Anong meron sayo?
--
Naiintindihan ko naman na talagang isa syang mapag-birong tao.
Sya yung taong akala mo walang pinoproblema sa buhay kung makapagbiro.
Yung taong, may balak pa atang palitan ng role si Joker sa Batman.
Pero,
Isa lang naman ang tanong ko na alam kong kahit si Manang GOOGLE ay hindi kayang sagutin.
Bakit ako?
Bakit sa dinamirami ng mga babaeng mas makati pa sa kagat ng lamok, Sa dinamirami ng mga babaeng kulang na lang pagawan sya ng rebulto para sambahin, at Sa dinamirami ng mga babaeng ginagawa syang Finish line sa marathon ng paghahabol sa kanya,
BAKIT AKO?
Bakit ako na lang lagi ang napipili nyang asarin? Bakit ako na lang lagi ang napipili nyang biruin? Bakit ako na lang lagi ang napipili nyang sabihan ng mga salitang di ko man naisin, alam kong nagbibigay ng kaunting pag-asa sakin. Mga salitang,
Nagpapaasa sakin.
Mga biro nyang lubhang kapanipaniwala, pero alam mo ang kung anong pinakamasakit?
Ayun yung alam kong kahit na gaano man Kapanipaniwala ang mga pinagsasasabi nya sakin, Gaano ko man gustuhin ang mga pinapakita nyang sweetness sakin, Alam ko at dapat kong tanggapin, Na lahat ng yon ay isang malaking BIRO lang.
Na lahat ng mga pinapakita nya ay pawang Walang katotohanan.
Sa pagbitiw nya pa lang ng mga pauna nya banat ay dapat tanggap ko na, na lahat ng sasabihin nya ay mga Walang katuturang bagay lamang.
Tama!
Agad kong binawi ang tingin mula sa papalayo nyang likod sa akin.
Ganun naman talaga, Hindi ka dapat maniwala.
Hindi ka dapat umasa para hindi ka masaktan.
Kailangan mong malaman na lahat ng saya ay panandalian lamang.
Kaya naman bago ko pa mahugot lahat ng mga damo na nakikita ko sa daan ay tumakbo na ulit ako at tumungo papuntang gymnasium.
Pagdating ko doon ay nadatnan ko na nagsisimula ng magwarm-up ang mga kateamnates ko kaya naman ay nagmadali na akong magsapatos at magbihis para makasama na sa kanila.
Hindi naman ganun kalaki ang School gymnasium namin. Sapat lang. Oo, Hindi labis, Hindi kulang. Hindi katulad ng sinabi mong pagmamahal mo sakin! Charot!
Napapangiti na lang ako sa mga iniisip ko. Sa ngayon ay nakaupo na kami ng mga teammates ko at nagpapahinga pagkatapos ng isang pasada ng laro.
"Wag mo kong masyadong isipin. Nagmumukha kang baliw na ngumingiti dyang mag-isa. "
Mabilis na napawi ang ngiti ko at tuluyang nanigas mula sa kasalukuyang kinauupuan ko.
SHT!?
Habang sya, Mula sa pagkakabulong nya sa likod ko ay pumihit papuntang unahan at humagalpak ng tawa nung nakita ang reaksyon ko.
"HAHAHAHAHA! PRICELESS REACTION SHT! HAHAHAHA!"
Tinapunan ko sya ng mga matatalim na tingin bago tumalikod at pumunta sa mga kinalalagyan ng mga gamit namin.
Punyemas talaga! Hindi na talaga ko makatakas sa kanya!
Ay Oo nga pala! Pagkatapos ng training namin ay training naman nila. Ughhhh! Dapat pala umuwi na lang ako kanina imbis na magpahinga. Tsk.
Malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa mga gamit ko, at mabilis naglakad paalis pagkakuha. Mi hindi nako nakapagpaalam sa mga teammates ko.
Papalabas nako ng gate ng makasalubong ko ang iba pang mga lalaking players na papasok pa lang para sa training nila.
May mga pito ata ang bilang nila. Lahat sila tinanguan at nginitian ako, maliban dun sa isa.
Well, Hindi naman sa gusto kong ngitian nya ko pero simula talaga ng makilala ko sya, Never pa nya kong pinansin o kaya Kinausap man lang.
Palagi lang syang seryoso at akala mo pasanpasan lagi ang mundo. Kung yung tipaklong na yun ay balak palitan si Joker, Sya naman ay si Hercules ata. Tss.
Anyways, Bago ko pa sila malampasan ay nadinig ko na naman ang nakakairitang sigaw mula sa likod ko.
"ELLLLAAAAAAAAAAA! HOY ELLLLAAAABYUUUUUUUUU!!!!"
Sht. Speaking of the Tipaklong!
Hindi ko sya nilingon. Bagkus ay Mas binilisan ko ang lakad ko para hindi nya ko maabutan.
Pero dahil may sa tipaklong nga ang kumag ay mayamaya pa'y naramdaman ko na sya sa tabi ko.
"Tinatawag kita eh! "
Bored ko lang syang tinignan para maitago ang kakaiaba na namang pakiramdam sa twing malapit sya.
Para syang Toilet bowl na kapag lumalapit sakin ay natatae ako. Fck! Anobayan? Ang baho ng iniisip ko!
Saktong pagkaabot nya sakin ay ang Pasalubong ng mga teammates nya samin!
"Hoy pare! Ginugulo mo na naman si Ella. Okay ka lang ba Ella-babe? "
Nakangising sambit ni Samuel na may kasama pang pagkindat sa akin. Isa sa mga Teammates nya na kilala bilang isang womanizer. Tss No doubts kung bakit, Bukod sa tipaklong na to, ay may taglay na kagwapuhan din si Sam. Actually, Buong team naman talaga nila. Kaya naman halos inaabangan talaga ng lahat ang mga laro nila. Magagaling na, Nagkikisigan pa.
Pero sinabi ko bang kasali tong tipaklong nato? Mali-mali. Bukod tangi sya. Hindi sya gwap-
"Omaygaaaaad si RAFAEL!!!!!! ANG GWAPO MO TALAGA RAF! BUNTISIN MO NA AKO! WAAAAAAAAH! "
Wtf?
Mula sa labas ng gate ay nakaabang ang mga fans nila. Oo, Ganun sila kasikat para magkaron ng Fansclub. Mga papeym. Tss.
"HINDI PWEDE MISS. MAGAGALIT ANG ASAWA KO! " Sigaw ng tipaklong nato mula sa gilid ko at inambangan pang aakbay sakin.
Baga pa nya magawa ay itinaas ko ang kamay ko para suntukin sya kaya agad naman syang napalayo.
"HAHAHA Dude, wala talagang talab kay Ella yang mga banat mo! HAHAHA"
Natatawang utas ni Edcel na isa rin sa mga kateamnates nyang Hindi na mabilang sa mga daliri ng kamay at paa ang mga pinaiyak na lalaki. Mas malala pa to kay Samuel eh.
"Shut up dude. Syempre hindi PDA si Ellabyuu ko kaya ayaw nyang kiligin sa madaming tao. Umalis na nga kayo dito! Shooooooo! " Pagtataboy nya sa mga teammates nyang humahagalpak pa rin sa pagtawa.
Maliban na naman kay Evan na nakatingin lang ng Seryoso samin.
Nakakaconscious yung tingin nya. Para bang may malaki akong kasalanan sa kanya. Huh?
Nalipat ang tingin ko sa tipaklong na dada pa rin ng dada sa gilid ko.
"PDA YOUR FACE! " Sabi ko at sinuntok sya ng mabilis sa tyan.
Tumakbo nako paalis at pumara agad ng tricycle na dumaan.
Dinig na dinig ko pa din ang tawanan at daing ng tipaklong.
Paglingon ko sa likod ay naabutan ko na silang lahat na naglalakad na at papunta ng Gym.
Maliban sa isa.
Nagtama ang mga paningin namin at naestatwa ata ako sa loob ng tricycle ng nakita ko sya sa kauna-unahang pagkakataon na ngumiti!
Fck!
Anong meron sayo EVAN BUENAVENTURA?!
BINABASA MO ANG
Bukod sa MAHAL MO AKO, Ano pang JOKE ang alam mo?
ContoSabi nila, Ang Joke daw ay Half-meant. Kalahating Biro, Kalahating Paasa.