Chapter 3

6 1 0
                                    

Pagkatapos kong manood ng laro nila captain ay agad akong umuwi ng bahay.Ang saya ko habang pauwi ako.nakausap ko si Captain dahil kay Wendy.parang noon lang pinapanood ko lang siya dati sa malayo.admiring him from afar.crush ko siya since freshman kami until now third year college.he take a course engineering at ang talino pa nito.

Una ko siyang naging crush nong unang beses ko din siya makitang maglaro at namangha agad ako sa subrang galing nito maglaro.balita ko nga madaming nag aagawan sa kanya na university since hindi lang sa paglalaro ang focus nito pati din sa pag-aaral.kung susumahin ideal man talaga siya ng lahat.ayon nga lang di ko siya malapit lapitan dati pa dahil tahimik ito at mukhang suplado.

Naiingit nga ako sa ibang babae diyan na parang madali lang sakanila na lapitan siya kahit minsan pinagtatabuyan niya ang mga ito.pero kahit ganon yun kontento na ako na hangaan siya sa malayo saka crush ko lang naman siya iba yung crush sa gusto.

Nang makababa ako sa sinasakyan kong trycicle ay agad akong nagbayad at binuksan ang gate papasok ng bahay namin.nakasindi na ang mga ilaw sa buong bahay kaya agad akong napahinto sa mismong pinto nito.the house is big yet solitude.malaki nga tinitirhan namin wala namang buhay ang buong bahay ang lungkot tignan.

Pumasok na ako ng bahay at naabutan ko si manang lolit na naghihintay sa akin.binati nito ako na sinuklian ko lang ng tipid na ngiti.alam mo yung sa labas o sa school lang ako sumasaya pero pag dating dito sa bahay binabalot ulit ako ng lungkot

"Nasa dining area ang mga magulang mo Isa.hinihintay ka nila"aniya ni manang

Hindi ako sumagot at pansin ko ang malungkot na tingin sa akin ni manang.alam nito ang mga pinagdadaan ko sa bahay na ito.

Bumuga nalang ako ng hangin para ey release ang stress ko bago ko nginitian si manang.

"Magbibihis lang po ako"

Tipid kong sabi bago umakyat papuntang kwarto upang magbihis.ano na naman kayang kailangan nila sakin.kaya naman nilang maghapunan ng wala ako dahil usually di naman talaga ako nakikisabay sa kanila.

Inilapag ko ang mga gamit ko sa kama bago nagbibis ng pambahay.nang matapos ako ay saka lang ulit ako bumaba.dumeretso ako sa dining area namin at pagpunta ko ay sinalubong ako ng tahimik na lugar.andon sila mom and dad kumakain ng tahimik habang may mga gadgets na katabi.even in this situation kahit kumakain ay pagtatrabaho padin ang inaatupag nila.nakakalimutan na nilang may anak din sila na kailangan sila lalo na sa ganitong sitwasyon ko.

Ikinuyom ko nalang ang aking mga kamay bago naglakad papunta sa kanila.nang mapansin nila ako ay tinitigan lang nila ako saglit bago itinoon ulit ang atensyon sa ginagawa nila.see,ni hindi nila ako matignan ng matagal hindi man lang ako binati kung kamusta ang araw ko ngayon tsk!.kaya ayaw kong sumabay sa kanila kumain kasi wala namang patutunguhan to lahat maslalala lang ang sakit ko pag dinibdib ko pa.

Naghila nalang ako ng bangko bago umupo.kumuha nalang ako ng pagkain at nilagay ko sa plato ko.tahimik din akong kumakain pero parang wala akong malasahan sa mga kinakain ko. I hate this scene even this place.

"I've heard hindi ka pumasok nong nakaraang araw"

Natigil ako sa pagkain ng marinig ko si dad.Im not even surprised dahil kakilala ni dad ang mga namamalakad sa school na iyon kaya alam niya ang ganap sakin.

"Nilagnat po ako"

Tipid kong sagot at hindi hinintay ang reaction ni dad.pasimple namang tumingin sakin si mommy at tinigil saglit ang ginagawa

"Just told manang lolit if may sakit ka Soler,she can take care of you"

Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni mommy at nagpatuloy kumain.nawalan ako ng gana kaya nagpaalam na ako sa mga ito.

"Aakyat na po ako"

Paalam ko at di na hinintay ang mga sagot nila.agad akong bumalik sa silid ko at umupo sa kama.agad kong pinunasan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Pag may sakit ako laging kay manang lolit nila lahat inaasa.baka nakakalimutan nila sila ang magulang ko at hindi si manang lolit.kailangan ko ng magulang upang kayanin ko tong sakit ko.pero parang wala naman silang pakialam.

Natigil ako sa pag-iyak ng may biglang kumatok sa pinto.dali dali kong pinunasan ang luha ko saka inayos ang sarili bago binuksan ang pinto.pag bukas ko ay tumambad sa akin si manang na malungkot na nakatingin sa akin.

Hinayaan ko itong pumasok sa silid ko at bumalik ako sa pagkakaupo sa kama.sinarado ni manang ang pinto bago ako nilingon.

"Umiyak ka na naman masama yan para sayo Isa"

Alalang aniya ni manang kaya di kona napigilan ang sarili ko kundi umiyak agad naman akong inalalayan ni manang at hinagod ang likod ko

"Pagod na po ako"iyak kong sabi kay manang

Kitang kita ko ang pagtulo din ng luha ni manang sa pagkaawa sakin.

"Bawal ka mapagod Isa,lalaban ka para sa mga mahal mo sa buhay"

"Pero manang pano ako lalaban kung sarili kong mga magulang walang pinapakitang motibo na kailangan kong lumaban.sagabal lang po ata ako sa pagtatrabaho nila"hagulhul kong sabi kaya niyakap na ako ni manang upang patahanin

"Shhhh wag mong isipin yan Isa mahal ka nila,mahal na mahal"

Hindi nalang ako sumagot kay manang at hinayaan ang sarili na umiyak,ng tumahan na ako ay saka ko nginitian si manang at pinasalamatan.

"Thank you manang for always there for me"

"Di kana iba sakin Isa,para na kitang anak"

Nginitian ko ito bago niyakap ulit.

"Wala ka bang planong sabihin sa kanila ang kondisyon mo Isa"tanong ni manang na agad ko namang tinutulan

Si manang lang ang nakakaalam ng sakit ko since siya ang kasama ko dito sa bahay lalo na pag inaatake ako ng sakit ko.siya ang nag aalaga sakin kasi wala naman dito ang mga magulang ko upang tignan kung kamusta ba ako.

"Wag mona manang ayaw ko po silang abalahin at saka po kaya ko po ito"panigurado ko

"Pero lumalala na ang sakit mo Isa namumutla ka na nga"alalang aniya nito

"Kaya ko po ito manang lagi naman po akong nagpapaconsult"

Napabuntong hininga nalang ito at di na nakipagtalo sakin.

"Oh siya kung iyan ang pasya mo.aalis na ako at may gagawin pa ako sa baba"

Paalam ni manang sa kin bago lumabas ng kwarto.nang makaalis ito ay agad akong humiga sa kama ko,ngayon ko lang naramdaman ang pagod.agad rin naman akong nakatulog.

........

"THE  YESTERDAY'S DREAMS"Where stories live. Discover now