*flashback*
pagtapos ni papa ayusin 'yong mga gamit sa loob ng bagong bahay namin, pumunta na agad kami sa bagong trabaho niya.
4years old palang ako no'n at umiiyak pa palagi kapag naiiwan, 'di tulad ng dati ay may nag aalaga sa'kin, si lola, ngayong patay na siya ay wala na, kaya naman ay kailangan akong dalhin ni papa sa trabaho niya.
sa bar din nag t-trabaho dati si papa bago pa kami lumipat dito sa mariones subdivision sa bulacan. kada pasok namin sa pinag t-trabaho-an niya ay tinatakpan nito ang mga mata ko. saka niya lang tatanggalin kapag nasa kwarto na kami sa loob ng bar.
ako lang palagi mag isa sa kwarto na 'yon habang hinihintay na bumalik si papa para makauwi na kami. tulad ng dati ay 7hours din ang duty nito sa bago niyang bar na pinag tatrabaho-an.
madalas ako abutan nitong tulog sa sofa kaya naman hindi ko na namamalayang nakauwi na pala kami. pero no'ng gabing 'yon, gising ako.
tinakpan muli ni papa ang mga mata ko bago kami lumabas ng kwarto palabas ng bar.
pagtanggal niya ng kamay niya sa mga mata ko ay unang bumungad ang mukha ng babaeng hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko.siya ang unang batang nakita ko no'n sa lugar na 'yon. tinignan kong muli si papa. nakikipag usap pa siya sa ka-trabaho niya. muli ko namang tinignan ang babaeng nakita ko kanina.
nandoon parin siya at ngayon ay pinaliligiran na ng tatlong iba pang batang naka-uniporme pang school. may dugo ang gilid ng labi nito at gulo gulo ang uniporme. mas matangkad ang tatlong babaeng nakapalibot sa kaniya kumpara rito. hawak hawak ang bag na kulay red, malakas nitong inihampas sa mukha ng babaeng nasa harapan niya ang hawak hawak na bag, dahilan para bumagsak ito. mabilis siyang tumakbo palayo sa tatlong babae, agad naman tinulungan no'ng dalawang pang bata 'yong babaeng bumagsak. agad din naman silang tumakbo para habulin ang nakatakas na babae.
kinabukasan, hindi na 'ko sumama kay papa sa pag alis nito papunta sa trabaho niya, kinwento ko kasi rito ang nakita ko kagabi. nakakatakot na baka makita ako ng tatlong babae roon at mapagpasyahang ako naman ang awayin nila.
6:30pm no'ng umalis si papa. binuksan ko ang tv para manood pero gabi na no'n at wala na masyadong cartoons kaya naman pinatay ko nalang muli ang tv at tumingin nalang sa bintana.
napagpasyahan kong tumingin na lamang sa labas mula sa aming bintana. maya maya ay nakita kong naglalakad 'yong batang nakita ko no'ng unang araw palang namin dito. ang siga nitong maglakad na akala mo ay laging may kaaway, nakasukbit sa kabilang balikat niya ang kulay red niyang bag. gulo gulo rin ang buhok nito at nakabukas ang unipormeng madumi.
sinitsitan ko ito at nagtago agad sa takot na baka mahuli ako nito. huminto ito sa paglalakad at inikot ang paningin, nang walang makita ay nagpatuloy ito, sinitsitan ko 'tong muli, napahagikgik naman ako sa sarili ko. nakita ko pang binagsak nito ang bag niya sa lapag. nagtago akong muli. pag angat ko ng ulo ay laking gulat ko ng makita ko itong nasa tapat ng bintana at nakatingin sa akin.
sa takot ay agad kong sinara ang bintana at tumakbo papunta sa kwarto at nagtalukbong ng kumot.hanggang sa susunod na mga araw ay hindi na 'ko sumama kay papa sa trabaho niya. big girl na nga raw ako sabi ni papa dahil hindi na'ko umiiyak pag aalis siya pero ang totoo ay natatakot lang talaga 'kong makita ang tatlong babaeng nakita ko no'ng gabi roon, 'tsaka boring doon kaya mas okay ng dito nalang ako.
"venven anak bakit ba hindi mo pinapansin 'yong bata sa kapitbahay natin, palagi atang pumupunta rito pero hindi mo manlang nilalabas para kalaruin?" tanong ni papa dahil napansin ata nitong wala parin akong kaibigan kahit dalawang buwan na kaming nakatira rito.
"ang kulit niya kasi papa! inuuwi niya 'yong barbie ko, sabi ko nga huwag, kasi akin 'yon." nakasimangot kong sabi.
totoo naman! ang kulit kulit kaya ni marky, feeling close pa!