Chapter 11

40 4 0
                                    

Wala sa sarili akong umuwi ng bahay. Hindi ko parin lubos maisip na nagawa ko yon, na nagawa na namin ni Gio yun!

hahaha you are such a hypocrite Kaye! may nalalaman ka pang "virginity is the best gift for your husband" ano ka ngayon? marupok karin pala eh!

May mukha pa ba akong maihaharap ngayon sa parents ko? Sinira ko yung binigay nilang tiwala sakin.

I took a deep breath as I entered our home.
"sana wala sa sala si kuya." sabi ko sa isip ko

"Mag aalas dyes na ngayon ka palang umuwi?" bungad sakin ni papa, yumuko lang ako saka nagmano sa kanya

"g-good evening po." wika ko habang kinakabahan

"bakit ngayon ka lang? first time to na ganitong oras ka na umuwi ah!" sabi nya habang nakapamiwang. He looked upset

"h-hinintay k-ko po k-kasing tumila yung ulan." palusot ko, totoo din naman, ang lakas ng ulan kanina

"bakit kasi lumabas ka pa ng bahay kahit bumabagyo? paano kung may nangyari sayo sa daa--"

"Victor, tama na yan. Nagpaalam naman sakin si Kaye kanina, isa pa safe naman syang nakauwi." wika ni mama sa mahinahong boses

"ikaw kasi, masyado mong iniispoyl yan." sabat ni papa kay mama
"kumain ka naba?" ani ni papa

"o-opo. s-sorry po, h-hindi na po mauulit." sabi ko habang nakayuko

"wag mo nang pansinin ang papa mo, kanina pa mainit ang ulo nyan dahil nagkainitan sa session nila kanina sa City Hall, napagbalingan ka lang. Sigurado ka bang kumain ka na?" mama said in a soft voice

"opo."

"oh sya, pumasok ka na sa kwarto mo. magpahinga ka na." sabi ni mama, tumango lang ako at ngumiti

Mabuti nalang wala si kuya, kundi hindi lang singko ang aabutin ko, baka maka sampo pa ako.

(singko- expression ng ibang mga bisaya. it means sermon)

Habang nag s-shower ako, naisip ko yung nangyari sa amin ni Gio. Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko nang maisip kong.. hindi na ako berhen!

Nasan na yong Kaye na higit na pinapahalagahan ang puri at dignidad? Puro kasi patapos kung magsalita eh!

Nakahiga na ako pero yun parin ang iniisip ko. Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Dapat ba akong matuwa dahil sa wakas napaligaya ko ng husto ang lalaking mahal ko? O dapat akong magsisi?

Pero bakit ako magsisisi? lumigaya din naman ako. Siguro disappointed lang talaga ako sa sarili ko. Napaka hipokrita ko kasi! Pero ano mang maging resulta nang naging desisyon ko kanina, I know Gio will not let me face it singly. Pananagutan ako ni Gio.

Hindi na dapat ako nag ooverthink kasi pakakasalan naman ako ni Gio eh.

Napangiti ako nang maisip ko yung sinabi nya sakin kanina.

"No babe. buntis ka man o hindi, pakakasalan kita. Nasa plano ko na yan Pagkatapos ng kontrata ko. pero sa ngayon, kailangan ko munang unahin ang trabaho ko para din naman satin to, gusto kitang bigyan ng engrandeng kasal."

I can't wait to be Mrs. Morales :)

Natigil ang pag iisip ko ng biglang tumunog ang phone ko. It was a text message from.. kuya Jake?

"Sana hindi ka na galit. I'm sorry. Mahal na mahal lang kita bilang nag iisang kapatid ko kaya ko nasabi ang mga yon. Gusto lang kitang mapabuti. Kaye piliin mo palagi ang sumaya and remember to be strong always as there is no other person to help you get up, but yourself alone."

THE LAST REGRETWhere stories live. Discover now