KABANATA 1: Ang Pagdating ng Hindi Inaasahang Usapin

20 4 0
                                    

EVIE SAVYLLA VILLANUEVA (YLLA)


Noong aking kabataan ay hindi kailanman sumagi sa aking isipan na maging isang software engineer. Tulad ng iba ay ninais ko ring maging astronaut, architect, engineer, actress, doctor, at iba pa. Ngunit, tila itinakda na talaga akong magtapos sa college ng kursong Bachelor of Science in Computer Science. Pumapasok sa isang technology company at nagtatrabaho nang may kinalaman sa mga computer.

"Good morning." Kaliwat-kanan na batian ng mga empleyado kahit pa may kaniya-kaniyang pinagkakaabalahang trabaho.

Nakangiti ako habang naglalakad patungo sa office table ko.

Sobrang aliwalas ng panahon, tila ay magiging maganda ang araw ko ngayon!

Nang maka-upo ako sa upuan ko ay biglang napasigaw ng may kalakasan ang isang kasamahan ko, si Janella. Gustuhin ko mang silipin siya ay hindi ko maaaring gawin dahil narito rin ang mahigpit naming team leader.

"What's the problem, Ms. Alonso?" Lumapit ito sa kaniya kung kaya't dahan-dahan ko ring iginalaw ang ulo ko na animoy nakikiusyusyo pa.

Binuksan ko ang computer at laptop ko habang bahagyang nakikinig sa kanilang dalawa sa aking gilid.

"Biglaang nag-error ang computer, Mr. Caminero. Then, it shut down." Bahagyang kumunot ang noo ni Janella habang binibigkas ang mga salitang iyon.

Eh? Baka bug lang 'yan. Nagshut-down? Hindi naman ata bago iyon.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.

"Our computers are well-cared, how come?" Inusisa ni Mr. Caminero ang computer ni Janella. Wala naman siyang mahitang problema sa mga hardware nito.

Hindi na lamang ako sobrang naki-usyuso dahil marami rin pala akong dapat na gawin. Ngayon lang ako personal na pumasok sa kompanya dahil may urgent na proyekto. Kadalasan ay sa bahay lamang ako gumagawa.

'Hays, naho-homesick na agad ako.'

I yawned.

Napagdesisyunan na lamang nila na pagpahingahin muna ito, kung hindi pa muling magagamit ay kukuha na lamang sila ng bago.

Mindset na talaga kapag ayaw na, simple lang, kumuha ka ng bago.

Napawi ang ngiting kanina ko pa sinusuot.

Wala naman tayong magagawa, alangan naman ay hintayin nating mahuli na tayo bago kumuha ng bago. Kung masisira ang isang computer, kukuha na lamang ng bago. Mas madali pa, lalo na sa tulong ng mga teknolohiya.

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko, napapaisip, sapagkat ang ganoong pangyayari ay bibihira lamang lalo na at ang kompanyang ito ang may pinakamagagandang klase ng teknolohiya rito sa bansa.

***

"Evie, ang kakaiba noong nangyari kanina." bulong ni Janella habang break namin ngayon.

Napalingon ako sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa tabi ng window glass dito sa office floor namin.

"Bakit?" pagtanong ko sa kaniya.

"Kasi before siya mag-shutdown, may naaninag ako sa screen. Hindi nga lang ako sigurado kung ano 'yon." sagot niya sa akin bago ilipat ang paningin sa bintana.

"Baka marahil ay namamalikmata ka lang, o kaya ay bug lang." aking sagot sa kanya.

Napapailing siya habang nakakunot ng bahagya ang noo.

"H-Hindi, e. I think may nakita talaga ako", pagpipilit niya bago kumagat sa kinakain niyang burger.

"Baka gutom lang 'yun".

Behind the Computer Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon