Napaharap naman si Gero sa pintuan at ng itaas niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang asawang puno ng lungkot at luha ang mga mata.
Agad niya namang nabitawan si Julie mula sa pagkakayakap.
"What's wrong babe?" Pagtatakang tanong ni Julie na hinawakan pa sa pisngi si Gero.
Agad naman itong kinuha ni Gero at hinila si Julie upang itago ito sa kanyang likod.
Napatingin naman si Julie sa gawi ni natalie at nagulat ito.
"Ma-mahal? Anong ginagawa mo dito, I mean napaddan ka yata?" Nauutal na tanong ni Gero sa asawa na hindi naman sinagot ni Natalie dahil patuloy lamang ito sa pag-iyak.
Hindi naman makaimik si Julie na nasa bandang likuran ni Gero.
"Ma-mahal?" Pagtawag muli ni Gero habang unti-unting lumalapit sa asawa. Pinukulan ng matalim na tingin ni Natalie ang asawa.
"Mahal? Hahaha! Wag mo akong matawag-tawag na mahal" Manhinahong panimula ni Natalie.
"Tinanong kita kagabi kung sino si Julie at paano kayo nagkakilala, sinabi mong pasyente mo. Tinanong ulit kita kung mahal mo ba ako at sabi mong mahal mo ako at kami ng anak natin at hindi ka gagawa ng kahit ano na makakasira sa pamilya natin pero bakit ganito?" Mahinahon paring saad ni Natalie habang puno na ng luha ang mukha.
"Ma-mahal, sorry, sorry" Pagsumamo ni Gero.
"Sorry?!" Biglang sigaw ni Natalie.
"Makakain ba iyang sorry mo? Mawawala ba ang sakit sa puso ko sa ginawa mo?!" Sigaw ni Natalie na patuloy parin sa pag-iyak.
"G-gero hayaan mo na si Natalie" Tugon ni Julie.
"Isa ka pa! Mang-aagaw g asawa at home wrecker!" Galit na sigaw ni Natalie at akmang sasabunutan si Julie pero biglang sumakit ang kaniyang tiyan at pumutok na ang kanyang panubigan.
"N-natalie!" Sabay na sigaw ni Gero at Julie.
"Manganganak na yata ako" Saad ni Natalie na nakahawak sa kanyang sumasakit na tiyan at balakang.
Agad namang binuhat ni Gero si Natalie at dinala niya ito sa ward kung saan nandoon ang mga babaeng malapit na manganak.
"Please call doktora Saavedra, sabihin mo manganganak na ang asawa ko" Saad ni Gero sa assigned nurse.
"Yes doc Gero. Sandali po at tatawagan ko siya" Sagot ng nurse.
Natawagan na ng nurse ang doktora at agad naman nila dinala si Natalie sa private labor area.
Nag-aalalang naghintay sila Gero at Julie sa labas, nakalimutan na nga nilang kainin ang packed lunch na dala ni Julie kanina.
"Sana okay lang si Natalie. I swear hindi ko naman sinasadya Gero. Kung alam ko lang na punpnta siya ditto hindi na sana ako tumuloy" Naiiyak na saad ni Julie.
"Don't blame yourself babe. It is my fault na pinagsabay ko kayo. Hindi ko maintindihan ang puso ko kasi kahit alam kong mali, pinagpatuloy ko. Alam kong nasasaktan ka na at ganoon din si Natalie, ako ang mali rito" Tugon ni Gero.
"Sino ba ang pipillin mo sa aming dalawa Gero?" Seryosong tanong ni Julie. Napabuntong hininga naman si Gero.
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako kasi pareho ko kayong gusto, mahal ko si Natalie bilang ina ng anak ko at mahal kita bilang ikaw" Sagot nito sa dalaga.
"That's bullshit Gero! Hindi dalawa ang puso mo para pagsabayin kaming dalawa. Kahit masakit sa akin tawaging kabit, malandi at kung ano pang mga maduduming salita tiniis ko kasi mahal kita at sa pagkakalam ko mahal mo ako." Sagot ni Julie.
"I know Julie. I am sorry na nainvolve ka sa ganito. Trust me, mahal kita and if I am being honest here, mas mahal kita kaysa kay Natalie pero ayaw kong bitiwan si Natalie, nahihirapan akong bitawan siya lalo na at nandito na si Gino - ang anak namin." Saad ni Gero.
"Still, you need to choose between me and her. Kaya ko namang maging ina sa iyong anak Gero. I can be Gino's mom" Tugon ni Julie habang hawak ang pisngi ni Gero.
Tinititigan niyang mata nito at nagsusumamo.
"Please, not now Julie. Let me sort this out" Mahinang sagot ni Gero kay Julie.
Napabitaw naman si Julie at tahimik na naupo sa waiting chair habang si Gero naman ay nakatayo lang sa harap ng pintuan ng labor room, naghihintay ng balita.
Makalipas ang halos 30 minutes na paghihintay ay lumabas na si doktora Saavedra.
Agad namang lumapit sila Gero at Julie sa doktora.
"Hi doc Gero, congratulations! Matiwasay na nairaos ng iyong asawa ang inyong anak. A healthy baby boy" Saad nito.
"Oh God thank you! Thank you too Doc Saavedra. Maasahan ka po talaga!" Masayang tugon ni Gero sa doktora sabay tapik sa balikat nito.
"You're welcome doc Gero. Mauna na ako" Sagot ni doktora sabay lakad papunta sa maternity ward para asikasuhin ang ibang pasyente.
"Salamat naman at ligtas ang mag-ina" Malumanay na sabi ni Julie. Yinakap naman siya ni Gero.
Natahimik ang dalawa at nanatili silang magkayakap ng halos limang minuto ng biglang magsalita si Gero.
"Julie, mahal kita. Mas mahal kita kay Natalie pero nakapag desisyon na ako, mas mahalaga pala sa akin ang anak ko. Alam kong masakit sa iyo ito at ganoon din sa akin pero mas nararapat siguro na maghiwalay na tayo. Dalaga ka pa, may long term boyfriend ka at may asawa at anak ako, kailangan natin piliin ang tama. Kailangan na nating maghiwalay. Mahirap at masakit man pero kailangan na natin itong wakasan" Saad ni Gero habang yakap ng mahigpit si Julie na ngayon ay umaagos na ang luha.
"G-gero, I know this is wrong but I love you. I love you more than anything. Please ako na lang ang piliin mo. I'll be a good mother to your son. I'll be a good mom to Gino. I'll be a good wife to you. I can leave Anthony without a doubt" Pagsusumamo ni Julie.
"Sssshh Julie. Wag na nating pahirapan pa ang sarili natin at saktan ang mga nagmamahal sa atin. The timing is not right. Maybe we can have this love in another life" Tugon ni Gero sabay halik sa noo ng dalaga.
"You always have a special please in my heart. Please remember that I love you more than I love Natalie but my son Gino tops it all. Please be happy with Anthony. I wish you happiness. Until we meet again. Goodbye Julie" Pagkasabi ay agad ng binitiwan ni Gero sa pagkayakap si Julie at naglakad patungo sa delivery room kung saan naghihintay si Natalie at ang kanilang anak na si Gino.
Si Julie naman ay parang naistatwa sa sakit na nararamdamn dahil sa kanilang paghihiwalay.
"Yes, maybe in an other life My love. Goodbye Gero" Bulong ni Julie sabay lakad palabas ng hospital, bitbit parin ang lunch bag.
~•~
Makalipas ang dalawang taon, nabalitaan nalang ni Gero na ikinasal na si Julie sa long term boyfriend nito na si Anthony at sila naman ni Natalie ay nagkaayos na rin alang-alang sa kanilang unico ijo na si Gino.
Sa huli, nanaig parin ang tama at ninais nang dalawang nag-iibigan na si Gero at Julie ang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay at walang ibang taong tinatapakan.
Hindi man sila para sa isa't-isa ngayon ay naniniwala parin sila na mabibigyan rin sila ng pagkakataon sa susunod na pag agos ng kanilang buhay.
Ika nga nila - "Maybe in another life."
~ Ang Wakas ~
BINABASA MO ANG
Desisyon para sa Pag-ibig
RomanceTayo ang gumagawa ng sarili nating tadhana at lahat ng nangyayari sa atin ay resulta ng ating mga desisyon sa buhay, pero ano ba dapat ang tamang gawin o ano ba dapat ang nararapat na desisyon pag ang puso mo na ang nagdikta at iyong pag ibig at kas...