9

4.3K 97 2
                                    

Keet's POV

Naalimpungatan ako nung may malakas na ingay na nanggaling sa baba. Letse naman oh. Ke-aga aga eh.

Nag ayos muna ako ng sarili saka lumabas. Sinilip ko yung living room. Ang lakas ng music!

Bumaba ako para patayin yung music.

"Hoy! Bakit mo pinatay?!" sigaw nung lalaking may hawak na fork tapos may hotdog na nakatusok sa fork.

"Eh ang aga aga tapos ang ingay!" sigaw ko sa kanya.

"Eh ano naman?! (-___-)"

"Hindi ka na nahiya sa mga kapit bahay!" sigaw ko.

"May sapak ka ba talaga? Wala tayong kapit bahay. Psh." sabi nya saka bumalik dun sa dining area.

Sumunod naman ako. Pag karating ko dun, ang daming breakfast food. T^T

Kukuha sana ako kaso tinapik ni Terrence yung kamay ko.

"Aray! Problema mo?" tanong ko sa kanya. Nakahalumbaba sya.

"Mag luto ka ng iyo." sabi nya saka inangkin yung mga pag kain.

"Aish! Iyo na! Isalaksak mo hanggang lungs ha?!" sigaw ko.

"Masakit yun. Wag na." sabi nya.

"Ewan ko sayo!" sigaw ko saka nag hanap sa ref ng maluluto. Mag luluto nalang ako ng omelette. Yung simple omelette lang, yung walang ham sa loob. Basta egg lang. Yung laeang ginawa sa Masterchef Celebrity Edition sa Korea.

Pag katapos ko yung lutuin, nilagay ko sa plate saka kumain.

Yummy! *0*

"Ano yan?" tanong nya.

"Omelette." sabi ko.

"Ah, akala ko roasted egg." sabi nya. Napatingin naman ako.

"Anong sabi mo?!"

"Sabi ko, akala ko roasted egg. Ganda kasi nung kulay oh, mapapantayan na nya yung laban ni Mayweather at Manny, lutong luto." sabi nya saka umalis.

"Ugh!" sigaw ko nalang. Bakit pa kasi eh? T^T Eh sa hindi ko nahinaan yung apoy kanina eh.

xxxxxxx

"Hoy. San ba tayo pupunta ha?" tanong ko. Nasa kotse nya kami. May pupuntahan daw eh. (-___-) Malay ko kung saan.

"Wag ka nalang maingay dyan. Ihulog kita eh." sabi nya.

"Ikaw kaya ihulog ko dyan? (-__-)"

"(-___-)" nakaganyan lang sya.

"Pano mo nakilala yung kambal?" tanong nya.

"Ex ko sila. (-__-)" biro ko.

*SCREEEECH!*

"AY KALABAW!" sigaw ko. Eh bigla ba namang mag preno.

"Ano bang problema mo ha?!" sigaw ko sa kanya.

"Ex mo sina Lace?!" sigaw nya.

"Baliw! Hindi no! Eh dinaig pa'ko nun mag sungit eh!" sigaw ko. Pinaandar naman nya ulit yung kotse.

"Akala ko totoo." sabi nya.

"Eh ano naman ba kung totoo?" tanong ko.

"Hindi kasi kapani-paniwala." sabi nya. Napakunot naman yung noo ko.

"Bakit naman?"

"Walang wala ka kasi sa taste nila. (-__-)" sabi nya. Konti nalang! Konting konti nalang talaga mababatukan ko'na to! Oo! Tamo! (-___-)

Whose baby is this? [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon