Blake's POV
Kakatapos lang ng practice game namin ng ipatawag kami sa Principal's Office. Syempre varsity din kami. Di lang puro hotness ang meron kami, isa rin yan sa rason kung bakit kami tinitilian ng mga *ehem* buhay na hipon natigil ako sa ginagawa ko ng may bumato sakin ng towel. Nilingon ko naman kung sino ang kutong lupang yun.
"Hoy Blake bilisan mo nga para kang babae kumilos" Mike
"Abah! anong akala mo sakin? Bakla?!"
"Bakit hindi ba?" *Smirk* Mike
Walangya tong si Mike pagkamalan ba akong bakla?! Kahit pumuti pa ang pink hindi ako magiging bakla itaga nyo yan sa ulo ni Chaka Doll.
"Tss Bilisan nyo na nga mamaya magalit pa satin si Principal" Nico
"Tapos na, tara na baka mamaya mabigat pa yung parusang ibigay satin."
"May natatandaan ba kayong kasalanang ginawa natin para ipatawag tayo?" Drake
"Wala naman, tara bilisan na natin mukhang importante" Nico
Naglakad na kami papunta sa Principal's Office at habang naglalakad kami sa hallway kulang na lang mag-heart shape yung mga mata nila. Aba sa gwapo ba naman namin eh bwahaha sino ba namang hindi maglalaway mabuti na lang at hindi ganun kalayo ang nilakad namin kaya nakarating agad kami sa Principal's Office. Kumatok muna kami at narinig naming nagsalita ang Pricipal kaya pumasok na kami.
"Have a seat boys" Principal
Edi umupo naman kami. Nakakapagod kaya after ng practice game naglakad pa kami papunta dito. Nang makaupo na kami nanatili lang kaming tahimik senyales na hinihintay namin ang susunod na sasabihin ng Principal.
"Alam nyo naman siguro na ang ating eskwelahan ay magpapadala ng ilang estudyante sa iba't-ibang school?"
"Opo" sabay sabay naming sagot.
"At kayong apat ang napili upang ipadala sa Smith University" Seryosong sabi ng Mama ni Drake.
"Mama?! Ang daming school dyan bakit dun pa sa puro Nerd?!" Drake
Sus kala ko pa naman kung ano na .Yun pala puro ne— O.O ANO?! NERD?! What the—
"Ayaw mo? O ipapacut ko ang mga cards mo? At one more thing wag nyong subukang gumawa ng kalokohan dun." Maawtoridad na sabi ni Tita.
Ano pa nga ba no choice baka mamaya kunin ni Mama lahat ng cards ko. Nagtataka siguro kayo kung bakit takot kami kay Tita Dane. Magbebest friend kasi mga parents namin kaya kapag gumawa kami ng mali makakarating at makakarating sa kanila.
"Sige umuwi na kayo at simula bukas sa Smith University na kayo papasok" Tita
BINABASA MO ANG
Smith University ( On- hold)
Teen FictionIsang simpleng babae na nagbago dahil sya'y nasaktan ngunit dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon magkikita muli sila? ?Handa na ba syang magpatawad at tanggapin muli ang taong minsang ng nanakit sa kanya o mangingibabaw ang kanyang galit?
