PDM1~ The Girl Version

76 4 1
                                    

PDM1~ The Girl Version

Kathleen's POV

♬Kkkkrriinggg Kkkkrriinggg♬

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Ano ba ang aga-aga naman ng istorbo na 'to. Aish.

Binalingan ko na lang ng pansin ang phone kong kanina pa pala nagri-ring. Kinuha ko nalang ito sa may bedside table ko at inaccept ang tawag.

"Hoy babae anong oras na tulog ka pa rin! First day of school po kaya ngayon."

Tamad akong bumangon sa kama at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Jackie lang pala.

"Opo gising na po. Sige bye."

Binaba ko na agad ang tawag at dumiretso na sa banyo para makaligo.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako ng isang floral dress at doll shoes. Kinuha ko na ang aking bag at ang car keys ko.

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko ang aking cute na cute na kapatid.

"Good morning bunso! Anong nangyari sayo umagang-umaga nakabusangot agad 'yang mukha mo." Nakangiti kong salubong sa kanya.

"Wala ate. Natalo lang ako kahapon sa pustahan namin."

"Edi maganda para ubos agad allowance mo." pagbibiro ko sa kanya.

"Yun na nga ate wala na akong pera pwede pahiram muna ako oh. Please!" sabay pout at puppy eyes sa harap ko. *^O^*

"Oo sige na. Eto pera pag ito ginamit mo naman sa pustahan wala na akong maibibigay sa'yo."

"Thank you ate, ikaw na ang pinakamaganda at pinakamabait na ate sa buong mundo!" masaya niyang sabi sabay kiss sa cheeks ko.

"Oo na sige na tama na ang pambobola. Aalis na ako."

"Okay ate salamat talaga." at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan.

Tsk. 'Yung bata talagang yun. Naabutan ko si daddy at mommy na nag-uusap sa may dining area.

"Good morning ma. Good morning da." bati ko sa kanila sabay kiss sa cheeks.

"Baby umupo ka na at kumain na." pag-aaya sa akin ni mommy.

"Sa school na lang po ako kakain ma. Sige po alis na po ako." nagpaalam na ako kay mommy at daddy.

Pumunta na ako sa garahe namin at sumakay na sa aking blue lamborghini. Malapit lang naman dito sa village namin yung school ko mga 15 minutes drive lang at saktong makakaabot pa ako bago isara ang gate ng school.

So habang nagda-drive ako ay magpapakilala na lang muna ako.

Kathleen Jane Hernandez is the name. 17 years old. Fourth year highschool student and running for valedectorian.

I have a cute little brother named Devin Josh and my oh so cool parents; Kaitlyn and Riley Hernandez. My daddy own hotels in different countries and my mom has a clothing line which is popular hindi lang dito sa Philippines pati na rin sa iba pang mga bansa.

Nang malapit na ako sa may gate ay kinuha ko ang ID sa bag para makapasok sa loob ng school kasi naman talagang pinandigan ang rule na "No ID, No Entry''. Pagkapasok ng kotse ko sa gate ay pinark ko na ang kotse ko sa parking lot.

"OMG!! Nandyan na si Miss Jane!!" Rinig kong sigawan ng mga estudyante paglabas ko pa lang ng sasakyan ko.

"Ang ganda-ganda talaga niya." I know right. Marami pang kung ano-anong pinagsasabi nila, hindi ko na lang pinansin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pride Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon