Chapter 3 (Meet Richie)

4 1 0
                                    

Grace

Nakita ko kung sino ang nanalo sa board. Napatalon ako sa sobrang gulat. Sabi ku na nga ba as expected.

"Mr. Manalo, bagay sa iyo ang apelyido mo. Congratulations! You're the Class President 2015-2016. You've got 25 votes out of 40. Goodluck for your term." Si Mortal Enemy #1 ang nanalo. Hindi pwede!!! Natalo ako. Omg anong gagawin ko?

"Sure ba kayo sa ginawa nyong botohan. Is that reliable. OMG. I need air. Aarrrrrrg" lumabas ako para magpahangin. Nakakainis pwede namang si Kath yung manalo. Bat siya pa? Sa kakaisip di ko napansing natakid pala ako ng ugat ng puno.

"Ay TOKWA! Malas!" Buti nalang at nasalo ako ng isang lalake. Wala along pake. Nabawasan ang poise ko. Humarap ako sa kanya at biglang nanlaki ang mata ko. Matangkad, moreno, may dimples. My dream man.

"Ayy. Swerte pala. Hi I'm Grace. And you are?" Landi ko bes. Pwede na ito.

"Richie" nalaglag ata bra't panty ko este puso ko. Yaaaay.

Kath

Kilala ko naman din kung sino yung mananalo. Kaya tanggap ko na. Nakilala nyoko bilang happy go lucky, pero siyempre competitive din ako. Para sa babes ko itong ginagawa ko. Syempre inspired. Kelangan ko ding magtop 1 for scholarship. Hamak na dukha lamamg kami.

"Congrats Je." I wear my sweetest smile. "Where's Grace?" Bigla nalang kaseng nawala.

"Thanks Kath. Madami ka din namang boto. Ewan ko sa kanya bigla nalang naglaho at parang inis na inis" sabi niya na may pag-aalala. Mabait naman ito. Kaso mukhang grade conscious lang at napepressure na baka hindi maging top 1.

"Sige. Mamaya nalang. Hanapin ko muna siya baka masakit ang loob." Nakita ko siya may kasamang lalake at mukhang masaya sila. Pamilyar yung mukha niya at nakita ko siya ng malapitan.

"Babes?" Sabi ko sa sarili ko at sinugod ko sila ng may nanlilisik na mata

Jerald

Dumating na sng teacher at wala pa din si Kath at Grace. At bilang ako ang nahalal bilang Class President, kailangan ko silang hanapin.

"Ok Mr. Manalo, find Ms. Dizon and Ms. Gonzales or else hindi sila makakapagquiz" mga asungot na yan. Di ko tuloy maririnig yung intro ng lesson. Asungot na pusa at disgrasya.

Napanganga ako ng may nakita akong nagkakagulo and I smell something fishy. Pumunta ako dun ss may pinagkakaguluhan na tao.

Nakita ko yung pusa at grasya na nagsasabunutan.

"Mang-aagaw" sigaw nung pusa

"Malandi! Wala akong ginagawang masama!" Disgrasya

"Ikaw ang malandi! Boyfriend ko yan sinusulot mo pa" yung pusa

Tuloy tuloy lang ang bangayan at sabunutan habang may pumipigil sa kanila at kilala ko din to.

"Kuya?!!!" Napasigaw ako. "Bat mo sila inaawat? Wag mong sabihing?!!!!!" At sumama ako sa gulo at pinagsusuntok ko yung kuya ko. Nang may biglang umeksenang teacher.

"Kayong tatlo! DETENTION!" Aray nauntog yata ako.

Nang biglang nasabi ko sa sarili ko 'oh no? My reputation. Im doomed".

-Thanks po. Comment po and vote :)

My Two GIRLFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon