Kaunti na lang ang aking lilinisin at malapit na akong matapos at makakauwi na rin ako. Iniwan kami ng iba kong kagrupo at isa lang ang nagpaiwan para tulungan ako maglinis.Inayos na namin ang dapat ayusin at nag-ayos na sa paguwi.
Kinuha na namin ang aming mga bag at saka lumabas na at sinarado ang pintuan.
Naglakad na kami paalis. Malapit na sana kami sa hagdanan ng makarinig akong tumatawag sa akin mula sa third floor.
"Kia!" Tawag nito.
Napabaling ako sa kasama ko at tinanong ito kung narinig iyon ngunit umiling siya sakin at sinabing wala itong narinig.
Napailing na lang ako at Hindi na lamang pinansin iyong kanina pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ay may narinig muli akong tawag sa akin.
"Kia! "
Alam kong may tumatawag talaga sa akin e. Napatingin naman ako kay faye na para ba itong walang narinig.
Narinig ko na naman ang tumawag sa akin. "Kia!"
Napahinga ako ng malalim saka sinabi sa kasama ko na hinatayin niya na lamang ako sa baba at may pupuntahan ako. Umakyat na ako sa pinag-gagalingan ng boses na tumatawag sa akin.
Naririnig ko pa rin ang pagtawag nito ng "kia" Narinig ko iyon sa may bandang pinaka unang Classroom. Agad ko namang pinuntahan ito.
Nasa bintana pa lamang ako ay may naaaninag na ako na isang bulto ng Babae, kaagad ay lumapit ako sa pintuan at binuksan ito, hinanap ko agad nag switch sa gilid ng pintuan, pero nagulat ako ng makita ko kung nasaan ang pwesto ng babae na tumutawag sa pangalan ko.

YOU ARE READING
Compilations Of Stories
Short StoryKaramihan sa story ko na nakapost dito activity ko lang sa school. Sayang naman kung mawawala di ba? hehehe Anyways unedited po iyan so if you found some grammatically incorrect and typographical then sorry agad. Lovelots -Riri Highest rank# 1 - D...