Chapter 1a

220 9 1
                                    

-==KINABUKASAN==-

“Gising na! May mga pasok pa kayo.”

Haist. Lunes na naman!

Nakakatamad mag-aral noh?

Nakakatamad talaga!!

“Uy, Daniel bilisan mo! Papagalitan ka naman ni Ms. Dela Cruz pag na late ka!” pang gigising ni mat.

Nga pala. Si Mat, Nat at ako classmates kami. Pareho kasi kaming nasa 3rd year high na. Si kuya Gerald 4th year at 1st year naman si bunsoy.

Iisang school lang kaming lahat.

Nagmadali akong naligo at nagbihis pero as usual, na late pa din kami.

Pasimple kaming pumasok sa classroom.

 

“Mr. Francisco, Mr. Fernandez at Ms. Cordero, late yata kayo?!” paninita ni Ms. Dela Cruz

LAGOT!

“Sorry Ma’am, na puyat po kasi ako sa kaka-aral kagabi. Di na po mauulit.” Pagrarason ni Nat-nat.

 

“Ako din po Ma’am. Sorry!” sabi din ni Mat-mat.

Seryoso kayo?

Na puyat kayo kaka-aral? WOW! XD

Di na ako nag rason at tumayo sa harap.

“Pst. Uy, Daniel anong ginagawa mo diyan?” tanong ni mat.

“Akala mo ba maniniwala si Ma’am sa inyo? Tatayo na naman tayo dito ng kalahating oras!!” Natatawang sagot ko.

Sanay na kaya akong malate kaya alam na alam ko na ang gagawin ko. xD

“Hahaha! Very good Mr. Francsisco! O kayong dalawa jan? ano pang hinihintay niyo? Samahan niyo na ang kaibigan niyo dito!” sabi ni Ma’am.

“Argh. Dinamay mo pa kami!” naiinas na sabi ni Nat.

Nakahelera kaming tatlo sa harap at pinagtitinginan ng mga kaklase.

“Uy, nakatingin sakin si Samantha oh! Type niya siguro ako.” pabulong na sabi ni Mat.

Si Samantha F. dela Fuente, mayaman, matalino, maganda at SEXY! Siya ang top 1 ng klase.

“Sa’kin kaya nakatingin. Tingnan mo, deretso ang mata sakin! Ini x-ray na siguro niya ang mga muscles at abs ko!” pabulong kong sagot.

Parehong crush namin siya ni Mat-mat kaso lang, pareho niya din kaming kinasusuklaman. Pano kasi, kapag dumidiskarte kami sakanya eh palagi nalang palpak.

“Anong binubulong-bulong niyo diyan?!” galit na tanong ni Ma’am.

“Ah wala po Ma’am.” ^_^ Sagot ko.

Biglang hinampas ni Ma’am ang white board tapos nagtaas ng boses.

“Wag niyo nga akong pinagloloko! Mr. Fernandez, ano ang ibinulong sa’yo ni Mr. Francisco?!”

Waaaaahhhhh!! LAGOT NA!!

Mga tigasing hold upper man kami, sikat man kami sa buong mundo,

Kapag si Ms. Dela Cruz ang kaharap namin,

TITIKLOP AT TITIKLOP PA RIN KAMI.

“Baka daw po ini x-ray na ni Samantha ang muscles at abs niya kasi nakatignin daw po sakanya!” takot na sagot ni mat.

O__O

Gulat na gulat si Samantha matapos niya marinig ang sinabi ni Mat.

“Ah.. ganun pala! Ms. Dela Fuente, ano naman ang masasabi mo sa narinig mo? Hahaha!”

Nakakabadtrip talaga ang teacher na ‘to!!

“Daniel, sorry talaga ha!! Kung bala siguro, sasanggain ko pa para sa’yo, pero kung si Ma’am Dela Cruz, tiklop talaga ako eh!! Sorry!!” pabulong na sabi ni Mat.

Wew!!

“Daniel my pick-up line ako sa’yo.” Sabi ni Samantha.

Magpipick-up line?

Sabi ko na nga ba may gusto din siya sa’kin! xD

“Ano yun?” xD sagot ko.

Tumayo siya sa upu-an niya tapos…

“Kuto ka ba?”

 

Nyahehehe!!

“Bakit?” xD

.

.

.

“Gusto kasi kitang tirisin”

O__O

Tapos sinugod na niya ako!!

“Sam, tama na!” sigawan ng mga kaklase ko habang pinipigilan siya.

“Bitiwan niyo ako!!!” :@ umuusok talaga siya sa galit!

“Hawakan niyo siya ng mabuti!! Waah! Ma’am Dela Cruz pigilan mo naman siya!!!”

 

Grabe naman ‘to.

Lunes na lunes, 1st subject pa lang away na. T_T

Shoot to Kill Daniel [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon