HAHAHAHAHAHAH
HAHAHAHAHAHAH
Kahit saang sulok ng classroom nato, umaalingawngaw ang tawanan.
Mga tawa ng mga taong masayang masaya na akala mo wala ng bukas kung tumawa.
Yung tipong tatawa na lang, magtatatalon pa at palalakpak sabay padyak at hawak sa tyan.
JOKETIME ika nga.
Oras na pwede kang makipagbiruan.
Oras kung saan Pwede mong sabihin ang mga ayaw mo sa isang tao sa pabirong paraan.
O kaya naman, Sabihin sa pabirong paraan ang totoo mong nararamdaman. :)
Isa ako sa mga nakikitawa at humahalakhak sa loob ng apat nasulok ng kwartong ito.
Bumabanat at tumatanggap ng mga JOKES na tatawanan pag Havey at Kukutsain ngunit tatawanan din naman pag Waley.
Madalas namin itong gawin tuwing walang klase o di kaya naman ay hindi kami sinipot ng masipag naming mga guro upang pagklasehan.
"O alam nyo ba yung Kick? " Tanong ng isa kong kaklaseng lalake.
"Ano?" Sagot naman ng lahat ng nakikinig sa kanyang sasabihin.
"Eto yung hinihipan pag may birthday? Ang Birthday KICK! HAHAHAHAHA" At nagumpisa na nga ang panibagong yugto ng tawanan.
Mababaw mang tignan, Ngunit iba pa rin ang dulot nitong kaligayan.
Mga tawang nagkukubli ng mga totoong nararamdaman. Kasiyahan o Kalungkutan man.
Pero may isang "Joke" na hinding-hindi ko malilimutan.
Isang Joke na sa halip na magpatawa sa akin, Ay syang naging dahilan ng aking pagluha.
--
"Hi Ella! Ellabyu!"Nagmamadali akong naglalakad papunta sa aming school gymnasium dahil male-late na ako sa aming training nang marinig ko na naman ang pinakaayaw kong marinig na mga salita mula sa pinakaayaw kong makitang tao.
Ay mali. Hindi pala sya tao.
Tipaklong sya. Tipaklong.
Mula sa pagkakatingin ko sa baba ay nakita ko ang unti-unting paglapit ng isang matangkad na anino papunta sa kinaroroonan ko.
Sht. Eto na naman. Eto na naman ang paulit-ulit na Pakiramdam na nararamdaman ko sa twing nasa malapit sya.
Tila ba may sari-sariling utak ang mga sensory nerves ko na bayolenteng nagrereact sa tuwing nase-sense ang distansya nya sa akin.
"Huli ka! Hahaha Bat nagmamadali ka na naman? Wala pa si coach kaya hindi ka pa late! Ano? Date muna tayo Ellabyou? :))"
Nagulat ako ng mula sa likod ay inakbayan nya ako habang may nakakurbang ngisi sa kanyang mga labi.
Oh sht ulit! -_-
Panandalian akong natigilan at pakiramdam ko ay umatake na ang automatic extraordinary reactions ng mga sensors ko.
Kasabay ng sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Hoy Ella! Hooy? Hello? "
Bumalik lang ako sa huwisyo nang tinanggal nya na ang braso nyang naka-akbay sakin at iwinagayaway sa harap ng mukha ko upang makuha ang atensyon ko.
"Ah a..ah Ha? May sinasabi ka?"
"Pfft. Haha ano ba yan? Nawala ka na naman sa sarili mo dahil sakin? Lakas talaga ng dating ko! Mayabang nyang sabi habang tinataas-baba pa ang kanyang mga kilay.
"Tseh! Tigilan mo ako! Wala lang talaga akong narinig na sinabi mo!"
Totoo naman. Dahil ang tanging narinig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Nabingi ako sa tibok ng puso ko.
"Sus? Gusto mo lang ipa-ulit ehh. Ikaw ha! Yieee. "
Huh? Sinasabi nito?
"Eh? Bakit? Ano bang sabi mo?
Tanong ko na bahagyang tumigil sa paglalakad at hinarap sya ng maayos.
Tumingin sya sa mga mata ko at biglang sumeryoso ang mukha.
Sht na naman!
Magkaka-Heart attack na ata ako!
Dubdub. Dubdub. Dubdub.
"Sabi ko..."
Dub..
Dubdub..
Dubdub..
"Mahal kita!" At inilapit nya ang mukha nya sa akin.
Dubdubidubdubidubdubidubidubidubidubidubdiduuuuuuuuub! O.O
Palapit..
Palapit.
ng paglapit...
Isang dangkal na lang ang pagitan ng tumigil sya at biglang ngumiti.
"Joke lang! Hahahahaha" Pinitik nya ang noo ko at kumaripas na ng takbo papalayo habang tumatawa na akala mo ay wala ng bukas.
Habang ako, Eto.
Natigilan.
Nakatulala.
Nanghinayang?
Ay sht. mali. Hindi, Hindi, Hindiiiiiiiiii!
NAIWAN.
NASAKTAN.
NA NAMAN.
Dahil sa pangilang-ulit kong narinig sa kanya ang "MAHAL KITA".
Ganun din karaming beses akong umasa.
Putungunu numun!
"JOKE NA NAMAAAAAAAAAAN?!!"
BINABASA MO ANG
Bukod sa MAHAL MO AKO, Ano pang JOKE ang alam mo?
Short StorySabi nila, Ang Joke daw ay Half-meant. Kalahating Biro, Kalahating Paasa.