Chapter 17 ♥ (Part 2)

56 2 0
                                    

Author's Note

At ako'y nagbabalik! Ang inyong tagapagpatawa ay nandito na ulit. HAHA. Sorry talaga, mga pre. Tinatamad ako, eh. Tsaka busy. Kakatapos pa lang ng speech choir namin, may tatlong quiz pa sa Math then sa Science. Odiba. Sakit sa tabs. Ay dejk.

Yung nangyayari kay Mariella, parang yung Balagtasan namin kanina sa school. Mahal mo o mahal ka? Mwahahahahaha. Mahal mo pinili ko, eh. Kayo ba?

- Jimin's/Taehyung's jagiya. ♥ (Hindi na Baekhyun jk.)

Jhaevin's POV

*click*

Napangiti ako habang tinitignan yung litrato na nakuha ko. Si Alyssa habang nasa braso ni Kai. Haaay. Ang sweet nilang tignan. =^_^=

"What the hell, Jhaevin. Regalo ko yan kay kuya. Bakit mo kinuha?!" Nag-aalborotong sabi sakin ni Mariella.

"Nagpaalam naman ako at pumayag siya."

Nilagay ko yung camera sa likod ko dahil sigurado akong aagawin niya to sakin. "Ano?!"

"Hindi mo narinig? Ang bungol mo talaga. Kaya hindi ka magustuhan ni Luhan eh. Ang bingi mo." sabi ko at umupo saka tinignan yung picture.

Tinitigan ko siya maigi hanggang sa isang banda may nakita ako.

"Ang bitter ko ba? Kasi tignan mo sila oh. Ang saya nilang dalawa." sabi ni Mariella at umupo sa harap ko. Agad namang nalipat ang tingin ko sa kanya.

"Basta. Wag kang susuko, Mariella. Pag mahal mo, ipaglaban mo." pag-encourage ko.

Bumuntong hininga siya. "Bakit ba kasi ang manhid niya?"

"Parang ikaw." diretsahang sabi ni Janine. "Hindi mo maramdaman si Zelo. Tama ba? Akala mo kaibigan lang ang tingin niya sayo. Manhid ka rin, 'no."

Hindi sumagot si Mariella.

Umalis na lang ako sa harap nila. Magsama silang dalawang bitter. Mga walang magawa sa buhay. Teka. Bitter din kaya ako? Kasi... nakakabadtrip talaga yung picture. Argh. >_<

Napahawak na lang ako sa braso mg maramdama ko yung lamig. Hindi ko alam na ganito kalamig dito sa venue. Sleeveless tuloy yung sinuot ko. T____T

Nilibot ko yung paligid. Hinahanap ko siya.

"Searching for me huh? Na-miss mo ko kagad?"

Nakangiti akong humarap kay Chen kahit na medyo nadismaya ako. Pinatong niya sakin yung Jacket niya. "Next time. Wag kang magsusuot ng ganyan ha? Baka ma-attract yung ibang lalaki sayo at agawin ka nila sakin." mas lalo akong napangiti. Hindi ko alam kung pano nagagawa ni Chen na pakiligin ako kahit na hindi naman talaga kami.

Ang natural ng arte niya. Parang kami talaga.

Nakaka-guilty tuloy kasi habang nagiging loyal siya sa fake relationship namin ako naman itong iniisip si Chanyeol.

Ang isang walang kwentang manliligaw. >___<

May pa-'let me court you' pa siyang nalalaman tapos makikita kong kayakap niya yung Mae na yun?

Asar lang.

Ano siya PAA?

PAAsa?!

Okay, pakihanap na lang po yung joke. Hehehe. Mga walangya, suportahan nyo na lang kasi ako! Hmp.

"Hey, Jhaevin." nabalik ako sa katinuan ng yugyugin ako ni Chen. "Ganun ba ko ka-gwapo para titigan mo ng ganun?"

"Ang hangin dito. Tara Chen kain na lang tayo."

EXO Clash ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon