Chapter 04

155 8 0
                                    

Kakauwi ko lang galing sa duty ko, pang night ako kaya naman pag uwi ko ay nag luluto ako kaagad ng almusal ni Shan bago siya mag tungo sa trabaho.


Kumuha ako ng naka prepare na shanghai para sa almusal at egg para may pag pipilian si Shan sa gugustuhin niyang kainin.


"Kakarating mo lang?" tanong sa akin ni Shan kaya naman tumango ako sa kaniya.


"Paluto na itong shanghai!" naka ngiti kong sabi sa kaniya.


Sinerve ko na sa kaniya ang mga pagkain at sabay na kaming nag almusal.


"Cherry, nakakapag pahinga ka pa ba? Hindi naman kita pinipilit na mag trabaho pa sa akin sa umaga. Tuwing gabi nasa ospital ka tapos tuwing umaga naman sa opisina ka, Pinag usapan na natin to two years ago pero nag pumilit ka uli ngayon." sabi niya pa sa akin kaya naman napa yuko ako.


"Alam kong hindi maganda ang lagay ng kompaniya ngayon, simula noong mayroong nag leak ng bagong project." sabi ko pa at tumango siya.



"Sorry talaga, Bestfriend. Hindi ko gusto na nahihirapan ka pero hindi ko rin alam kung sino ang hihingan ko ng tulong," sabi ni Shan kaya naman tumango ako sa kaniya.



Dalawang taon na kaming kasal pero bestfriend pa rin ang tawag niya sa akin.



"Sige na mag bibihis lang ako tapos susunod na ako sa kompaniya, gusto ko muna mag pahinga ng kaunti!" sabi ko pa kaya naman tumango si Shan.



Nag bihis na ako ng pang office at umupo saglit sa study table ko para i video call ang boss ko.



"Ahtisa, nakuha mo na ba ang impormasyon ng taong ipinapahanap ko sayo?" tanong sa akin ng boss ko kaya naman tumango ako.



"I already sent the details to agent Sky," sabi ko pa bago patayin ang tawag.



Sinulat ko muna ang mga pangyayare sa buhay ni Alyanna sa notebook ko bago ko i finalize ang lahat.



Noong natapos na ako sa pag papahinga ng kaunti ay dumiretso na ako kaagad sa kompaniya ni Shan para humanap ng maitutulong roon.



"Cherry," tawag sa akin ng kakarating lang na si kuya Cedrik.



Here comes the wave.


"Nangangayayat ka Cherry," pag uumpisa nanaman ni kuya Cedrik. Alam ko na kung saan ito mararating.



"Kuya, tutulungan ko parin si Shan!" inunahan ko na siya bago pa siya makapag salita.


Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now