"Mira aalis ako, yung bilin ko sa'yo gawin mo,” ani nito habang nakatingin sa full-length mirror at inaayos ang sarili.
"Ma, anong oras na oh. Saan ka ba pupunta? Gabi na e, may date ka 'no?" Inirapan lang ako nito.
"Loka! Wala akong ka-date! May gala lang ako, yung bilin ko yung intindihin mo. Oh siya alis na ako. Mamaya pa ako uuwi." Ani nito saka lumabas na ng bahay.
Galing talaga magpaalam ni mama. Napa-iling na lang ako. Tumayo na lamang ako mula sa pagkakaupo sa sofa at pinatay ang ilaw sa Sala at dumiretso na sa kuwarto ko.
Wala naman akong gagawin dun e, saka mamaya pa naman uuwi si mama.
Ilang minuto akong nakahiga sa kama ng marinig ko ang kalabog ng pinto sa sala.
Sino 'yon?! Baka si mama?? Pero kaka-alis niya lang kanina. Baka magnanakaw!
Mabilis pa sa alas kwatro ng umalis ako sa kama at lumabas sa kwatro.
Napahinto ako ng madatnang anino malapit sa pinto, kamukha nito ang pigura.
Ang bilis naman nito umuwi.
"Mama!"
Tawag ko rito ngunit di ako nito pinansin.
Nakatayo lamang siya roon.
Lakas amats ni mama a.
Nagkibit balikat na lang ako, bala na siya diyan.
Hinayaan ko na lang siya diyan at bumalik sa kwarto.
Ilang minuto muli ang nakalipas, hindi ko na muli narinig ang pinto o ingay sa sala. Hindi na siya umalis?
Dahil sa kaka-isip ko, napa-igtad ako sa gulat ng tumawag ang cellphone ko. Phone number 'to ni mama ah.
Di ko alam kung anong nangyayari sakin pero nagtaasan na lang bigla ang balahibo ko.
Kahit na ganon ay sinagot ko parin ang tawag. "H-Hello?”
"Mira, i-lock mo ng mabuti 'yang pinto at bintana natin, baka bukas na ako umuwi."
"Bukas? A-Akala ko bumalik ka dito ah," Ma utal-utal kong saad.
"Pinagsasabi mo? Kakarating ko pa nga lang dito e, oh siya i-lock mo ang pinto diyan." Para akong naubusan ng dugo sa narinig.
Hindi pa siya bumalik dito? Mula kanina?!
Pero sino yung nakita ko sa sala??