Chapter 2

6 0 0
                                    

Nag palit na ko ng aking mga damit pantulog matapos mag ayos ng aming pinagkainan kanina.

Bago kasi umalis si Zadkiel kanina ay niyaya muna namin siya na makikain sa amin ng pang hapunan.

Humiga na ko sa aking kama at binuksan ang aking cellphone nakita ko naman ang chat ng aking kaibigan na si Chesca.

Chesca:
Beytch pupunta kami sa Sunday niyaya kami
Ng best friend mo.

Me: ok.

Papatayin ko na Sana ang aking cellphone ng nag vibrate muli ito

Chesca: kita tayo sa mall  bukas bili tayo ng outfit natin para Hindi tayo mag mukhang basahan ng mga mayayaman dun.

Me: "Tayo" talaga lang ha?!

Chesca: Hahahah sige na, good night beytch.

Pinatay ko na ang aking cellphone at nag tungo sa cr para mag toothbrush.

Pagkatapos ko mag sipilyo ay nag tungo na ako sa aking kama ng muli may nag message, Hindi si Chesca kundi si Zadkiel.

Zadkiel: thanks for the dinner and your time

Me: ano ka ba parang di ka nasanay at ok lang bored din naman ako kanina at parang kapatid nadin naman kita Kaya no problem.

Hinihintay ko ang kaniyang reply ngunit Hindi na ito nag reply pabalik.

Pinatay ko na rin ang aking cellphone at ang ilaw at muling humiga.

Nakakaramdam na rin ako ng antok,
Hanggang sa nilamon na ko ng dilim.

Nagising ako sa ilaw na galing sa aking kurtinang bahagyang nakabukas.

Binuksan ko ang aking cellphone at tumambad ang napakaraming message ni chesca.

Chesca: ano naka ready kana beytch?

Chesca: woy sagot

Chesca: anoooo naaa

Chesca: 9:30 na beytch

Tinignan ko ang oras at nagulat ako ng 10:40 na.

Bumangon agad ako upang mag ayos ng aking higaan.

Dumeretso ako agad sa aking banyo upang maligo.

Nag suot lang ako ng simpleng high waisted jeans at White shirt at pinaresan ko na rin eto ng white snickers na sapatos.

Nag suklay lang ako at hindi ko na nilagyan ng make up at lipstick  ang aking mukha dahil mapupula na ang aking mga labi at baka nabwibwiset na ng sobra sa akin ang babaeng yun kakahintay.

Nilock ko na ang aming bahay at kinuha ang aking sling bag.

Pumara na ko ng tricycle papunta sa aming mall, tinext ko na rin ang babaeng yun na papunta na ko at kung Saan kami mag memeet.

Nakababa na ko ng tricycle at pumunta sa isang fast-food restaurant kung saan kami kakain muna bago mag hanap ng masusuot para sa celebration ni Zadkiel bukas ng gabi.

"Woyy late ka nanaman nagising, inip na inip na ako kakahintay sayo" bungad na mahinang sigaw niya sabay irap.

"Sorry na tao lang" sambit ko pabalik sakanya.

"Dahil ikaw late ikaw mag oorder"

'Kaloka tong babaeng to tagal nag hintay sa akin di man lang nag order'.

Pumayag naman ako para makabawi sakanya
Tumayo ako muli sa aking upuan at nag tungo sa cashier upang mag order ng aming makakain.

Matapos ko makuha ang aming pagkain ay bumalik nako muli sa aking upuan at inayos ang aming lamesahan, ibinigay ko na kay Chesca ang kaniyang pagkain at sinumulan na namin kumain.

"Anong balak mong outfit na susuotin  para bukas ng Gabi?" Tanong ko sa aking kaibigan.

"Pajama siguro" sarkastikong sumbat niya na nag panguso sa akin, kahit kailan talaga tong babaeng to tsk.

"Malamang yung engrande para Hindi nakakahiya para bukas, mayayaman Kaya ang pupunta dun".
"Pero mag dredress ako yung sexy para mapalingon sa akin yung mga sugar daddies na pupunta bukas".

Napangiwi naman ako sa sinabi niya,
Ipinag patuloy na namin ang pagkain hanggang sa natapos na kami.

Tumayo na kami sa aming upuan at pumunta sa mga store kung saan may magagandang iba't ibang designs ng dress pang party.

Pumasok na kami sa isang shop at tumambad sa amin ang mga dresses na talagang ma eexpose ang iyong mga legs at cleavage

Agad na pumunta si Chesca Doon at sumunod naman ako sakanya.

Habang tumitingin ako sa ibang dress ay tinawag niya ko "Zaniyah halika dito bagay mo to oh, try mo" saad niya habang tinutulak ako papuntang dressing room, pumasok naman ako at triny ito.

Tinignan ko ang aking kabuoan, isang Black Lorde dress ang ibinigay sa akin ni Chesca upang I try,  I can say it's not bad Hindi naman masyado kita ang aking cleavage.

Hindi naman sa ikinahihiya ko ang aking dibdib malulusog ang mga ito ngunit ayaw ko lang masyadong ineexpose ito lalo na sa mga events or parties na aking inaattendan dahil ayaw kong maraming lalaki ang makakakita nito, at pinag iisipan ako ng kung ano anong nakakadiring bagay.

Lumabas na ako ng dressing room at ipinakita kay Chesca ang fit ng dress na ito sa akin.

"Oh sabi sayo eh bagay mo, galing ko talaga mag style" nagising niya ng sabi na bilib pa sa kaniyang sarili.

"Mag papalit lang ako".

"Sige hanap muna ko ng masusuot ko" sabi ni Chesca na tumalikod na upang humanap ng kaniyang masusuot.

Nakapag palit na ako at lumabas muli
"Ano nakahanap kana? " tanong ko sa aking kaibigan "Oo eto oh" sabi niya habang medyo itinaas ang kaniyang kamay na bitbit ang paper bag ng kaniyang napiling dress.

Pumunta muna kami sa isang sikat na ice cream shop na famous dito sa mall.

At habang kumakain ng ice cream sinamahan ko na rin siyang bumili ng kaniyang mga beauty products na gagamitin bukas.

Pumunta na kami sa cashier area upang magbayad habang patuloy parin ako sa pag Kain ng ice cream.

"Saan tayo next na pupunta" tanong niya sa akin" siyempre di ko makakalimutan ang bebe Max ko, "sa pet store bibili lang ako ng mga treats at ibang laruan na sisirain ni Max".

Ganun ko kamahal ang aking aso may pasalubong talaga.

"Bye salamat sa pag sama sakin beytch"
Sabi niya at binigyan ako ng flying kiss.

Kumaway kaway naman ako at nag pa  Alam na rin.

Nakarating na ako sa aming bahay at nang pag bukas ko sumalubong sa akin ang maliit kong aso habang kumakawag kawag ang kaniyang buntot.

"Hi babyyy I miss you" tumalon talon naman siya papunta sa akin na nag papa buhat, binuhat ko siya at pumunta sa aming sala inilapag ko na rin sa lamesahan ang aking pasalubong para sa kaniya.

Inilabas ko ang aking pinamiling mga treats at toys para sa kaniya, "look Max I bought you some treats and toys" sabay bigay sa kaniya, inilapag ko na rin siya upang maka pag palit na ng pang bahay.

Mabilis natapos ang araw na ito at gabi nanaman.

At dahil sa pagod sa mga pinuntahan namin kanina ay nakatulog agad ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Carrying My Best Friend's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon