RAPE SLAVERY MASSACRE: Chapter 7

10.9K 98 0
                                    

Dhana, nineteen years old. Sales lady din nang naturang mall. Kaibahan lang kay Kathleen ay medyo may pagka gold digger ito. Lahat nang nagiging boyfriend nito'y pera lang habol n'ya! At mautak s'ya kase maintain pa rin nya ang kanyang pagka-virgin. Siyempre may dignity pa rin naman s'ya kahit pa'nu. Nagagawa n'ya lang 'yun dahil sa mga kapatid n'ya na maliliit pa. Walang ibang aashan kundi sarili niya. Ulila na kase sila sa ama at ina.

Ang pinaka-bunso n'yang kapatid ay lalaki, at eight years old pa lang ito, samantalang ang sumunod sa kanya'y dose anyos pa lang.

Ito ang naiiwan sa bahay nilang barong-barong na nagaalaga sa kapatid. Nairaraos naman n'ya ang pang-araw araw na pagkain sa tulong nang mga raket at iba pang sideline n'ya.

'' Babe, sunduin kita dito ha?! '' si Ryan ang latest boyfriend n'ya.

Ito lang 'ata ang tumagal sa mga naging karelasyon niya. In fact medyo mahal na nga n'ya ito. At parang gan'un din ito sa kanya. Mayaman ito at may mga negosyo. Naging costumer n'ya ito minsang bumili sa stall nang pwesto n'ya.

'' OK, Babe! wait kita. Pero daan muna tayo sa bahay baka walang makain mga kapatid ko eh... '' ani Dhana dito.

'' Sige, basta ikaw malakas ka s'kin. '' kinindatan pa nito ang dalaga at lumakad na din pagkatapos.

Tanging tanaw nalang ang ginawa ni Dhana sa katipan.

Alas otso na ng gabi'y wala pa ito, hindi din n'ya makontak. Niligpit na n'ya ang mga display at naghanda na para umuwi. Dumaan muna s'ya sa isang mumurahing karinderya at bumili nang pagkain para sa mga kapatid. Bumili nalang s'ya nang tinapay para sa kanya at softdrinks nang makatipid.

Umupo muna s'ya sa waiting shed d'un sa intayan talaga ng mga pasahero. Marami pa n'ung dumadaang tricycle pauwi sa baranggay nila. Kaya lang hinihintay talaga n'ya ang katipan dahil nangako itong susunduin s'ya dahil may dinner date sila nito. Lumipas ang mga sandali'y ni anino ni Ryan ay 'di man lang n'ya nakikita. Tinawagan ulit n'ya ito pero walang sumasagot at ring lang nang ring. Malamig na din ang ulam na binili n'ya para sa mga kapatid.

Pag tingin pa n'ya sa oras nang celphone n'ya'y empunto alas nuebe na nang gabi, madalang na din ang mga tao sa paligid. Mabibilang na lang ito sa daliri at ang masaklap pa mukhang nagkawalaan na din ang tricylcle na tanging sasakyan pauwi sa kanila. Ayaw pa naman n'ya maglakad mag-isa sa kalyeng madilim na madadaanan pauwi.

Tinawagan n'ya ulit ang katipan ngunit babae na ang sumagot, at mukhang galing lang sa pakikipag romansahan nito sa lalaking may ari nang celphone.

Nagpupuyos ang galit ni Dhana nang malaman na busy pala ito sa iba, at sya'y pinag mukha lang tanga sa kakaantay dito. Pinatayan n'ya na agad ang babae nang cellphone saka nagsimula nang lumakad pauwi sa kanila, kahit na s'ya na lamang mag-isa, nawala ang takot n'ya at napalitan 'yun nang matinding galit para sa katipan.

'' Humanda ka s'kin bukas, Ryan! 'wag na wag mo na ako matawag-tawag na babe! walangya ka, pinaglololoko mo lang pala ako, 'yun pala ang gusto mo, eh 'di sige! Maglokohan nalang tayong dalawa! Akala ko iba ka sa kanila, pero gan'un ka rin pala, manloloko! Bwiset! '' sigaw pa ni Dhana sa daan habang kausap ang sarili. Hindi maipinta ang anyo nito dahil sa nararamdamang galit sa katipan..

Itutuloy. . .

RAPE SLAVERY MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon