BS Chapter 2

344 28 12
                                    

Natapos ang lahat ng subject namin sa umaga, hindi narin nag sibalik sa mga dati nilang upuan ang mga kaklase ko, mukang okey na sila sa sitting arrangement ni sir Pierce kanina, mabuti narin iyun at, nakakagod din namang mag palipat lipat ng upuan, isa pa okey narin ako sa upo ko dito.

Kasalukuyan ako kumakain sa ilalim ng isang punong mangga sa oval ng school, di to ko napiling nag tanghalian dahil sobrang daming tao sa loob ng canteen kanina, isa pa lahat sila puro order ang mga pagkain, baka bulihin lang ako ng mga iyon pag nakitang sa lunch box ako nakain.

Uy! Ms. beautiful!! Bat mag isa kalang?

Naudlot ako sa pagsubo ng biglang may nagsalita, sa pag kakaalam ko, ako lang ang tao dito.

"Sino yan!?" pasigaw kong tanong pero ilang segundo na ang lumipas ay wala namang sumagot.

Nag palinga linga ako sa paligid para hanapin kung sino man ang nagsalitang iyon, pero puro damo lang ang nakita ko at walang tao, naisip kong baka guni guni ko lamang iyun dala ng gutom, Itutuloy ko na sana ang pag kain ng biglang---

"AY GAGONG UNGGOY!!" 

sigaw ko ng may nalaglag na kung ano sa harapan ko galing sa puno. Nanlalaki ang matang napatingin ako sa lalaking bising busy sa pag papag ng nadumihan nito pantalon.

"Anong~~ unggoy ba to!?" 

Hindi ko napansing nabitawan ko pala ang lunch box ko, kaya tumapon ang lahat kanin at ulam na laman nito sa pants ko.

Nanlumo ako sa panghihinayang, " Sayang !"

"Uy ayos ka lang ?" 

biglang tanong ng lalaki dahilan para mabalik sa kanya ang atensyon ko, nanlisik ang mga mata ko, hindi ko alam pero ramdam ko ang pangangati ng mga kamay ko at parang gusto nitong lumipad sa muka nya.

"Nagulat ba kita huh?" Tanong pa nito na nag pa ngitngit ng mga ngipin ko sa inis.

"Hindi pa ba obvious!! unggoy ka! di mo ba nakita natapon yung pangkain ko dahil sa kagagawan mo, bwisit ka!!

"wow! sorry naman!" tatawa tawang sabi nito habang nakataas pa ang dalawang kamay na animoy sumuko, ang sarap nyang saktan, nakakagigil

Masama ang loob na napatingin ako sa pagkaing nagkalat sa damuhan, sabay nun ang pagkalam ng sikmura ko dahil sa gutom. "Shet! Bwiset! Wala na yung baon ko, Sobrang Gutom na gutom pa naman ako, anong kakainin ko?"

"ahmm~~?

"Ayoko namang bumili sa canteen baka lalo na kong walang kainin sa susunod na mga araw!" 

"BOOM!!

Masama ang tingin na nilingon ko ang lalaki,  "kasalanan ng unggoy nato ang lahat eh, kung nanatili nalang kase sya sa taas ng puno at nanahimik nalang dun, busog na sana ako ngayun, hindi sana ako gutom, hindi ko sana sya gustong ngatngatin ngayun.

"Huy! Ano nang nangyari sayo dyan? - tanong pa ulit ito ng patuloy lang ako sa pagtitig ng masama sa kanya, "pinapatay ka sa isip ko!!"

"Oh bat ganyan makatingin

"Kasalanan mo!

"Huh!?- siya

"Kasalanan mo  kung ba't natapon lunch ko!!! 

Sigaw ko sa kanya sabay inambahan sya ng suntok, nakailag naman ang loko, pero hindi ko parin sya tinigilan. 

"Woah! Woah! ~~wait!! Calm down! ok!!.. ha ha ha!! Sorry na ok~~sorry na!

"Kasalanan mo, kung hindi ka basta na lang tumalon dyan may lunch pa sana ako, bwisit ka!! - napagod nalang ako sa kakasigaw at kakasipa sa kanya, hindi ko pa rin sya natamaan kahit isa.  may sa monkey king ata ang isang ito, hanggang nasalo sya ang mga kamao ko at tatawa tawang pinigil ako. 

Black Scorpions [BoyxBoy] On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon