Chapter 1 Introduction

15 1 0
                                    

Pumasok na ako sa gate ng aming paaralan, "Good morning!"bati naman ni manong guard, tumango lang ako sa kanya at dumiretso na sa aking locker

Ang tahimik...inisip ko, syempre 6:05 palang tanging mga janitor palang at ako ang nasa loob ng paaralang ito. Monday....Homeroom,Filipino, at Math A ang subject bago mag recess. Napabuntong hininga ako, ang aga naman para mag math at sigurado makatulog ako nito kapag filipino.

Kinuha ko ang mga gamit ko at dumiretso na patungong classroom.

Teka muna nakalimutan ko ata ipakilala ang sarili ko,

Ako nga pala si Nataline Vizconde

15 years old

Birthdate May 1, I have long wavy black hair, Dark brown eyes, Fair skin, An average figure, Height 5'4, Weight? Hindi ko alam at wala din akong balak malaman

5 kami sa pamilya, ako, dalawa kong lalaking kapatid na kambal, at mga magulang ko.

I have a cold and serious demeanor and I have no expressions in my eyes kaya natatakot silang lumapit sa akin, not that I care.

And finally...

Isa akong 3rd year high school student na umaaral sa Dashner Academy.

Habang nag lalakad napaisip ako kung bakit nga ba akong maaga pumasok?,Oo nga pala.

FLASH BACK

*Riiiiinnnnngggg* *Riiiiiinnnnngggg*

Nagising ako hindi dahil sa aking alarm kundi sa kapatid ko

"te"

"..."

"Ate"

"..."

"Huy ate!" Sabay tulak sa kama

"Anak ng...bakit ba?" Sagot ko at tumayo mula sa sahig

"Cellphone mo kanina pa umiingay"

Tiningnan ko ang cellphone ko 5:00 AM, napabuntong hininga ako at tinulak ang dalawa kong kapatid mula sa kama.

"Gumising na din kayo" sabi ko

"Oo na" sabay nilang sagot

Iisang kwarto lang kami ng mga kapatid ko habang ang mga magulang ko nasa kabilang kwarto.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina kung saan nakita kong nagluluto ang nanay ko, Umupo na ako sa kainan na hindi umiimik, lumabas na ang mga kapatid ko at sumabay na kaming kumain

Tahimik....walang umiimik ngi isa sa amin habang kumakain, Ang tatay ko? Tulog pa ata lasing kasi kagabi.
Napansin ko ang malungkot na mukha ng aking ina, wala akong sinabi, hindi naman kailangan itanong pa kung bakit

Pagkatapos kong kumain naligo na ako at bumihis ng uniporme, paglabas ko ng kwarto 5:45 pa man lang, ayaw kong kausapin at makita ang tatay ko ngayon kaya naisip ko na lang pumasok ng maaga

Lalabas na sana ako ng gate...

"Ate!" Si franco pala ang isa kong kapatid, tiningnan ko lang siya at hinintay ang sabihin niya

"Baon mo daw sabi ni mama" patuloy niya

"Huwag na, may natira pa akong pera kahapon" sagot ko

A high School of LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon