Chapter 26 ♥

44 4 3
                                    

A/N: Hello! Sorry, Ang tagal naming nawala ^_^ Anyway, 3 Chapters po yung ipopost ko then baka next week na ulit kami mag-update XD Depende sa Trip ko. Hahahaha.


ENJOY READING!



[ALYSSA'S POV]



"ANO BA THE INTRICATE? WALA NA BA KAYONG IBIBILIS? DOUBLE TIME! HINDI TAYO PWEDENG MALATE!"


Yan na ata ang pinakamalakas at pinakamahaba kong sinabi sa The Intricate. Pano ba naman kasi, Ngayon nga pala yung Guesting sa School na pinirmahan namin at ako ang incharge ngayon. Ganun kasi kami kada may project, may isang incharge sa paglilead ng lahat. Wala kasi kaming leader, Gusto kasi namin pantay pantay.



"Eto na po, Kumikilos na!" Sigaw ni Patricia mula sa kwarto niya at napansin ko naman na medyo nagpapanic na sila.



"WE'RE FREAKIN' LATE GIRLS!" Sabay sabay silang lumabas ng kwarto.



Napairap ako ng makita ko si Luhan nakasandal sa may pintuan. "What are you doing here?"



"A-Ah! I-Ihahatid ko lang po si Mariella sa Venue na pupuntahan niyo"



Napakunot noo ako. Anong ihahatid? May something na ba sa kanila? Akala ko ba ayaw niya kay Mariella? Tsk. Ang gulo ng mga 'to ah. Paglabas ni Mariella ay kinuha agad ni Luhan yung mga gamit niya para tulungan siya. Napansin naman ito ng iba, Yeah I know. It's weird.



Nagmamadali kaming bumaba ng building.



"Alyssa! Wala yung sasakyan natin. Ginamit ni Manager Genima"



Napasapo ako sa noo ko. Bago ko nilabas yung phone ko at tinawagan ang kuya ko. No choice, Kailangan namin ang sasakyang ng Bigbang.



Ang kaso, Nakakailang Ring na pero wala pa ring sumasagot. Nagpapanic na rin ako.



"Alyssa! Sakay na!" Mariella shouted. Napaharap naman ako at nakita ko sila na nakasakay na sa isang Van. Sinilip ko kung sino yung Driver. Nginitian lang niya ako, yung mapangloko na naman niyang ngiti.



"Ayoko"



"Ano? Alyssa ano ba? Diba ayaw mong malate? Tara na!" Hinila ako ni Ericka papasok ng Van kaya wala na akong nagawa.

EXO Clash ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon