KABANATA 2: ESTRANGHERO SA GITNA NG GABI

17 2 4
                                    

EVIE SAVYLLA VILLANUEVA (YLLA)

Kinabukasan...

Kasalukuyang abala ang bawat isa pagkapasok na pagkapasok ko palang sa building namin. Nang makarating naman ako sa floor, abala pa rin ang lahat.

Napapalingon ako sa kanila hanggang sa makarating ako sa table ko. Nang mailapag ko ang gamit ko, nilingon ko si Janella.

"Good morning, Janella. May rush ba?", malumanay na tanong ko. Nanatiling nakatuon ang paningin ng mga mata niya sa monitor ng computer habang abala sa pagtitipa ang mga daliri.

"Hmm? Ah, wala naman. Siguro, ginaganahan lang silang magtrabaho ngayon. Hahaha!", sagot niya sa akin.

Lumapit sa akin ang isa ko pang kasamahan at may ibinilin na gawain. Tiningnan ko ang mga folder sa table ko at chineck 'yun isa-isa.

"Ganoon ba?", sabi ko habang binubuksan ang computer ko.

"Oo, baka raw kasi magkarush bigla, mas mabuti nang maaga tayo matapos", napalingon ako sa kaniya sa sinabi niyang iyon. Tumahimik ako nang mapagtanto kong kami lang ang nag-uusap at abala ang lahat sa kaniya-kaniyang gawain.

Sinimulan ko nang gawin ang mga kailangan kong gawin. Nagfocus ako sa ginagawa ko para maging maayos ang trabaho ko.

Hindi ko lang namalayan at biglaang nag-hang ang computer. Napatigil ako sa ginagawa ko. Makalipas ang isang segundo, nakita ko na naman ang salitang 'ERROR', bago nagdilim ang monitor.

Akala ko ay sa computer ko lang nangyari iyon pero napalingon ako sa likuran dahil sa pagrereklamo ng apat kong co-workers. Napatigil naman saglit ang lahat at sumilip. Dumating ang head namin at nilapitan isa-isa ang mga computer na nag-shutdown. Napasandal ako sa swivel chair ko't hindi nagsalita. Tumitig ako sa sahig at nakita ko ang repleksyon ko roon sa tiles.

Napahawak si Mr. Caminero sa sentido niya at minasahe iyon ng bahagya. Malaking problema nga ito sapagkat simula nang mamatay ang sistema ng computer, ayaw na nito umandar ulit. Magastos kung paulit-ulit na papalitan ang bawat nasirang computer, dagdag suliranin pa ang katotohanan na hindi pa namin matukoy kung paano iiwasan ito.

'What's happening?'

Napatitig ako sa nakapatay na monitor ng computer, kitang-kita ko roon ang repleksyon ko.

'This is so odd. Wala bang balita sa ibang stations? Ibang branches about this?'

Napabuntong-hininga ako at isinandal ang leeg ko, bakit ang sakit nito ngayon? Tsk.

Madaling lumipas ang oras, ang mga natigil na gawain dahil sa pangyayari kanina ay pinostpone muna. Ngayon naglalakad kaming lahat patungo sa conference room ng department namin.

Sinalubong kami ng malamig na hangin mula sa air-conditioner. Nadatnan naming nakaupo sa dulo ng parihabang mesa si Mr. Caminero habang ang assistant naman niya ay inaayos ang projector.

Biglaan ang pagtitipon na ito, pero sabi ni Mr. Caminero kanina ay hindi na dapat pa itong paghintayin dahil malaking problema ang maidudulot nito sa kompanya kapag hindi namin naagapan. Teknolohiya ang ginagawa ng kompanyang ito, malaking bahagi nito ang tama at magandang takbo ng mga computer systems kung kaya't kinakailangang gawan agad ng aksyon.

Umupo kaming lahat, mga nasa bilang na labin-lima kaming narito ngayon maliban kina Mr. Caminero at sa assistant niya.

"Good afternoon, everyone", tumikhim si Mr. Caminero at tumayo. Tumayo rin kami at nagbigay galang.

"Good afternoon, Sir", sabay-sabay naming pagbabalik ng pagbati.

Nang makaupo ulit kaming lahat ay nagsimula nang magsalita si Mr. Caminero.

Behind the Computer Screen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon