BS Chapter 4

16 2 0
                                    

"Kyahh!!!!! ayan na sila!!!

"Taraaaa dalii Ahhhhh!!!

"Omygosh!! girls ang gwapo nila!!

kanya kanyang takbuhan ang mga estudyante patungo sa iisang direksyon "Ahh!! ano ba naman tong mga to, ang iingay!!  turan ko habang pinagmamasdan ang mga ito "aware akong private school to, pero bakit pakiramddam ko nasa palengke ako!? isip ko

''ARAYY!!! daing ko ng banggain ako ng tumatakbong estudyante, nalalag tuloy lahat ng bibit ko. "ano ba naman kase yun, walang ingat!! isa isa kong pinulot ang nalaglag kong gamit sa sahig bago bumalik sa pagkakatayo, akmang lalakad na sana ako nang biglang may pumasok sa isip ko,

"Ano  kayang meron?

"May artista kaya?

"Baka si Coco Martin?

Dahil naintriga ako sa kung sino ang tinutukoy nila, umiba akong nang direksyon at sumunod na rin sa direksyong tinakbuhan nila, sigurado namang ako walang teacher na darating dahil lahat sila siguradong nandun din at nakiki-usyoso.

Nagmakarating ako dun, magulo at maingay na estudyante ang naabutan ko, nai-spotan ko rin ang ilang teachers na nakikipag siksikan din sa magugulong estudyante, ilan naman sa mga ito'y nakatayo lang at nanonood.

"see! tama ang calculations ko?" puri ko sa sarili ko. "tsk! calculation your face!" basag naman sakin ng demonyitong coshie sa  loob ko.

dahil nga gusto kong makita kung nandun nga ba si coco martin, nakipagsiksikan din ako sa mga ito hanggang sa matanaw ko na kung anong nasa gitna, pero laking pagkadismaya ko ng  limang lalaking mga mukang gangster lang ang bumungad sakin, sa tabi ng mga ito nakatigil ang limang nag-aastigang mga sasakyan. " walang coco martin!? angal ko

"ahhh!!! Ayan na... Ang Black Scorpions!!!

"OMG! OMG! Ang gagwapo talaga nila noh !!!

" Akin ka nalang papa Kiefferrr!!!

"Promise papaligayahin kitaaa!!!

"tsk! kaya pala ang gugulo ng mga timawang to."  isip ko habang nililibot ng tingin ang buong paligid.

"i love you!! Papa kevin !!!

"ahhh papa JC!!! Can you be my boyfriend!!

bahagya kong itinulak ang mga ito palayo, hindi naman nila napansin dahil nga siksikan na kami dito.

"Eng shekep naman!! pabebe kong bulong 

binaling ko ulit ang tingin ko sa limang lalaki, nangunot ang noo ko ang mapansin ang isa sa kanila, medyo naiba lang ang getap, pero di ko sya makakalimutan. " si monkey boy?" gulat kong tanong habang pinagmamasdan ito ng maigi.."bukong sa pagiging gago, gangster din pala sya."

''ang popogii talaga nila ano!? " napatingin naman ako sa babaeng nasa unahan ko.

"oo nga girl eh! bagay talaga sa sanila ang pangalan ng gang nila, "BLACK SCORPIONS" masyadong makamandag ang alindog nila, nakakamatay.

"agree ako dyan, nakakamatay talaga, nakakamatay sa kilig!! kyaahhhh!!

At nagtiliian na nga ang mga ito, napaiirap tuloy ako ng wala sa oras, ang aarte naman ng mga tao dito, gusto ko nang umalis dahil wala na akong interest sa mga lalaking iyon pero dahil sobrang sikip ay nahirapan akong maka-alis, narinig ko ang ilang reklamo ng mga babaeng natatapakan ko sa paa, malapit na sana akong makalabas ng matalapid ako sa kung saan at deretsong nadapa, natigil ang ilang malapit sakin at pinag tawanan ako habang may ibang di ako napasin at tuloy parin sa pag tili, atleast bawas yun sa kahihiyang inabot ko, tatayo na sana ako ng may biglang mag abot ng kamay sa harapan ko, napatingin ako sa babaeng estudyante na nakangiting nakatingin sa akin, tinanggap ko ang kamay nito at mabilis na tumayo. 

Black Scorpions [BoyxBoy] On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon