Everything is not under control. Everything is wreck. Everything is not okay. And everything is not the same anymore. Like how you love, care and trust.
8:45 na ng gabi at nandito sya para kausapin ako, para magkausap kami. Kahit sa dilim ay alam kong napakaganda nya. Ilang minuto kami naging tahimik at nakatitig lng sa kawalan ng ako na ang unang bumasag sa katahimikan.
"Ano? Maaayos pa ba?" I asked my girlfriend
Hindi sya nakapagsalita at tumingin lng sakin. Ngunit ilang segundo lng ay agad din itong nagiwas ng tingin.
"Bakit hindi ka makasagot? Anong gusto mong mangyari ngayon, Sam?" tanong ko ulit
Sa pagkakataon na 'to ay alam kong naglakas loob na sya upang mailabas ang nararamdaman nya. Tinignan nya ako at mapait na napangiti.
"Tatanggapin mo ba kung anong magiging desisyon ko, Jay?" tanong nya pabalik
"Kung saan ka sasaya, kung magiging maayos ka sa desisyon mo, Sam, papayag ako." agad kong sagot
Napayuko sya at bumuntong hininga bago bumalik ang tingin sakin at nagsalita.
"Jay, maghiwalay na tayo. Itigil na natin 'to."
"Tangina" agad kong sagot "Sam, tanginang desisyon yan." mahinahon ko paring sabi
Bumuntong hininga lng sya at alam kong nagpipigil sya ng iyak, yan pa. Kilalang kilala ko na yan eh, napakaiyakin nyan. Masungit pag gutom, mataas pride, malambing, at higit sa lahat bobo magdesisyon. Si Sam na marupok, na mahilig mang away, at higit sa lahat palaging nag hahanap ng pagkain.
Bumalik kami sa pagiging tahimik ng bigla syang tumayo at nagpaalam na aalis na.
"Babalik na ko dun." ang tinutukoy ay sa may basketball court.
Naglalaro kasi yung tito nya dun. Kaya sya andito hindi para manood kundi para magkausap kami.
"Wag kang bumalik duon." pagpigil ko ngunit dumiretso parin sya sa pagalis "Isa." pagbilang ko pa ngunit talagang tinalikuran nya ko at umalis na.
Ibinalita ko 'to sa mga kaibigan ko at cinongrats nila ako. Ito na yung pangalawang beses na nagkahiwalay kami. She said she was confuse by her feelings rn. Dahil may nagchat sa isa sa mga kaibigan ko na babae at gf nya daw.
Kinausap ko yung babae at tinanong kung anong problema nya dahil ako ang bf nito. Kinausap ko din si Sam at sinabing layuan nya ito. Sinabi nyang nilayuan na nya ito isang linggo na ang nakakalipas ngunit ngayon ay ito na ang nangyari.
Sinabi nyang nagbago na ang pagmamahal nya at hindi na ito katulad ng dati. Sinabi nya ring sinubukan nya kong mahalin kagaya ng dati ngunit hindi nya kaya dahil nagkagusto na sya sa iba, sa babae.
Sa isang buwan naming pagkakahiwalay nuon ay hindi ko alam na ganito ang kararatingan ng kwentong inumpisahan namin. Ang kwentong unang paksa pa lamang ay alam na naming palagi kaming magaaway ngunit palagi naming aayusin. Pero lahat ng yun ay naglaho.
Hindi ako umiyak, hinayaan ko lng sya dahil kung ano ang ikakasaya at ikabubuti nya ay yun nlng din ang pipiliin ko.
Napatigil ako sa pagtitig sa kawalan ng tumunog ang cellphone ko na mayroong nagchat.
*convo*
Sam: thank you
sa lahat.
and sorry din, sa lahat lahat Jay.
:You're welcome, always
Sam: Pwede ba akong bumalik dyan?
pwede ba kitang yakapin? I also
wanted to say thank you and sorry
personally.
:Sge lng.Ilang minuto pa ay nakabalik na ito at agad akong niyakap. Nagthank you sya habang gumagaral ang boses at halatang aling segundo lang ay iiyak na ito.
"Thank you, thank you sa lahat at sorry. Sorry kung hindi agad sinabi sayo, sorry kung nagtago ako. Alam kong hindi ko na maibabalik yun pero sorry. Sorry kung naconfuse ako sa feelings ko. Sinubukan kong pilitin ibalik yung pagmamahal ko sayo. Yung pagmamahal ko ng buong buo kagaya ng dati para sayo pero hindi ko na maibalik" umiiyak sya habang sinasabi iyon
YOU ARE READING
Imaginary Limits (Oneshot)
Short StoryHi guys!! This is a one shot collection stories. Yung mga gagawin kong kwento dito ay galing sa imagination ko o sa panaginip ko so sana kahit one shot story lng walang gumaya tutal di rin naman ako ganon kagaling. Salamat sa suporta at Mahal ko kay...