Teo #1.2

1 1 0
                                    

~Timoteo Cartzile Salvador~

Hindi bilugan pero malalaki ang mga mata nya. At sa bawat sulok tila may mga nakatagong expressions at emotions.

Napakasimple nitong pagmasdan dahil wala akong mahanap na bakas ng mga palamuti. Ang eyebrows nya may katamtaman ang kapal na parang sinadya nyang hindi ahitin dahil sa maraming hibla ang nakasunod pababa sa eyeball nya.

Kahit na ganon, ang ganda pa rin sa paningin. Hindi sya mukhang lalaking tignan sa makakapal na kilay dahil may mahahaba rin syang eyelashes. Na ikinalilito ko kung idinugsong ba o natural lang sa kanya. Pero dahil wala ngang bakas ng kahit anumang make-up, nakasisiguro akong ito'y hindi extension.

May konti syang bangs na nagpaganda sa kabuoan nya.

Hindi rin matapang tignan sa kabuoan pero nakakapawis pala ang matitigan nya.

Minsan kumukurap sya pero kasabay nito ang paggusot ng kanyang noo.

Naaalibadbaran?

Pogi naman ako ah!

Wala akong makitang reaksyon sa kanya kundi yung pagsalubong lang ng mga kilay nya.

Yung reaksyon ko that time, hindi ko maimagine.

Paminsan minsang pinagpapalit ko ang tingin sa magkabila nyang mata. Pero kahit saang anggulo tingnan, ang ganda talaga.

Kahit nakaface mask sya hindi ko makakalimutan ang mga mata nya.

Kung paano sya tumingin, nakakamatay!

~~~~

Agad nyang ibinalik ang mga shades nya nong dumating ang kanina'y kasama nya.

Doon lang naputol ang titigan namin.

Nabalik sa alaala ko na silang dalawa nga pala yung nakasakay ko kanina sa bus.

Umalis na rin sila agad. Pumunta sila sa elevator. Doon yata sila magpapatingin sa next floor.

Pasyente rin ba sila?



~~~~

Naupo ako sa simentong upuan sa park. Lumayo ako mula sa maraming tao roon at piniling mapag-isa.

Hawak hawak ko pa ang papel mula sa resulta ng isinagawang test sa akin. Hindi ako makapaniwalang sa mura kong edad mamanahin ko ang sakit ni mama.

Si Dr. Edward ang syang tumulong sa amin sa kalagayan ni mama noon. May nakaraan sila ni Dr. Edward noong mga binata at dalaga pa sila, sya ring nagsagawa ng test sa akin.

Nanghihina ako sa pagkakaupo ko. Nagumos ko ang papel na hawak ko dahil hindi ko na napigilan ang emosyon.

Nagsibagsakan na lang ang mga maiinit likwido sa aking pisngi. Nanlabo na ang paningin ko dahil humaharang ito sa aking mata.

It is possible to inherit the things from your parents. Kasama na ang mga sakit na tulad ng sa akin ngayon. I wanna die!

Pakiramdam ko, nawala ang pagasa ko.
And I feel like my dearest moto was gone for awhile. Be positive!

Nung sandaling 'yon...hindi ito nagpakita sa hinagap ko. Tila nabalot ako ng madilim na enerhiya. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko na parang ayoko ng huminga o mabuhay.

Bakit ba ako na lang palagi?

Gusto ko na ng sumuko.

Napatakip na lang ako sa buo kong mukha. Gusto kong pigilin ang paghagulhol pero hikbi ako ng hikbi.
Ayaw tumila ng luha ko.

Watdapoop!

Para naman akong babae nito.

:(

****







Follow/ Add me on fb: Julycah Valenzuela

On instagram: Julycah Valenzuela / julala_ jjjj

Eyes, see, you ( i see you)

All rights reserved 2023

Eyes, See, You ( I see you)Where stories live. Discover now