RAPE SLAVERY MASSACRE: Chapter 1

19K 161 3
                                    

Kathleen, twenty years old, dalaga, at residente nang branggay Nueva Zone 51.

Maputi, mahaba ang buhok nitong hanggang beywang. May katangusan din ang ilong na animo'y may lahing foreigner ang mga magulang. Maraming nanliligaw dito, ngunit deadma lang niya ang mga ito, katwiran nya'y, '' Maglaway na kayo kakatingin, ngunit kahit kaylan ay 'di n'yo ako maaangkin. ''

Mataas ang pangarap n'ya sa kanyang sarili at pangako din n'yang iaahon sa kahirapan ang kanyang ina, pagtanaw nang utang na loob dito at pagmamahal na din dahil nag-iisa na itong kapamilya n'ya.

'' Kathleen, wag kang magpapagabi nang uwi galing sa trabaho mo, ha...! '' Ang nanay n'ya na naghahanda nang almusal sa mesa.

'' At bakit naman nay' sayang ang overtime payment , malaking savings ko na 'yun.''

''Wag ka nang umangal d'yan, Kathleen ha...! Hindi mo ba nababalitaan ang sunod-sunod na patayan dito na nangyayari, at ang binibiktima pa ay mga kadalagahan. Kaya kung ayaw mo matulad sa kanila, sundin mo ako, kung pwede nga lang patigilin na kita d'yan sa trabaho mong 'yan... ako ang labis na nababahala sayo, anak eh! ''

'' Nay! Naman, sumasakay naman ako nang tricycle pag pauwi, at marami naman ako lagi kasabay, kaya 'wag po kayo mabahala s'kin, kaya ko po ang sarili ko, basta kayo po ang mag-ingat dito. Oh pa'nu 'nay, alis na rin po ako, malapit nang mag alas otso eh, baka ma-late pa ko, bawas sweldo pa ,sayang din... ''

''O, hala, Kathleen , basta 'yung bilin ko sa'yo. ''

'' Ok po 'nay! Mwahhh, paalam! '' Tumalikod na din ito sa inay niya para lumakad papunta sa Robison Mall na pinagtatrabahuhan nito.

Maghapon. . . .

'' Kathleen, napatawag ka ni Mam Loisa, may ipapa-enventory daw sa'yong mga stock, mauna na kaming umuwi ha ! '' ani Glaiza kay Kathleen, katrabaho n'ya ito. Tumingin muna s'ya sa pambisig na relo nya, '' Tsk! tsk! quarter to seven na! ano ba 'to si Mam, 'di pa sinabi kanina! ''

'' Sige, Glaiza sayang 'di tayo nagsabay, ingat kayo. '' ani Kathleen sa mga kasamahan na palabas na nang Exit door. Kumaway lang ang mga ito sa kanya at tuluyan nang umalis.

~ ~

Ivan, twenty three years old. Roj, nineteen years old, at Jonel twenty years old, mga parehong anak mayaman. Edukado ang mga hitsura at gwapo pero mas gusto nila ng thrill. Lahat nang luho ng mga ito'y nasusunod. Nasa tambayan silang billiard hall nang mga sandaling 'yun, pasado alas nuebe na din nang gabi, at tulad nang madalas nilang gawin. Maghahanap na naman sila nang mapapagparausan nila nang kanilang mga init sa katawan, kasabay na din ang trip nilang pag sasalvage sa mga biktima matapos gahasain at pagsawaan.

Itutuloy....

RAPE SLAVERY MASSACRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon