Nagsasagot ako ng assignment ng marinig kong tinatawag ako ni mama, lumapit ako rito at tinanong kung bakit, inutusan niya ako na kuhanin ang timba sa rooftop dahil naiwan niya ito sa roon nung nagsampay siya na damit. Nag-aalangan pa ako kasi nakakatakot sa rooftop dahil madilim dun pero sumunod na lamang ako.Umakyat na ako papuntang rooftop at nakita ko pa ang tito ko na nakatambay sa rooftop, mukha itong may kinakausap.
Nakampante ako kasi may kasama ako rito sa rooftop. Nararamdam ko ang pagtama ng malamig na hangin sa akin dahilan upang magsitaasan ang balahibo ko.
ipinalibot ko ang tingin sa paligid at wala na akong nakitang iba pang tao. Napahinga na lamang ako ng malalim saka hinanap ang timba na tinutukoy ni mama.
Nahanap ko ito malapit sa drum ng kukunin ko na ito ay may nahagip ang paningin ko na may dumaan na mga paa, dahil sa nakayuko ako ay Hindi ko na nakita kung sino ito. Nagkibit balikat na lamang ako at inisip na baka Hindi ko lang siya nakita kanina. Kinuha ko na ang timba at umalis na pero bago yun, tinanong ko muna si Tito kung sino yung tao na umalis kani-kanina lang. Taka naman akong tinignan ni tito at nagulat naman ako sa sinagot nito sa akin.
"Kanina pa ako rito, maliban sa sa'ting dalawa, wala ng iba pang tao rito."