para kunwari hirap na hirap akong mag ingles.

"Are you perhaps talking in Mandarin? Or Cantonese?" tanong niya pa.

Umiiling iling naman ako "Cantonese talking" sagot ko, tang.ina naman kung ano ano nalang pinagsasabi ko.

"Nàme,Adelina nǐ xiànzài néng gàosù wǒ nǐ de jiāzú qǐyè shì shénme ma?"

Napaawang yung bibig ko dahil sa sinabi niya

TANG.I.NA

                        ----------------
        Masyado akong sabog habang sinusulat ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Princess JourneyWhere stories live. Discover now