Prologue

4 0 0
                                    

"Kael.... Anak mo to maniwala ka naman oh? " umiiyak at nanginginig kong saad.

"TANGINA! TAMA NA LAUREN! PWEDE BA TIGILAN MO NA KAMI NI KACEY?! WALA AKONG ANAK NAIINITINDIHAN MO BA YON?! "  galit na galit na parang bulkan na sasabog na saad ni Kael.

Dahan dahan niya akong hinawakan ng marahas sa aking mga braso at hinila papunta sa kama niya at binalibag na para bang isang gamit lang ako.

"Kael naman oh,hindi mo ba naaalala may nangyari satin nung gabing nalasing ka galing sa birthday party ni Kacey diba? " nangagatog kong saad dahil sa sobrang kaba.

"TANGINA TAMA NA! " malakas niyang saad

Sinampal niya ako ng napaka lakas na naging dahilan ng aking pagka bagsak.

Bigla na lamang akong naka ramdam nang sobrang sakit sa may bandang tiyan na para bang may nangyayaring iba sa aking tiyan.

Dahan dahan kong hinawakan ang aking binti na may tumutulong tila bang likido at pag tingin ko ay mayroong dugo ang aking mga binti na nag mumula sa aking tiyan.

Hindi! Hindi!  Hindi pwede mawala ng anak ko! Hindi pwedeng makunan ako!

Siya si Kael Marco Alvarez.Ang aking bestfriend na siya ring naka buntis sa akin.Siya rin ang inakala kong mamahalin ako ng buong buo. Na akala ko na tatanggapin niya ang totoong ako.

Be pretty or nerdy? Where stories live. Discover now