Simula: Si Erhine at Ang Break-Up

25 2 8
                                    

Prologue

"Maganda ka sana maitim ka lang!"

"Okay na sana ang katawan mo, ang mukha mo, pero ang kulay mo... iba bhe! Gluta gluta pag may time!"

"Paputi ka!"

"Alam mo ang ganda mo sana kung medyo paputiin lang natin ng konti yung balat mo!"

"Ganda sana eh..."


GANDA SANA EH..

GANDA SANA EH....

GANDA SANA EH........


Sige ilang ulit pa? Alam niyo sawang-sawa na ko sa mga taong laging nagsasabi sa akin ng mga ganyan. Ako kasi kuntento na ko sa kulay ko. Very Filipna hindi ko na kailangan magpaputi para lang sabihang maganda noh! Alam kong maganda na ko. Bakit kapag maputi maganda agad? Kapag maputi chicks agad? Kapag maputi may forever na? Pilipinas toh hindi Korea!


Ka-HB! Ako nga pala si Erhine Guzman, 16 years old naninirahan sa Tondo Manila. Kaka-graduate ko lang ng high school. Wala pa kong mapapasukan kasi di pa ko sure kung tatanggapin ko yung scholarship na inaalok sa'kin sa Korea. Oo sa Korea.Gustong-gusto ko talaga pumunta dun at mag-aral kasi everytime na manonood ako ng mga koreanovela saTV feeling ko dun talaga ako nababagay eh! Feeling ko dun ko talaga mahahanap ang true love ko.


Sayang naman kasi yung opportunity kung tatanggihan ko yun noh? Full scholarship din yun tsaka nakahanda na rin naman na yung mga kakailanganin ko papunta dun. Ewan ko ba dito kay mama ayaw akong papuntahin dun. Mahal na mahal ako eh.


"Uy anak! Ano? Isang buwan ka nang tambay dito. Saan ka ba talaga mag-aaral?" tanong sakin ni mama

"Mama kasi di ba nga gusto ko mag-aral sa Seoul at least dun kapag nakatapos na ko ng pagaaral ko malay mo swertehin po ako dun at makahanap ng magandang trabaho. Magandang sweldo...." sagot ko

"Hindi mo ba ko maunawaan anak? Alam ko naman yun eh. Ang inaalala ko lang eh kung anong mangyari sa'yo dun. Paano kung maaksidente ka dun o mahospital ng biglaan? Sinong tutulong sa'yo?" mukhang galit pero mahinahon na sabi ni mama


Napa-isip din ako dun kasi kung gagawin ko nga yun mukhang mahihirapan nga ako kasi sila Mama at Ate ang kasama ko lagi dito sa bahay. Si papa naman nasa Qatar naman para magtrabaho. Ewan ko naguguluhan pa ko. Sa june pa naman ang pasukan kaya siguro may chance pa ko para makapagisip-isip.


"Tsaka anak paano na si JB? Iiwan mo siya?" sabi ni mama

"Oo... ayt joke syempre hindi ma bawal ba ang long distance relationship?" sagot ko

"Hay nako anak mahihirapan ka diyan! Kami ng papa mo oh! Alam mo bang araw-araw ko yung nami-miss simula ng umalis siya dito sa atin. Kahit na gustong-gusto ko na siyang pabalikin dito at dito na magtrabaho hindi ko magawa kasi iniisip ko din ang future niyong magkapatid dito. Sino nalang magpapaaral sa inyo?" umiiyak na si mama habang sinasabi niya yun

"Drama ma. Tsaka si JB.... alam ko namang mauunawaan niya yun. Husme ma pag nasa Korea naman na ko every year uuwi din ako for sure naman may summer break or everything dun. Mamimiss ko din naman kayo noh!" niyakap ko si mama ng mahigpit na mahigpit....

"Basta anak ipangako mo ha...."

"Ano yun ma?"

"Kapag nasa Korea ka na.."

Am I too dark to be loved?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon