Nathalia's POV
Ayoko talaga sa lahat yung mga maarteng babae katulad nung transferee ano nga bang name nun? Ella? Elise? Hindi El yun eh... Ah Elaine.
Tss napaka arte. Anyway nakita ko silang binuhusan ng isang timbang pintura. Well wala akong pakialam sa kanila mabuti nga sa kanila at maranasan naman nila ang mapahiya at masaktan siguro nagtataka kayo kung bakit ginagawa ko to?
Kung bakit hinahayaan kong may makapasok na maaarte or should I say hindi mga nerd sa school na to eto kasi ang nangyari dati....
*Flashback 3 years ago*
Nag-aaral pa ko noon sa Clifford Academy ang C.A isang tanyag na paaralan para sa mga mayayaman halos karamihan ng mga kilalang pamilya dito nag-aaral ang mga tagapagmana, kaya naman swerte ka pag nakapasok ka sa C.A. Since may share ang Dad ko sa C.A dun nya ko pinag-aral kahit ayoko pero wala akong magagawa kailangan ko sumunod sa utos ni Dad.
"Ms.Smith nakikinig ka ba?" Prof ko yan.
"Opo ma'am"
"Kung hindi kayo willing makinig makakalabas na kayo, dalawa yung pinto" sabay turo niya sa dalawang pintong nakabukas.
*KRIIINNNNGGGGG*
"Ok goodbye class " Prof
"Goodbye ma'am"
Pagkatunog pa lang ng bell lumabas agad ako, di ko na kasi matagalan ang class room namin masyadong maaarte at mayayabang mga tao dun. One hour naman ang break ko ngayon kaya sa library muna ako tatambay atleast dun tahimik. So naglakad na nga ako nang may nakabangga naman ako dahil sa dami ng librong dala ko at lakas ng pag kakabangga ko sa kanya nabitawan ko lahat yun .
"Pasensya na miss nagmamadali kasi ako eh" sabi nya habang pinupulot ko yung mga gamit ko. Ang dami tuloy tumitingin at nagbubulungan. Malay ko bang heartthrob pala tong nakabungguan ko =____=
Mike's POV
Nakita kong lumabas na ng room si Nathalia kaya lumakad na din ako at sinadya ko talagang banggain sya.
"Pasensya na miss nagmamadali kasi ako eh" sabi ko sa kanya bago ko sya tinulungang pulutin yung mga gamit nya.
Nakita ko naman sa likod nya ang barkada ko at nag thumbs up sila sakin. Hoy kung iniisip nyong may gusto ako kay Nathalia nagkakamali kayo. Di sya papasa sa taste ko, at isa pa hindi ako pumapatol sa NERD talagang kailangan ko lang gawin to dahil sa pustahan ng barkada and all I need to do is to break her heart at ang kapalit fifty thousand pesos. Naghihirap tuloy ako ngayon dahil pinacut ni Dad ang mga cards ko dahil nalaman nyang di ako pumapasok sa mga klase ko.
BINABASA MO ANG
Smith University ( On- hold)
Novela JuvenilIsang simpleng babae na nagbago dahil sya'y nasaktan ngunit dahil sa isang hindi inaasahang pagkakataon magkikita muli sila? ?Handa na ba syang magpatawad at tanggapin muli ang taong minsang ng nanakit sa kanya o mangingibabaw ang kanyang galit?
