Chapter 1

285 9 2
                                    

*11 Years Later*

 

“Oh ano? Ready na ba kayo?”

5

.

4

.

3

.

2

.

1

.

[Mask On]

 

-==DANIEL’s POV==-

 

 

“HOLD UP ‘TO!! MAGSIDAPA KAYONG LAHAT!!!”

Ako nga pala si Daniel Francisco, labin-limang taong gulang. Bata pa lamang ako nang patayin ang mga magulang ko. Simula noon, si Uncle Tom na ang nagsilbing ama ko at siya ang nagturo sa’kin kung paano lumaban sa mundong puno ng karahasan.

“Huwag niyo po akong saktan. Maawa na po kayo!!” pagmamakaawa nang babae.

Pinalaki niya ako kasama ang mga intinuring kong tunay na mga kapatid, mga bata na biktima din ng karahasan ng mundong ‘to.

“Oh miss, ‘wag kang matakot. Ibigay mo lang ng maayos ang pera at promise ‘di ka masasaktan.” Sabay halik sa kamay ng babae.

Siya si Mathew John Fernandez, oh mas kilala ng buong mundo sa pangalang NUMBER 3. Siya ang chickboy ng grupo. Patayin na ang lahat ‘wag lang yung mga babaeng mapuputi at makikinis ang legs.

“Gusto mo bang pasabugin ko ang bungo niyo ng babaeng yan? Tang Ina umayos ka nga number 3!!”

 

Matapang, palaban at walang inaatrasan. Siya si Nathalie Cordero, ang hot chick ng grupo at ang palaging kabangayan ni Mat-mat. Kilala siya bilang si NUMBER 2.

“Kung may plano kayong magpahuli, pwes ako wala!! Bilisan niyo na diyan!!”

At siya naman si Gerald Gustillo, ang eldest sa’min magkakapatid at ang team captain ng grupo. Siya ang kinatatakutang si NUMBER 1.

“Chill lang number 1. Eto na nga oh!! Thank you for your cooperation miss ganda!” at humalik ulit sa kamay ng babae.

“Ok na ba ang lahat?” tanong ni number 1.

“Ok na.” sagot ko.

Niradyohan na ni number one si number 4.

“Number 4, we’re ready to go!”

 

“Walang tatayo hangga’t wala kaming sinasabi. Pag may tumayo, BANG! Sabog ang bungo.” Warning ni number 2 sa mga tao.

 

Tumigil ang taxi sa harap ng bangko.

 

“Tara na guys!! Let’s go shoppin’!!!”

 

Ang pinakabunso sa amin, si Ma. Andrea Ortega. Ang Sossy driver ng grupo. Sobrang sweet, caring, loving at certified UYAB! Siya yung tipong ayaw mong samahan sa mall. Siya si NUMBER 4 ng grupo.

Dali-dali na kaming sumakay.

Syempre kasama ang pera.

“Naputol niyo ba ang linya ng telepono at ang alarm?” tanong ni number 1.

“Nagawa ko na. Tara na!” sagot ko.

At syempre ako si Number 5,  ang all-around man ng grupo.

At kami ang sikat na sikat na.

.

.

.

.

\m/ 5 MASKED THIEVES \m/

 

Papalag ka?! xD

Shoot to Kill Daniel [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon