Jerald
Pumasok ako sa classroom ng nakataas noo. At bakit ako yuyuko? Hamak na matalino ang lahat ng tao dito. Tinaguriang SSC class ehh. Pumwesto ako sa may bandang harapan syempre achiever ako. I need to excel in class. At syempre inalabas ko ang mga weapons ko sa klase. Salamin+notebook+ballpen=perfect.
Nabigla ako ng may biglang kumalabit sa akin.
"Hi". Sabi nya wearing her sweetest smile
Hindi tumatalab sa akin ang pagpapacute mong yan. As I know na ginagawa mo lang to para makasipsip sa akin at makakopya sa mga assignments. Mayabang na kung mayabang pero WALA AKONG PAKIALAM. Valedictorian ako. Duhhhhhh
"What do you want?" Sagot ko ng di ko man lang siya tinitignan.
"Pwedeng tumabi? Wala na kaseng vacant seat. Padating na nyan kase yung teacher ehh. Pleassse" sabi nya with paawa effect. Yung mga mata nya kase parang palaging naluluha. Hay naku.
"May choice pa ba ako? Basta ayoko ng magulo and cheater. I want to be the top 1 in class. Ok?" Sabi ko.
"Ok. Im Ana Kath Dizon. Graduated as valedictorian sa isang public school. Ikaw what's your name?" Sabi nya at iniaabot nya ang kamay nya.
"Jerald. Je for short. VALEDICTORIAN din"sabi ko. Inemphasize ko siyemps. Yabang din ng babaing ito. Inirapan ko siya at nagsimula na akong magsulat ng kung anu-ano. Ayokong masayang ang oras ko para maghintay ng teacher no.
Dumating na ang pagong na teacher. Tss. Sure ako nakipagdakdakan lang to sa office. Teachers nga naman. Hayyy.
"So good afternoon class. I hope you would like to introduce yourself infront of the class. Wouldn't you?"
Nagvolunteer akong mauna. Ayokong may makalamang sa akin sa kahit anong bagay. Nang biglang umepal na naman ang sipsip na katabi ko. "Goodluck" sabi nya. I don't CARE. Tsssss
"Good Morning Everyone. Jerald Manalo from *toot* school. 12 years old. Graduated as a class valedictorian. And i hope i will enjoy my high school life with you my competitors. Are you ready?"
Samu't sari ang reaksyon nila. Yung iba humanga, may nainis, may interested. Yung iba deadma. Mamatay kayo sa inggit sa confidence ko.
Nabigla ako ng may biglang nagtaas ng kamay.
"Gusto ko ang confidence level mo. And i want to be your friend to be your greatest enemy in the class. Anna Grace Gonzales, class valedictorian also.
Nalaglag ang ngiti ko at napalitan ng galit. Nabasa nya ba ang mga sinabi ko? Hayy
"Nice to meet you. Goodluck sa ting dalawa at sa ating LAHAT." With fake smile sabi ko.
And siya ang plastic din ng smile nya. Tssss. Pasikat effect.
"First day palang nagiinitan na. I hope na mageenjoy ako. Btw, we have 3 graduated valedictorians, Ana Kath, Anna Grace and Jerald. Sino kaya sa inyo maguuwi ng tagumpay?" sabat nung teacher.
Nachachallenge ako sa mga sinabi nya. Nalunok ko yata lahat ng confidence ko at puro pressure ang lumalabas sa utak ko ngayon.
Dalawang Ana ang magpapagulo ng buhay High School ko.
-Thanks po sa pagbasa.. Comment po and vote :)
BINABASA MO ANG
My Two GIRLFRIENDS
Teen FictionI dedicated this story for my 2 girl BESTFRIEND for how many years. Baguhan po ako kaya wag kayong magtaka kung ang panget ng plot ko. 1st story ko din po ito. Hope you like it. :) Boy po ako. Hahaha -Jelay :D