"Lauren! Aba naman hija bilisan mo ang kilos mo! Abay naghihintay na sa labas si Kael" maingay na bulyaw sakin ng aking tiya Oryang.
"opo tiya nandyan na po" magalang kong saad
Kay aga aga nandito nanaman si Kael sa bahay namin. Sinabihan ko na siya na kung pupunta siya samin sabihan niya ako para maaga akong gumising at makapag handa naman ako, hindi yung minsan pag dumarating siya wala pa akong ligo ligo,o di kaya naman wala pa akong hilamos at suklay.
"Magandang umaga Kael" masayang bungad ko kay Kael.
"Magandang umaga rin sa pinaka pinaka magandang bestfriend ko! " masaya at para bang ipinagmamayabang niya pa sa mga kapit bahay ko.
Sa squatter areas lang kasi kami naka tira kaya dikit dikit ang mga kabahayan. Kaya onting sigaw mo lamang ay rinig na rinig na ng mga kapit bahay.
Samantalang ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay isang mayaman na binata. Sa subdivision din sila naka tira. Pano ba naman ang mama niya ay isang tanyag na doctor samantala naman ang kanyang tatay ay isang napaka galing na abogado, at ang kanyang mga lolo at lola ay mga sikat na sikat na mga business partners.
"huyy wag kang maingay ang aga aga pa eh,nakakahiya sa mga kapit bahay" pag pigil ko na saad habang tinatakpan ang bibig netong si Kael.
"bakit ayaw mo ba? Ayaw mo ba na marinig nila ang sinasabi ko na napaka ganda mo best friend ko?" naka ngiti niyang saad habang pinipisil ang aking mga namimintog na pisngi."sus! Ano nanaman ba kailangan mo at ang aga aga nandito ka na agad? " kunyaring naiirita kong saad.
"kaya nga best friend eh yun na nga eh may papaturo kasi ako alam mo na hindi kasi matalino itong bestfriend mo pogi lang" kumindat niyang saad.
Hindi ko naman matatanggi na mayron talagang tinatagong kagwapuhan to si Kael. Kaya naman baliw na baliw ang mga kababaihan sa campus namin tuwing dumadaan siya.
"ikaw kasi eh hindi ka nakikinig sa mga ni le lessons ng mga teachers natin pano ba naman lagi kang naka tingin kay Kacey" pang aasar kong saad.
"syempre ang ganda nun eh. Ganda ng view pag naka tingin ako sakanya" nababaliw niyang saad.
"edi ayan tuloy wala kang maisagot sa mga assignments natin" naiinis kong saad.Pano ba naman kasi imbes na makinig siya sa mga tinuturo ng teacher namin lagi siyang naka lingon sa likuran niya,para lang tumingin kay Kacey. Si Kacey ay isang sikat at magandang babae sa campus namin. Napaka ganda niya na kahit ako'y nagagandahan sa kanya,kaya di naman ako mag tataka sa kinababaliwan siya ng mga kalalakihan at isa na ron si Kael.
"sige ma Lauren turuan mo na ako, promise makikinig na talaga ako sa mga ituturo ng teachers natin" nangangako niyang saad.
"sige sige pero promise mo yan ha makinig ka na sa susunod" saad ko
"oo promise" naka ngiti niyang saad
Niyakap niya ako ng mahigpit na maghigpit.May kakaiba akong naramdan sa aking puso, parang ngayon ko lang to naramdaman. Ipagsasawalang bahala ko na lamang ito.
"ililibre kita mamaya ng turon at palamig o kaya kahit ano" tumatawa niyang saad
"ikaw talaga porket mayaman ka kung ano ano na gusto mong pinag bibibili" saad ko
"mura lang naman yon eh" nagpapa cute niyang saad
"sige sige anong subject ba ipapaturo mo?" tanong ko
"english,alam ko naman kasing magaling ang maganda kong bestfried sa english eh"
"sus nambola ka pa!" tumatawa kong saad
Nakilala ko si Kael noong 7 years old pa lamang ako.Noong nasa probinya pa kami naka tira ng tiya Oryang ko. Nagbabakasyon sila non sa lugar namin kaya nakilala ko siya pati mga kapatid niya.Doob ko napagalamang mayaman pala sila dahil sa kwento kwento.Umalis rin sila agad sa lugar namin non dahil bakasyonista lang naman sila, pero hindi na putol ang komunikasyon namin. Patuloy siyang nag papa dala sa akin ng liham o di kaya naman buwan buwan siyang napunta sa lugar namin.
YOU ARE READING
Be pretty or nerdy?
RomansaKung ikaw ang tatanungin,ano ang pipiliin mo maging maganda o maging matalino? Kasi kung ako ang tatanungin.... I rather to be a pretty girl than a smart, nerdy, ugly girl. But I'm here. I'm Athena Lauren Sanchez, the smart but ugly girl in our ca...