Wednesday 7:30 am ~
"So class, I expect na lahat kayo nainform ni Ms. President about page 143" Prof. Math.
"Yes Sir!" class
Binubugbog, este hinahampas ko lang naman ng mahina si Ai sa braso habang kinukwento sa kanya yung nangyari kahapon grabe lang! Alam nyo yun? Yung feeling na ganto?
"puputulin ko na yang kamay mo pag di kapa tumigil" Hala? Ang sungit! Ampp!
"Ai naman e. ngayon na nga lang ako naging masaya e, wag ka ngang kill joy!"
"tss .. asdfghjkl" huh? Anong problema na naman sa mundo ng katabi kong to at bumubulong mag-isa?
"Anong sabe mo?" tanong ko kay Math, oo na sya na yung katabi ko. Fine!
"Wala ! makinig ka kay sir, ingay-ingay kase tsk." psh ! Ang yabang talaga neto, makinig kay sir? Nakikinig kaya ako, kala naman neto saken. Tse!
"WOW thanks for reminding me huh? I REALLY APPRECIATE IT "
"Mr. Mathew, on the board" Tawag ng nag-iisa sa puso ko at pinaka mamahal kong Professor
Naghiyawan na naman ang mga fans nya, opo, may mga fans sya, psh. Kala mo naman kung sinong sikat at gwapo (sige oo na, gwapo ba nga, baka mapatay pa ko ng mga fans nya pag sinabi kong pangit sya) magsasagot lang naman tinalo pa 1D fans sa hiyawan tsk. Napaka OA naman nila tss.
"Ms. President .. asdfghjkl" wth ! ano daw? Ang iingay kase netong mga classmate ko di pa magtigil sa kakatili, akala mo kung sinong mga kinakatay na biik tsk! di ko tuloy marinig si Sir/ The One para tuloy akong timang na ngingiti-ngiti sa kanya.
"Quite class ! Max, I said solve no. 2 on the board." See? Talagang malas saken si Math ! wanna know why? Kase malas sya, kung hindi dahil sa mga maiingay nyang fans edi sana narinig ko ng maayos si Sir tsk ! Malakas talaga ang kutob kong may balat sya sa pwet e, diba?
"Go Max, show them who's the real Queen" Aira, hahahaha kaartehan. Queen pa. Heh.
Pag lakad ko (na mala nag momodel sa ANTM) papuntang unahan nag-kasalubong pa kami ni Math, nagkatitigan saglit ang aming nang-iinit na mga mata, pwe! yabang talaga oh! Ang sarap dukutin ng mata gamit yung pang scoop ng ice cream, swear. Patirin ko pa sana kaso, malapit na ko sa prince charming ko (*O*)/// hahaha ngumiti na si Sir ! Ganyan ka Sir e, pangiti-ngiti ka lang, hindi mo alam, may puso ng gustong kumawala dahil sayo heh! Haraught! (*^*)/
At sinolve ko na mala-flash ang napaka daling equation sa board heh! I'm so bright talaga o(≧∇≦o) ang hirap talaga maging maganda tapos sabayan pa ng katalinuhan.
"very good ♥insert mesmerizing smile♥"
Nagpalakpakan naman silang lahat hahahahaha nabilib kayo no? Makabalik na nga at baka di ko pigilan ang sarili kong makapagpropose kay sir ng wala sa oras haraught talaga! Hahaha don't worry mauntog lang ang napaka ganda kong ulo, gagawin ko talaga yan.
Pabalik na sana ako sa aking sinisintang upuan ng biglang may nakita akong hindi kaaya-ayang pangyayari !nakita ko si Math, si Math na kinakausap ang nag-iisa kong kaibigan! sinugod ko agad sya tapos sinapak. Pero syempre imagination lang ng napaka exagge kong utka yun, umupo lang agad ako dun sa upuan ko tas natigil na sila sa pag-uusap, oh diba? So easy darlin'
●poke● ●poke●poke●
"Best, kain na tayo, dali nagugutom na talaga ako e " labasan na pala? Ang bilis naman, ayoko pa lumabas andito pa si Sir
"RHIAN MAX SANTIAGO !" OH MY GOODNESS ! Yung eardrums ko! Muntik pa kong mahulog sa kinauupuan ko, tapos pati si Sir napatingin samen nakakahiya, nakakawala ng poise!