BS chapter 1

5.4K 162 18
                                    

"5:30 am" - basa ko sa oras ng tumunog ang cellphone ko, indikasyon na oras na para bumangon ako.

Tinatamad man ay napilitan narin akong bumangon dahil kelangan kong pang mag handa para sa pag pasok, ngayun kase ang unang araw ko sa pag pasok bilang kolehiyo, kelangan kong pumunta dun ng maaga dahil kukunin ko pa sa admin ang uniform at registration form ko.

"Ayyy!, ang sakit ng katawan kooo!" daing ko habang nag inat inat.

Bumangon ako at inayos muna ang nagulo kong kama bago ako dumiretso sa banyo para maligo. Right after finishing my rituals ay lumabas na ko ng kwarto, sinigurado ko munang wala na kong naiwang gamit sa loob bago ko ito tuluyang nilisan.

Bit bit ang bag, dumiretso ako sa kusina para mag luto ng agahan, mabuti nalang talaga at may isang linggo akong supply ng pag kain sa rep, hindi na hassle para sakin ang lumabas pa ng bahay para lang bumili ng pagkain.

Hindi ako sanay kumain ng may ingay pero dahil kelangan kong makita ang oras, at malaman kung anong latest sa balita ngayun ay napilitan narin ako mag bukas ng T.V.

Ala sais na ng makita ko ang oras kaya nagmadali na ako sa pag kain, di ko na naintindihan kung anong nangyayari sa balita. Basta dirediretso lang ako sa pag subo ng pagkain, 7:30 pa naman ang start ng klase sa Clifford, pero unofficial class pa since unang araw palang naman ng pasukan, pero mas maganda kase makapasok ako ng maaga dahil hindi ko pa kabisado ang pasikot sikot sa loob ng school na yun

Chineck ko muna kung patay na lahat ng appliances bago ko sinara ang pinto at lumabas, pagkalabas ko ng gate nakita ko si nanay puring na nagwawalis ng kanilang bakuran, kaya walang pag aatubiling nilapitan ko ito para batiin.

"Magandang umaga po nay!"- masiglang bati ko sabay kuha ng kamay nito para mag mano.

"Kaawaan ka ng dyos, Cristian' papasok ka na ba?" malumanay nitong tanong sa akin

Kakamot kamot sa ulo ko naman itong sinagot "opo lola, late na nga po ako eh hehe".

Natawa lang ito sa inasta ko "sya sige kang bata ka pumasok kana, mag ingat ka ha!"

"Sige po, salamat!!

******

Halos kinse minuto din ang inabot bago ako nakarating sa clifford, sandaling pinag masdan ko ang kulay gintong gate nito na akala mo'y gate ng isang palasyo sa taas, sa taas nito'y naka tayo ang pangalan ng school.

C L I F F O R D A C A D E M Y

Aminin ko man o hindi, kahit hindi na ito ang unang tungtong ko dito, hindi ko parin mapigilan tanungin ang sarili ko kung totoong dito na ba talaga ako papasok, sobrang ganda kase dito, high tech din ang mga gamit nila, sa gate pa nga lang may machine na kung saan ay kelangan mo lang i tap ang I.D. para ka makapasok. Sa madaling salita, hindi dito basta basta makakapasok ang sino mang outsider galing kung saan.

Nabalik ako sa wisyo ng maalalang may kukunin pa nga pala akong mga gamit, kaya nag mamadaling nag lakad ako palapit ng entrance nito.

Papasok na sana ako ng harangin na naman ako ng guard. "Itong si kuyang guard na to na hindi marunong tumanda ng muka, hinarang din ako nito nung magtake ako ng scholarship exam ko dito e.

"Estudyante ka ba dito!?" - maangas na tanong nito sa akin, kaya sinagot ko rin ito sa maangas na paraan " HINDI!! gwardya din ako dito, sa classroom lang ako naka assign, taga lista ako ng noisy!! -- syempre charot lang yun hahaha, hindi ko to papatulan no.

"Ah- opo kuya" - pilit ang ngiting sagot ko dito. Pero mukang hindi pa ito naniwala, pinasadahan pa kase ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Na animoy kinikilatis kung nag sasabi ba talaga ako ng totoo.

Black Scorpions [BoyxBoy] On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon