Chapter 25

53 2 0
                                    

Pagdating ko sa bahay dumiritso agad ako sa kwarto ko at pabagsak akong humiga sa kama ko. I sighed heavily.
T'was a long tiring day pero productive naman.

Ang daming ganap kanina. Pagkatapos ng groundbreaking ceremony ng bagong Market Mall kanina, dumiritso agad ako sa isa pang groundbreaking din para sa Community EcoHub. After that sunod naman na binisita ko ang ongoing project sa Brgy.14 ang Cleanup, dredging projects along Bago creek. Pagkatapos nakasama din natin kanina si Cong. Joar, para magbigay ng training at starter kits sa mga nagtapos ng STEP o Special Training for Employment Program ng TESDA.

At bukas, marami pang naghihintay na trabaho.

Pagkatapos kong mag shower, lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang anak ko.

"Baby." tawag ko kay Free nang makapasok ako sa kwarto ni kuya

"mommy!!" masiglang sambit nya tapos tumakbo papalapit sakin at nagmano pagkatapos niyakap ako.

"how's your day, mommy? pagod ka na naman siguro noh." saad nya, ngumiti lang ako saka ginulo ang buhok nya

"medyo lang, anak." sagot ako

"tara na sa kwarto ko?" dagdag ko, tumango lang ang anak ko saka niligpit ang laruan nya.

"kamusta naman ang bigboy ko kanina sa school? naka perfect na naman ba sa quiz?" tanong ko sa kanya, pagkatapos masayang kwenento nya ang araw nya kanina.




---




Hindi ko pa man natatapos basahin ang kwento, nakatulog na agad ang anak ko.

Dahan dahan akong bumaba sa kaba at lumapit sa lamesang katapat ng kama ko. And then I started working. Ang dami kong papelis na kailangan pirmahan, hindi sapat ang working hours ko sa City Hall kaya dinala ko na rito sa bahay ang iba.

Tunay na hindi madali ang pinasok kong mundo. Pero kahit gaano pa ako ka busy, I always make sure na mabibigyan ko parin ng oras ang anak ko. Gustohin ko mang gawin syang top priority, at ibigay sa kanya lahat ng oras ko, hindi ko magawa dahil sa trabaho ko. Pero thankful ako kasi andyan sina mama at papa na kasama ni Free sa araw-araw. Pinaintindi ko na sa kanya ang lahat kung bakit mas marami ang oras ko sa City Hall kesa sa kanya.

Bata pa ang anak ko pero marunong na itong umunawa ng mga sitwasyon, kagaya nalang sa amin ng ama nya.

Dahil sa trabaho ko, wala na akong social life. Hindi na ako nakakagala, hindi na ako nakakasabay sa mga ganap ng mga kaibigan ko. Pero sino bang sisisihin ko? Choice ko naman to. May sinumpaan ako, pinili ako ng mga tao kaya kailangan kong gampanan ang tungkulin ko.

Kilala nyu na ang idol ko, kaya as much as possible ginagawa ko ang best ko para tularan sya. Isang tapat, mahusay at masipag, ma prinsipyo at may intigridad na leader.

Anyway, na eenjoy ko din naman ang trabaho ko. Kahit bilang lang yung araw na hindi ako pagod, pero somehow I feel bliss. Everytime may naa-accomplished akong projects, I felt satisfied.



I sighed after I finished my paperworks. Tiningnan ko ang oras sa phone ko. It's 12:15 A.M. No wonder bakit ang bigat na ng mga mata ko.

Humihikab ako habang pahiga na, dahan dahan lang ang galaw ko baka kasi magising si Free.

Bago ako tuluyang matulog, binuksan ko saglit ang phone ko, I opened my IG account. As I expected, ang daming notifications, ang daming nagmemention sakin, tinatag ako sa mga stories nila. Gustohin ko man replyan silang lahat pero hindi na kaya ng oras ko.

I smiled as I viewed the IG story of Jane, kung saan naka mentioned ako. Picture nilang tatlo ni Jane, Sam at Lorelyn. Taray, nag Boracay pala ang mga babae kasama ng mga jowa nila.

THE LAST REGRETWhere stories live. Discover now