School Trip

104 10 3
                                    

"Meissa, sabi ni ma'am dun ka daw sa likod umupo kasama nung crush mo tsaka crush nung crush mo. Makikithird wheel ka daw don HAHAHAHA." tumatawang sabi ni Jonah

"Huwag mo kong kausapin, umagang umaga nambubwisit ka. Tsaka anong crush? Sinong crush ko huh?!" pikon kong sagot

"Ay hindi mo na crush si Kaiden? Yung pogi?" takang tanong nya "Eh diba magkaholding hands lng kayo kahapon tapos biglang dumating yung crush nya kaya pinagpalit ka? Playboy amp." dagdag nya pa

Hi I'm Meissa Io Reyes, 17 years old, taga Camiling at nag aaral sa MNHS. Ang alam ng lahat ay crush ko si Kaiden James Cerilo. But none of them know that I have a boyfriend na taga Tarlac City. At dito sya nag aaral sa public school kahit na mayaman sila. Grade 11 sya at Grade 10 naman ako. We keep our relationship private dahil alam nyang baka mabully ako ng mga schoolmates namin na nagkakagusto sakinya.

Who wouldn't like him? Mayaman nga pero nagtatrabaho padin, gwapo, matalino, religious, magaling mag luto, loyal at higit sa lahat marespeto. Sobrang caring nya din sa ibang tao but he is not too friendly. Apat lng ang mga kaibigan nya at taga dun lng sa village nila. Meron man dito pero hindi ganon kaclose kagaya nung mga nasa village nila.

Ngayon, pupunta kami sa SM Tarlac para manood ng history movie. Hindi kasama si Haru dahil may inaasikaso sya sa bahay nila.

"Hoy tulala ka" biglang tapik sakin ni Jonah ang bestfriend ko "Tara na daw, dun ka sa likod huh! Tabi kayo ni bebe Kaiden mo ahihihi" dagdag pa nito

"Tss, hindi ko nmn sya gusto. Kailangan lng talaga na magkaroon ako ng crush para hindi ako lapit ng lapit sa jowa ko at hindi mabuking ang sikreto namin" bulong ko

"Hoy gaga, anong binubulong bulong mo dyan? Kinukulam mo ba ko dahil sa sinabi ko? Hoy gagi joke lng, wag ka namang mang kulam. Mukha na nga kong nakulam, kukulamin mo pa ko" sabi nito habang nakanguso

"Wala, hindi naman ako mang gagamod para kulamin ka" inis kong asik

"Psst, hi Meissa" biglang ani ng isang tinig sa likod ko

Agad akong humarap sa likuran ko at nakita si Kaiden at Mika na magkahawak kamay. Nagkunwari akong nagseselos at umirap nlng bago umakyat sa bus. Pagka akyat ko ay agad akong umupo sa pangatlong upuan sa pinakalikod at isinalpak ang earpuds ko para makinig ng music. Unluckily, tumabi sakin si Kaiden at inakbayan ako.

Inirapan naman ako nung crush nyang napaka kapal ng mukha- este make up. Panay ang sigaw ni Jonah sa kilig ng makita kami ni Kaiden.

Kung alam mo lng talaga dzai. Paniguradong sasapakin 'to ng bebe ko.

Hinayaan ko nlng sya sa pag akbay nya dahil wala rin naman akong pakealam sakanya. Well, hindi naman ako magsisinungaling, may itchura naman si Kaiden at madami ding nagkakagusto sakanya. Hindi nga lng kagaya ni Haru.

"Ganon na ba ko kagwapo at natutulala ka?" nakangising sabi ni Kaiden

Ang kapal ng kalyo sa mukha mo.

"Pwede bang huwag mo kong kausapin?" pikon ang tonong sambit ko

"Feisty huh, sandal ka sa balikat ko kung gusto mong matulog"

Medyo naging uto uto ako sa sinabi nya dahil inaantok din ako. Sasandal na sana ako ng hilain sya nung crush nya at crush din sya. Anlandi ng gago eh, nakipag holding hands saken eh bat di nlng sila magjowa kung gusto naman nila isa't isa? Damay pa nila buhay ko.

Lumipat sa likod si Kaiden at isinandal nya ang ulo ni Mika sa balikat nya. Akala naman nila nagseselos ako noeh, like duzh! Sana makasalubong namin sila tita o kaya tito mamaya, gusto ko puntahan si Haru sa bahay nila.

Imaginary Limits (Oneshot)Where stories live. Discover now