MEETING HER 01

1.7K 162 1K
                                    

THE START OF RIVALRY

David's P.O.V.

Final school year na!

Isang taon na lang ang gugugulin namin dito sa St. Augustine's Academy pagkatapos ay magko-kolehiyo na kami. Siyempre bago mangyari 'yon, kailangan ko munang masungkit ang pinakamataas na titulo: ang maging class valedictorian.

Sabi naman ng class adviser namin ay hindi ako mahihirapan dahil base sa aking mga marka mula una hanggang ikatlong taon ay ako ang nangungunang estudyante para sa karangalan.

Nakakatuwa lang dahil kapag nangyari 'yon ay magkakaroon ako ng full-scholarship grant sa kolehiyo kaya hindi na mahihirapan si Ate Diane sa aking pang-matrikula. Pitong taon pa lang ako nang mamatay ang aming ama at simula noon ay naging sakitin na ang aming ina, kung kaya't si Ate Diane na ang halos umako ng lahat.

Naputol ang aking pagmumuni-muni nang makarating ako sa silid-aralan. Umupo agad ako sa tabi ng kasintahan kong si Vanessa at pilyong sinundot ang kanyang tagiliran. Bukod sa aking pamilya, isa rin siya sa mga inspirasyon ko at lagi akong pumapasok nang maaga dahil sa kanya.

Akalain niyo bang ang famous cheer leader ng St. Augustine's Academy ay girlfriend ko? Siyempre, gwapo eh! Kaya perfect match kami.

Nagtaka ako nang hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagbabasa ng hawak niyang libro. Pagtingin ko sa cover nito ay agad na nangunot ang aking noo.

Walastik! Sixty Shades of Grey?

"Hey, Dave! Ano ba? Nakita mong nagbabasa 'yong tao eh," bakas sa boses niya ang pagkagulat nang bigla ko na lang hablutin 'yong libro niya.

"Ano ka ba naman, Vanessa? Bakit ganitong klase ng mga libro ang binabasa mo? Bawal ito rito ha! You're violating our school rules. 'Yong assignments mo, nagawa mo na ba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Akin na nga 'yan!" sa halip na sagutin ang mga tanong ko ay pilit lang niyang kinukuha 'yong libro na pilit ko rin namang itinataas gamit ang kanang kamay ko. "Hay naku! Ang hirap talaga 'pag may matalinong boyfriend, hmp!" narinig ko pang bulong niya.

Dahil nga hanggang tainga ko lang si Vanessa, sabihin man nating matangkad din siya sa taas na 5'5", ay hindi niya ito maabot-abot dahil mas matangkad pa rin ako sa kanya. At sixteen, I already stood at 5'8".

Natigil kami sa pag-aagawan ng libro nang pumasok sa aming silid si Mrs. Cheng. Agad kong nilagay sa loob ng bag ko 'yong libro habang si Vanessa naman ay tila umuusok pa rin ang ilong sa tindi ng inis sa akin.

"Okay class, good morning!" panimula niyang bati.

"Good morning, Ma'am!" sagot naman namin.

"So this is the second day of your class and of course, your final year in high school. Ngayon pa lang, I would like to congratulate all of you for making this far lalo na 'yong ating mga running for honors."

I smiled widely. We were forty students in section one and half of the class were currently running for honors, but of course, I was the only one who ran for the valedictorian title.

Well, who else?

"Bibig mo, mapapasukan na ng langaw sa sobrang laki ng ngiti mo!" patutsada ni Vanessa. Binigyan ko lamang siya ng isang nakakalokong ngiti na sinabayan ko ng kindat. Ang sarap talaga niyang asarin kapag nagtataray siya.

"But for the meantime, I would like to introduce to you your new classmate," tumingin si Mrs. Cheng sa labas ng pinto at sinenyasan ang kung sino mang naroon sa labas. Hindi ko alam pero parang bigla na lang akong kinabahan.

SABOTAGING MY WALKOUT QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon