Chapter 16

134 7 0
                                    

"Kailan ka pa naka uwi?" tanong sa akin ni Poula habang sumisimsim ng kaniyang orange juice.


Lahat ng aking mga kaibigan ay naroon pati na rin ang bestfriend ko.


"Actually, noong isang araw lang ako nakauwi," sagot ko sakaniya.


Napansin kong ang mga kaibigan ko ay titig na titig sa akin na para bang nakakagulat na andito ako sa harapan nila.


"Ang tagal mong nawala kaya ganon," biglang sabi ni Alyanna na para bang nabasa niya ang iniisip ko.


"Kamusta ka na?" tanong sa akin ni Shan.


"Okay ako, ikaw kamusta?" tanong ko sa kaniya.


Alam kong may pinagsamahan kaming dalawa, hindi lang basta bestfriend ito. 


"Masaya ako na nandito ka na uli," sabi niya kaya naman tumango nalang ako sa sinabi niya.


Buong hapon lang kami nagkwentuhan ng aking mga kaibigan kaya naman lahat ng na missed naming kwento ng bawat isa ay nakwento namin.


Noong pauwi na ay unti unti ng nagsi alisan ang mga kaibigan ko dahil may kaniya kaniya na silang mga pamilya na uuwian.


Gusto ko na ring umuwi kay Shannel kaso baka may makakita sa akin na kasama ko siya, iniwan ko siya kina Mommy para safe siya roon.


"Cherry, uuwi ka na rin ba? May kasabay ka na ba?" umaasang tanong sa akin ni Shan.


"Wala eh," mahina kong sabi sa kaniya.


"Gusto mo bang sumabay sa akin? Ihahatid kita kung saan ka man bababa," sabi niya kaya naman tinignan ko siya ng mabuti.


"Hindi, okay lang Shan. Kaya ko namang mag commute at ayaw ko rin makasama ka sa isang sasakyan," pagkasabi ko noon ay nakita ko ang bakas ng lungkot sa kaniyang mukha.


Hindi ko gustong sabihin ang mga salitang iyon pero ayaw kong magsinungaling at pilitin ang sarili ko na okay kaming dalawa dahil alam naming pareho na hindi.


"Sorry," ayon lang ang nasabi niya bago ko siya tinalikuran.


Nag lakad na ako palayo at noong may nakita akong taxi ay sumakay na ako para makauwi na sa bagong bahay na pinatayo nina Mommy para saakin.


Noong nakauwi ako ay kaagad kong vinideo call sina Mommy para makausap ko si Shannel, buo agad ang araw ko pang kinabukasan dahil doon.


Maaga akong nagising para ayusin ang mga footage na pinapatingin sa akin ni Corinne at Joseph. 


Nag ring ang phone ko kaya naman agad kong sinagot iyon.


"Ahtisa, Saan nag stay si miss Corinne?" nagulat ako dahil pa tuwid na ang tagalog ni Joseph kaya naman napa ngiti ako.

Charming Danger (Diary Series #11)Where stories live. Discover now