Chapter 26 - One Of Us Is Missing

76 7 3
                                    

Chapter 26 - One Of Us Is Missing





Astrid

"NAHULI na kaninang hapon ang suspek sa pagkamatay ni Juliet Vargas, 33 years old na isang pasyente ng St. Binshire Hospital. Base sa imbestigasyon ng mga pulis ay nagtamo ito ng walong saksak sa dibdib. Kinilala na rin ang may kagagawan ng kahindik-hindik na krimen at ito ay ang dati nitong kinakasamang si Crisostomo Hernandez. Base sa pagsusuri ay wala itong background ng pagiging isang serial killer."

Pinatay ko agad yung cellphone matapos malaman ang kabuuhan ng balita. Nasa loob ako muli ng kwarto ni Wren at ngayo'y kasama ko na si Niki.

Maluwag na ang pakiramdam ko matapos malamang hindi si June ang biktima ng krimen. Subalit hindi pa rin ako mapakali sa kakaisip kung bakit wala siya dito sa loob ng ospital.

Nasaan ba si June?

"Hindi kaya bumalik na siya ng Cebu?" tanong ni Niki.

What Niki said got me thinking the possibilities of her disappearance. First is yung mismong sinabi niya, that she might left to Cebu without a word. Second, she might be hiding for any reason. Third...

Shit wala na akong maisip.

Bakit naman kasi siya magtatago kung pwede naman niya kaming sabihan para matulungan namin siyang umuwi?

What's happening around us is indeed strange and not the ordinary thing that people used to live with. Alam kong magulo na 'tong mundo dahil sa mga problemang hinaharap ng bansang 'to tapos dadagdag pa 'tong sitwasyon namin ngayon.

Nakakapagod na rin kasi.

"O baka, kinuha na siya ng mga magulang niya." dagdag pa ni Niki sa mga haka-haka niya.

Katulad ko ay hindi rin siya mapakali. Nahihilo na nga ako sa pabalik-balik niyang paglakad sa iisang pwesto. Para kaming naghahanap at nahuhula ng maisasagot sa isang napakahirap na bugtong.

"I think let's give her some time, baka gusto lang din niyang mapag-isa after what happened to Hendery." singit bigla ni Wren.

Well, he got some point.

"Wala bang balita sa mga nurse?" dugtong niya.

"Tinanong ko yung mga naka assign sa ICU pero they refused to give me an answer." I replied. "Kaya kinabahan na ako nung narinig kong may nangyari and thought that it was her."

Wren stood up and managed his way to open the door for us. Nararamdaman ko ng gusto na niya ulit mapag-isa.

"Let's just call it a day, subukan niyo nalang siyang i-contact and in case you'll hear something from her, i-update niyo nalang din ako."

I glanced at Niki and both our eyes agreed from his request.

⚜️⚜️⚜️

Saktong paglabas namin ni Niki ng ospital ay saglit akong nahinto nang mahagip ng mga mata ko si Keziah. She's wearing a facemask pero sigurado akong siya 'yon dahil sa singkit niyang mga mata. I bet she didn't notice us dahil parang nagmamadali rin siya.

"Oh sino na naman 'ya— teka, si Keziah ba 'yon?"

Kagaya ko ay nakilala rin siya ni Niki. Sa dami ng iniisip ko ngayon ay tila ubos na ang mga salitang nais kong ilabas kaya tanging ang walang kasiguraduhang mga titig na lamang kay Niki ang naibigay kong sagot sa kanya.

⚜️⚜️⚜️

Wren

Nang makaalis na sina Astrid at Niki ay isang nurse ang pumasok who eventually left after checking me up.

SuspectsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon