Chapter 4

4 1 0
                                    

"Tatapatin na kita Ms.Panares.you need to undergo treatment for your illness"

Aniya ng doctor na pinagconsultahan ko ngayon.may pasok kami ngayon ngunit dumaan muna ako saglit ng hospital upang mag pa konsulta.

"Ano pong klasing treatment doc"

Tanong ko dito habang mahigpit ang hawak sa dala kong bag.medyo kinakabahan ako sa sasabihin ni doc.alam kong sinabi na niya nong nakaraan na may posibilidad na atakihin ako ng malala dahil lumalala na ang sakit ko dahil hindi ako nagpapagamot at panay inom lang ako ng mga gamot.

"Aware ka naman seguro Ms.Panares na ang sakit na leukemia ay isang cancer sa dugo.ibig sabihin ang red blood mo ay unti unti ng inaagaw ng white blood cells that leads to cancer"paliwanag ni doc at naghintay ako ng susunod nitong sasabihin

"Sa ngayon nakakakilos at nakakagalaw ka pa ng maayos dahil nasa stage 1 palang ang sakit mo.pero wag mo sana paabutin pa na lumala ito.you need to undergo chemotherapy"

Iyan ang nasa isip ko hanggang sa makarating ako sa school namin.buti nalang hindi ako na late at nakapasok pa ako sa unang klase namin hanggang sa huling klase namin sa umaga.nakapasok nga ako ngunit parang ukupado ang isipan ko hanggang sa makarating kami ni wendy sa cafeteria para mag lunch.

"Are you okay"tanong sa akin ni Wendy ng mapansin nito ang pagiging balisa ko

"Of course im okay"pilit kong ngiti

Nang matapos kami kumain ay napagpasyahan namin ni Wendy na maglibot muna kami sa school dahil maaga pa naman para sa susunod naming klase.nang mapagod kami ay dumeretsa kami sa malapit na booth na tinatambayan ng ibang estudyante.Ang sarap tambayan dito bukod sa tahimik,maaliwalas at mahangin pa.

Napatingin naman ako sa bawat dumadaan na estudyante.meron din mga naglalaro sa field gaya ng soccer.may mga estudyante ding tumatambay sa ilalim ng puno kasama ang mga shota at mga kaibigan nito.

Kung kagaya lang ako nila simpling estudyante at malayang gawin ang lahat at walang sakit na nilalabanan seguro subrang saya ng buhay ko.napangiti nalang ako sa mga naiisip ko.kahit anong gawin ko andito na to ey wala na akong magagawa.

May isa pa pala akong problema.kung sasailalim ako sa chemotherapy kailangan ko ng pera para don.hindi naman pwede gastosin ko ang allowance na binibigay sakin ng mga magulang ko dahil panigurado magtatanong ang mga iyon kung saan ko ginastos ang ganong kalaking pera.

Bigla naman akong napalingon kay wendy ng tahimik din itong nakamasid sa paligid at tinitignan ang ibang mga estudyante.what if humingi ako ng tulong kay Wendy.nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko ba sa kaibigan ko sa huli nagpasya akong humingi ng tulong.

Napabuga ako ng hangin bago ko sinubukang tanungin si Wendy.

"Wens"kinakabahang tawag ko dito na agad naman itong lumingon ng nagtataka

"Hmmm bakit Isa may problema ba"takang tanong nito

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pakiusap ko dito.

"Pweding pa favor"

Kumunot naman ang noo nito dahil di ako yung tipong tao na humihingi ng pabor.hinintay lang nitong magpatuloy ako sa aking sasabihin

"May kakilala ka bang may mapapasukang trabaho"ngiti kong aniya kaya agad naman nag iba ang ekspresyon ng mukha nito dahil sa sinabi ko

"Bakit mo natanong Isa"naguguluhang tanong nito sakin

"Kailangan ko ng trabaho"deretsang banggit ko

Ikinagulat naman nito ang aking sagot.dahil alam naman nitong di ko kailangan mag trabaho dahil may kaya naman ang pamilya ko.

"Bakit,bakit kailangan mo ng trabaho may problema ka ba Isa sabihin mo nga sakin may problema kaba"

Hinawakan na nito ako sa magkabilang balikat upang komprontahin.bakas dito ang alalang tingin sa akin ng aking matalik na kaibigan

Bumuntong hininga ulit ako upang kumuha ng lakas para sabihin sa kaibigan ko ang dahilan.

"Ayaw ko ng umasa sa pera ng magulang ko Wens.alam mo namang where not in a good terms right."paliwanang ko ngunit naguguluhan padin ito

"Aanhin mo ang pera Isa,para ba sa pag-aaral mo.hindi mo naman kailangang gawin iyon.gusto mo tulungan kita"

Humigpit ang hawak ko sa kamay ng Kaibigan ko.ang swerte ko padin dahil may kaibigan akong handang makinig at tulungan ako.pero sa ngayon hanggat kaya ko hindi pa panahon para malaman niya ang sakit ko.ang selfish right pero ayaw kong kaawaan ako,ayaw ko din dumagdag pa sa aalalahanin ni Wendy.

"Ahm kailangan ko mag trabaho at kumita ng sarili kong pera Wens,ahm alam mo naman malapit na tayo mag internship kailangan ko ng malaking pera para don.at isa pa may sakit ang anak ni manang lolit kailangan nitong ma operahan kaya gusto ko siyang tulungan"paliwanag ko kaya medyo lumuwag ang pagkakahawak sa akin ng Kaibigan ko

"Pero Isa ang gulo,pinapasweldo naman si manang ng tama diba saka bat di siya humingi ng tulong sa family mo since matagal na siyang naninilbihan sa inyo"

"Alam ko yun Wens pero alam mo namang palaging wala sa bahay mga parents ko diba at isa pa Wens nahihiya na si manang dahil malaki na daw naitulong ng pamilya ko sa pamilya nila.kahit gusto ko paman mag bigay ng pera mula sa allowance ko ay hindi ito pumayag dahil pera padin iyon ng parents ko"

Mukhang nakuha naman iyong ng kaibigan ko kaya saglit itong napaisip.

"May kakilala akong nangangailangan ng empleyado sa flower shop malapit lang diyan sa bayan"

Napayakap naman ako sa kaibigan ko dahil doon.ito na yun mag kakatrabaho na ako.makakapagpagamot na ako.sorry manang nadamay kapa pero wala na akong ibang choice o palusot para tulungan ako ni wendy.

"Salamat Wens thank you so much"pasalamat ko dito na may kunting pag iyak kaya niyakap din ako ng mahigpit ng Kaibigan ko

"Mahal na mahal mo talaga si manang lolit no"aniya nito kaya napangite ako

"Oo naman alam mo namang bata palang ako si manang na ang nag aalaga sakin at nagsisilbing pangalawa kong magulang"

"Oh siya sa Sunday sasamahan kita doon"

Muli ay nagpasalamat ako sa kaibigan ko at pagkatapos non ay agad kaming bumalik sa klase namin kinahapunan.

I can't wait na mag Sunday na.

..........

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"THE  YESTERDAY'S DREAMS"Where stories live. Discover now