Goodness! Natulog ba ko? Parang buong gabi lang naman ako nakatulala e. Tapos iiyak tapos tatawa, hala? Ano na nangyari saken? Nababaliw na ko (T▽T)
Aira'sPOV (finally!)
Naawa ako kay Max, alam kong hindi sya ok, kahit naman pilitin nya ngumiti, kahit na sabihin nyang ok lang sya alam ko namang nasaktan sya.
"Ba't kase dun pa sya nafall e? Hindi naman yun gwapo, may itsura lang tss."
"Wala naman kaseng pinipiling mukha ang love kahit sino pwede tamaan ni Mr. Kupido" Keith, pinapunta ko kase sya samin ngayon, kinuwento ko na rin yung nangyari since bestfriend ko din naman sya, set aside na muna natin yung fact na crush ko sya.
"Hay, pero pano na 'to? Hindi ko na alam kung pano ko tututlungan mag move on yung best friend ko"
"Wag nating madaliin, hindi naman isang click lang makaka move on kana, it takes time. Hindi naman kase yan naidodownload o naiinstall sa sarili mo" grabe? For the first time and forever ! Ngayon ko lang nakita si Keith na seryoso, yung parang matinong kausap.
"Keith? Ikaw ba yan?" Hahahaha sorry na, pinanganak yata talaga akong mambasag ng moment e.
"Tsk! Sinayang mo naman yung momentum e ! Ganda na nga ng flow pinipilit ko na nga maging seryoso e."
"Sorry na di lang talaga ako sanay hahahaha pero hayy Keith kung sabagay may point ka rin naman" natatawa talaga ako sa mokong na to.
"E anong balak mo?"