Chapter 6 - Sports Fest

49 2 0
                                    

May program ang school ngayong araw. Required kameng sumali sa 1 day sports fair and syempre sumali ako kung san ako magaling.. VOLLEY BALL!! Captain ball ako sa school namin dati sa Japan kaya jojoin ako sa VB dito sa FIA. Nagpalista na ako and try out kahapon and asusual pasok ako at ako yung kinuhang CB at isa pa! Isinama ako sa team for FIA..

"Hi Yuna..." Napalingon ako sa taong tumawag sakin..

"Hi Rix.." Pangiting bati ko sa kanya.

"May sinalihan ka na ba na sport?" Tanong nya sakin.

"Yeah! Volleyball.. Actually game namin ngayon sa Gym versus 8th grade.."

"Talaga?? Sige manunuod ako.." Nakangiti parin sya sakin

"Sure.. Hehe punta na ako ah?" ngiti kong pagpapaalam sa kanya habang lumalakad na ako papuntang gym..

"Ichicheer kita yuna! Goodluck!!"

---
"Grabe daming tao... Asan na kaya si Jazz?" Tumitingin ako sa paligid at sa bleachers pero hindi ko mahanap si Jazz sa buong court o kahit sa bleacher.

Phone rings...

Biglang may tumawag sakin,nung kinuha ko ang phone at tiningnan ko kung sinong tumatawag sabay sagot agad..

"Bezue!! Asan ka na? May laro tayo ngayon!!"

"Nasa locker room kame kaw nalang ang inaantay.. Naku bezue di talaga ako marunong maglaro ng VB ikaw kasi eh pati pangalan ko nilista mo rin..." Reklamo ni Jazz sakin..

"Ay bezue!! Kaya kita nilista para may water girl ako.. Hahaha" tumatawa akong naglalakad papunta sa locker room kung san nagmemeeting sila sa kung anong strategy ng laro mamaya.

"So plano mo lang ako gawing alalay mo?? Ganun ba yun? Haha bahala ka!!" Tumawa rin sya skin.

"Huh!!! Bahala ka.. Sasabihin ko sa buong clase ang tinatago mong baho.. Hahaha" mas lumakas yung tawa ko.

"Haiish! Atin atin lang yun... Ge na ako na bahala sa tubig mo.. Langya ka talaga kung di lang kita bestfriend.. Hmp! Lika ka na.."

"Haha lapit na.. Lam ko naman mahal mo ako di mo ako matitiis.. Haha.." Sabay off ng tawag. Papasok na sana ako ng locker room kaso nakasalubong ko yung hinayupak na si Claude.

"Ikaw nanaman??! Bakit ba kung san ako napupunta dito sa campus eh nakikita kita? Grabe! Laki laki na ng FIA HSdept nagkakasalubong parin tayo?" Nangingitngit ako sa inis sa tuwing nakikita ko sya.. Di ko alam kung bakit siguro dahil sa masama yung ugali nya at walang respeto kahit sa babae.

"Bakit ba naiirita ka sa akin?? Siguro gusto mo ako.. Gusto mo ako noh??" Mas lalo akong nainis sa sinabi nya.

"Ang kapal... Ang kapal kapal kapal... Matanong nga kita??!! Dictionary ka ba???" Diin kong sabi sa kanya..

"Bakit? Kasi I give meaning to your life???"

"Hindi!! KASI SING KAPAL MO YUNG WEBSTER SA LIBRARY!! Tabi ka nga!! Hahara hara ka sa dadaanan ko... Kapal ng pagmumukha neto.." Painsultong Banat ko sa kanya sabay alis at pumasok na sa locker room.

"Hello everyone!! Andito na ang pinakamaganda at pinakamagaling sa larangan ng sports!" Nagulat ang lahat sa sinabi ko. umiiral nanaman kasi ang pagiging Narcissist ko.

"You're late!!! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ang meeting.. Ikaw ba naman ang...." Bigla kong pinatigil si coach sa pagsasalita sa pamamagitan ng biglang sabat ko..

The First and LastWhere stories live. Discover now